January 16, 2013

3.3K 27 0
                                    

Second week na pala ng midterms. Kahapon ko pa inaasahang lumabas sa online site ng school namin yung grades ko pero kanina lang in-update.

Nag-aral ako. Bumili ng libro gamit ang pera na inipon ko mula sa baon ko. Nanonood ng videos sa Youtube para lang siguradong na-master ko ang lesson namin. Sumali sa study group kasama ang mga ka-block ko. Pasado ako sa exam. Pasado dapat ako. Bakit ganun? San ba ako nagkulang?

Sinadya kong puntahan ang prof ko sa Analytic Geometry habang lunchtime. Hindi ako kumain para lang hintayin siya sa labas ng faculty room. Para itanong sa kanya kung bakit ako bumagsak.

"Good morning, sir." Sinabi ko na medyo nahihiya pa. Pero hindi dapat eh. Ako ang nasa tama, siya dapat ang mahiya.

"Good morning, hija." Sinabi nya habang tuloy tuloy sa paglalakad papasok sa faculty room, nang hindi man lang ako tinitignan

"Sir, wait lang." Hinila ko siya sa may braso. Shit, nasobrahan yata ako sa lakas ng loob.

Tinignan niya ako ng magkahalong pagtataka, pagkagulat, at pagka-inis. Pero binalewala ko yun at sinabing "Sir, bakit ako bagsak?"

"Because you deserved it."

"Pero sir, pasado ko exam mo!"

Tinanong niya ang buo kong pangalan, schedule sa klase niya at pinapasok sa loob ng faculty room. Ipinakita niya rin sa akin ang mga record ko na punong-puno ng pulang tinta ng ballpen.

"Sa klase ko, 30% ang attendance, 20% ang quiz, 10% ang boardworks, seatworks at recitation. 40% lang ang prelim exam na ipinasa mo. Nasan na yung 60%?"

Ipinaliwanag ko sa kanya na na-ospital ako kasabay ang pagbigay ng excuse letter na galing sa mga magulang ko at sa doktor. Nag-absent ako ng halos buong buwan. Walang linggo ang nakumpleto ko maliban nalang sa huling linggo ng prelims. Pumasa naman ako sa lahat ng subjects ko maliban lang dito. Kung bakit naman kasi napaka-taas ang puntos ng attendance sa kanya eh.

Kung laging ganito ay hindi na ako makakapasa sa subject na to. Inaasahan ako ng doktor hanggang sa katapusan ng February at siguradong hindi ako makakabawi sa midterms. Maapektuhan ang finals ko nito. Worst, baka tuluyan na akong bumagsak sa kanya.

"Sir, baka pwede naman po magawan ng paraan. Ipapasa ko po lahat ng quiz pati exam niyo ngayong midterm. Ipasa mo lang ako. Kahit tres lang sir." Mangiyak-ngiyak na ako. Hindi ako sanay na magmakaawa sa isang tao, pero para lang sa grades, gagawin ko.

"Maganda ka." He said out of the blue while looking directly on my eyes. "Malaki." Bumababa ang tingin niya nang may ngiti sa mga labi. "Makinis." Ibinalik niya ang tingin niya sa mga mata ko.

"Sir?" Ibinalik ko sa kanya ang tingin na purong malisya at takot. Sana lang hindi totoo ang iniisip ko.

"Please me."

"In what way, sir?"

"Sex. Make me satisfied. Then, I'll pass you." He said as a single tear run down my cheek.

-

The memory kept on playing in my head. Pagkatapos niyang sabihin yon ay nagmadali na akong lumabas ng faculty room. Nakita nga ako ng mga ka-block ko na umiiyak, pero ang sinabi ko nalang na dahil sa bagsak ako. 

Ang kapal ng mukha niyang yayain ako. Oo, bagsak ako. Propesor siya at estudyante lang ako. Nag-aaral ako sa isang prestihiyosong unibersidad. Ma-pride akong tao. Hindi dapat malaman ng mga magulang ko na bumagsak ako sa isang subject lalo na at math pa ito.

Malaki ang galit ko sa mga magulang ko dahil lagi nila akong kinukumpara sa kapatid kong running for Cum Laude sa UP Diliman. And at the same time, maganda, sexy, athletic, magalang at matino. Hindi kagaya ko na laging pasang awa at sakitin pa. Kesyo, buti pa daw si ate nakakapag-aral ng walang ginagastos. Samantalang ako, gastos na sa pagkamahal-mahal na tuition fee, gastos pa sa hospital bills.

Kelangan kong patunayan sa mga magulang ko na kaya ko tong course na pinili ko. Na hindi sayang ang perang ginagastos nila sa'kin.

Pero pano? Ibibigay ko ang pagkatao ko sa isang tao para lang pumasa ako?

Putangina namang buhay to. Anong gagawin ko guys?

#diary #text #helpme #bagsak #singko #sexdaw #fucker #si #sir #literally #shit #miserablelife

Do not read.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon