January 17, 2013

2.5K 19 5
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Desperado akong pumasa pero hindi ibig sabihin nun ay ibibigay ko na sa kanya ang sarili ko.

Ayokong makakita ng singko sa TOR ko. Ayokong umulit sa isang subject na alam kong pinagsikapan ko. Ayokong isipin nila Mama na sakitin na nga ako, bobo pa ako. Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba lagi ko nalang kelangang patunayan yung sarili ko sa kanila? Bakit ba hindi nila ako makita?

Maaga akong pumasok para kausapin si Sir Ryan. Nakapag-isip na ako. Mas importante sa akin ang pamilya ko kesa sa sarili ko. Tutal wala naman silang pakialam sa nararamdaman ko, edi itutuloy tuloy ko na to. Kung walang nagmamalasakit sa akin, bakit ko pa aalagaan ang sarili ko?

"Ipasa mo ako." Pamungad ko kay sir nang makita ko siya. Simula kahapon ay nawalan na ako ng respeto sa kanya. Pati sa sarili ko.

Matagal niya akong tinignan bago siya sumagot. "Hindi pa ba malinaw sa'yo? Hindi ako basta basta nagpapasa ng estudyante."

"Nakapag-isip na ako. Kelan at saan mo ba gusto?" Napangiti siya sa sinabi ko.

"Wag kang masyadong magmadali, hija. Darating din tayo jan." Pagkasabi nya nun ay umalis na siya. Ilang hakbang lang ay tumalikod siya muli at sinabing.. "Tatawagan nalang kita."

#desperate

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do not read.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon