Kabanata 1

4 0 0
                                    

March 20, 2015

Luigi's point of view

Nakaupo ako sa loob ng isang coffee shop habang nakadungaw sa labas mula sa glass wall ng shop.

Bakit ang tagal nya? Ano kaya yung importanteng sasabihin nya sa akin at hindi nya masabi-sabi sa telepono?

Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam ng magtama ang mata ko at ang mata ng isang babae na nakatayo sa tabi ng poste sa kabilang kalsada. Nakatingin sya sa akin at sigurado ako dun. Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga titig nya.

Napakaganda nya at napakaputi. Nililipad ng hangin ang kanyang napakaganda at napakahabang buhok na kulay brown na hanggang baywang nya at may bangs din ito na bagay na bagay nya.

"Luigi.."

Nabalik lang ako sa aking sarili ng marinig ang boses ni Aileen, ang fiance ko. Tumayo ako at tinignan sya.

"Babe." Nakangiting bati ko at umaktong hahalikan ko sya sa pisngi pero umiwas ito.

Umupo sya sa tapat ko kaya umupo na rin ako.

"Anong gusto mo? Cappuccino parin ba?" Tanong ko.

Madalas kasi kami dito at cappuccino ang palagi nyang inoorder dahil paborito nya ito.

Umiling ito, "May sasabihin lang ako sa'yo."

"Ano ba yung importanteng sasabihin mo?" Tanong ko.

Hindi ako mapakali. Parang may mali. Pakiramdam ko ay may mangyayareng masama ano mang oras.

"I'm sorry." Naiiyak na sabi nya.

"Bakit ka nagsosorry?" Naguguluhang tanong ko.

Yumuko sya para tignan ang kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa. Wala syang suot na sing-sing! Hindi nya suot ang engagement ring naming dalawa!

"Sagutin mo ako, Aileen! Bakit ka nagsosorry?!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil nalilito na ako at dumadagdag pa itong nararamdaman kong kaba na hindi ko rin maintindihan.

May kinuha sya sa kanyang bulsa at ibinigay iyon sa akin, "I'm sorry Luigi. I can't marry you." Sabi nya at iniwan na ako dun ng mag-isa na parang tanga.

Tinignan ko ang engagement ring na nakapatong sa palad ko. Kinakabahan ako. Ito ba ang dahilan kaya ako kinakabahan? Pero bakit hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko?

Kinuha ko yung baso ng tubig para sana inumin pero bigla na lang itong dumulas sa kamay ko at bumagsak sa sahig. Kasabay ng pagkabasag nito ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas.

Nanindig ang balahibo ko ng makita ang nakahandusay na katawan ng duguang babae sa gitna ng kalsada na nabundol ng isang kotshe. Mabilis na tumakbo ako palabas katulad ng iba pang tao sa coffee shop para makita kung sino ang babaeng ito.

Nagulat ako ng makita sya dahil sya yung babaeng nakita ko kanina na nakatitig sa akin.

Mabilis syang isinakay sa ambulansya at itinakbo sa hospital.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay dahil lutang lang ang aking isip. Kakaisip kay Aileen. Bakit nya nagawa sa akin ito? Ganun-ganun na lang ba yun? Ganun lang ba kadali para sa kanya na ibasura ang tatlong taon naming pagsasama? Ikakasal na nga kami next month. Ganun na lang ba yun para sa kanya? Basta nya na lang itatapon yung tatlong taon na yun?

Nakita ko na lang ang sarili ko na nagpapakalasing mag-isa sa kusina ng bahay ko.

"Paano nya nagawa sa akin ito?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa wala ng lamang bote bago ito ibinato sa pader.

Napahagulgol na lang ako sa iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung paano na ako ngayon na wala na si Aileen sa akin. Mahal na mahal ko sya.

Ibinigay ko naman lahat sa kanya ah. Pero bakit nagawa nya parin akong iwan at saktan ng ganito? Siguro talagang hindi parin sapat yung lahat na yun para sa kanya kaya nya nagawa sa akin ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinail ang number ni Aileen pero hindi nya ito sinasagot.

Ano pa bang ineexpect ko? Pagkatapos nyang makipagbreak sa akin ay sasagutin nya pa ang mga tawag ko? Of course not! Niloloko mo lang ang sarili mo Luigi kung iyon ang iisipin mo!

A Letter From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon