Kabanata 2

4 0 0
                                    

April 27, 2015

Napabuntong hininga na lang ako habang inaayos ang mga gamit ko.

Naisipan ko kasi na lumipat na lang ng bahay dahil sa bawat sulok ng bahay na ito ay si Aileen lang ang naaalala ko. Siguro sa bagong bahay na titirhan ko ay mas madali kong makakalimutan si Aileen.

"Meow~ meow~" Ikiniskis ni Snow ang balahibo nya sa binti ko.

Sya ang alaga kong pusa. Pero hindi ako ang tunay na nagmamay-ari kay Snow. Ang dating may-ari ng bahay na ito ang may-ari sa kanya at sya din ang nagpangalan sa kanyang Snow base sa kwento ni Misis Fernandez ang dating care taker ng bahay na ito.

"Snow!" Binuhat ko sya at lumabas kami ng bahay.

Umupo ako sa bench na nasa hardin ng bahay at pinagmasdaan ang kabuuan ng buong bahay pati na rin ang napakaganda nyang hardin na puno ng mga bulaklak.

Parang kailan lang nung binili ko ang bahay na to. Pero mahigit isang taon na pala ang nakakalipas. Sariwa pa nga sa mga ala-ala ko kung ano yung mga nangyare nung unang beses kong makita ang bahay na ito...

"Napakaganda!" Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa isang napakagandang bahay na na napapalibutan ng napakaraming mga bulaklak.

Lalake ako at hindi ako mahilig sa mga bulaklak but this house is so perfect!

Napakasimple lang ng bahay at hindi ito kalakihan dahil isang palapag lang ito pero hindi maipagkakaila na napakaganda nito. Nakakadagdag pa sa ganda ang naggagandahang mga bulaklak na nakatanim sa hardin nito.

"Nagustuhan mo ba Mister Lacanlale?" Tanong ng care taker ng bahay na ito na siguro ay nasa edad na 60s na. Pero hindi maikakaila ang taglay nyang kagandahan kahit na puti na ang kanyang mga bubok at kulubot na ang kanyang balat.

"Sobrang gusto Misis Fernandez!" Bakas parin sa akin ang pagkamangha.

"Bibilhin mo na ba ito?" Tanong nya.

Payak na ngumiti ako at tumango, "Opo Misis Fernandez. Bibilhin ko na ang bahay na ito."

Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda, "Maraming salamat Mister Lacanlale." Sabi nya at ibinigay sa akin ang susi ng babay at ang titulo nito na nakaframe pa.

Namimiss ko ang bahay na ito.

Napatingin ako sa lumang mailbox ng bahay. Napaisip ako ng isang ideya!

Dali-dali akong kumuha ng isang ballpen at isang pirasong papel para sumulat ng isang sulat para sa susunod na magmamay-ari ng bahay na to.

April 27, 2015
Para sa susunod na magmamay-ari ng bahay na ito,

Uhm hi! Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang sulat na ito pero gusto ko lang sanang sabihin sayo na ingatan mo ang .ga bulaklak na nakatanim sa bahay na ito. At sana alagaan mong mabuti si Snow! Yun lang!

Luigi

Napamahal na rin kasi ako sa bahay na ito lalo na kay Snow at sa mga bulaklak na nakatanim rito. Araw-araw ko nga silang dinidiligan para hindi sila mamatay. Hindi ko maintindihan pero may kung ano sa bahay na ito na hindi ko mawari. Pakiramdam ko ay may importanteng bagay dito na nagtutulak sa akin na wag iwan ang bahay na ito.

Inilagay ko ang sulat sa loob ng mailbox para mabasa ng susunod na may-ari nito. Sana ingatan nya ang bahay na ito lalo na ang mga bulaklak at si Snow. Hindi ko naman maaaring dalhin si Snow dahil hindi ko naman sya pagmamay-ari.

A Letter From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon