Kabanata 4

2 0 0
                                    

April 28, 2013

Heaven's point of view

"Magandang umaga Misis Fernandez!" Nakangiting bati ko kay Misis Fernandez na naglalakad habang may hawak-hawak na isang basket ng mansanas.



"Magandang umaga rin sa'yo, Heaven." Balik na ngiti ang iginawad nya sa akin.



Lumapit ako sa kanya at kinuha ang basket ng mga mansanas mula sa kanya, "Tulangan na po kita."



"Naku nag-abala kapa. Maraming salamat." Nakangiting sabi nya at naglakad na.



Sinabayan ko sya sa paglalakad.



"Kamusta na po si Mister Fernandez?" Tanong ko.



May sakit kasi ang asawa nya. Meron syang sakit sa puso. Nung isang araw ay na-mild stroke sya, hindi naman sya naconfine pero kailangan daw syang magbedrest ng dalawa hanggang tatlong linggo na bilin ng doktor.



Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Mrs. Fernandez, "Bumubuti na ang pakiramdam nya. Nakakapaglakad na sya pero bahagya lang."



"Mabuti naman po kung ganon." Sabi ko.



Ipinatong ko ang basket ng mga mansanas sa upuan na nasa tapat ng bahay nina Mrs. Fernandez.



"Maraming salamat sa tulong mo Heaven. Napakabait mo talaga." Nakangiting sabi ni Mrs. Fernandez.



Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya, "Binobola mo na naman ako Mrs. Fernandez."



"Tignan mo yung mailbox mo, may sulat ka yata kahapon." Sabi ni Misis Fernandez.



"Sige ho mauuna na po ako. Pakisabi po sa asaw nyo get well soon." Sabi ko at naglakad na pabalikng bahay ko.



Lumapit ako sa mailbox at binuksan ito. Yumuko ako para tignan kung may laman ba ito. At tama nga si Misis Fernandez dahil may isang sulat nga rito. Kinuha ko ito at umupo ako sa bench sa garden ng bahay ko na ako mismo ang nagdisenyo. Binuksan ko ang sulat at binasa.



April 28, 2015.
Para sa susunod na magmamay-ari ng bahay na ito,

Uhm hi! Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang sulat na ito pero gusto ko lang sanang sabihin sayo na ingatan mo ang mga bulaklak na nakatanim sa bahay na ito. At sana alagaan mong mabuti si Snow! Yun lang!

Luigi



Luigi? Sinong Luigi naman ito? At bakit sya sumulat sa akin ng ganito? Paano nya nakilala si Snow? At paano nya nalaman yung mga bulaklak na nakatanim dito? At bakit 2015 ang date samantalang 2013 pa lang naman ngayon. Anong nangyayare? Para sa susunod na magmamay-ari ng bahay na ito? Paano nya nasabi na ako ang susunod na magmamay-ari nito samantalang ako ang unang tumira sa bahay na ito dahil ako ang nagdisenyo nito?



Ang gulo!



Sino ba talaga itong si Luigi?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon