CHAPTER TWO

15 4 0
                                    

Nagising ako ng tumama sa aking mukha ang sinag ng araw.

Umupo ako at nakaramdam ng sakit ng ulo.

Fvvvvck!!!! Ang dami ko kasing nainom kagabi.

9o'clock pa lang.

Napalingon ako sa braso ko at nakitang nakabenda na ang sugat ko.

Lumabas na ko at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko ang dalawang love birds na kumakain ng almusal at nagsusubuan pa.

"Babe tikman mo itong niluto kong sopas. Masarap ba?" Wika ni Ate Krileigh.

"Oo naman babe! Para sa akin lahat ng luto mo masarap!" Pangbobola ni Kuya Storm sabay halik sa pisngi ni Ate

Ew ang sweet!

"Ehem."

Lumingon naman sila kaagad.

"Good morning Jam!" Bati ni Ate Krileigh. Long time girlfriend ng aking kuya. Lagi siyang nandito sa bahay. Minsan naman dun kami sa bahay nila. Magkatabi lang kasi ang mga bahay namin.

"Alas sais  ka na ng umaga umuwi kanina. Lagi ka na lang inuumaga ng uwi." Galit na wika ni Kuya. Psh ang moody kanina ayos siya tapos ngayon naman galit na.

"Good morning Ate Leigh." Bati ko sa kanya at niyakap siya. Naghilamos at nagmumog muna ako bago umupo sa tabi ni Ate Leigh at kumain.

"Nakikinig ka ba Jam? Kelan ka ba titino ha? Tignan mo may sugat ka na naman." Sermon ni Kuya.

Mas matanda siya sakin fourth year college na kasi siya parehas sila ni Ate Leigh. 20 years old pa lang sila. Hindi sila inabot ng K-12 andaya!

Tinakpan ko lang ang tenga ko.

"Kuya naman wag mo muna akong sermonan ngayon! Masakit ang ulo ko." Reklamo ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Lagi namang masakit yang ulo mo kasi gabi gabi ka na lang umiinom." wika nito at umalis na sa lamesa. Tapos naman na din kasi siyang kumain. Tumayo na rin si Ate at sinundan si Kuya.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin pagkatapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Greighton.

Pagkasagot niya ng tawag ay kaagad akong nagsalita.

"Samahan mo ko may pupuntahan ako."

[Okay sure.]

"Bilisan mo."

[I'll be there in 45 minutes.]

Pinatay ko na ang tawag at naligo na ko.

Pagkabihis ko ng aking jeans at blouse ay bumaba na ko. Nasa sala sila Kuya at nanonood ng TV.

Umupo ako sa sofa na kaharap nila.

"Kuya sorry na. Magtitino na ko." Wika ko at nagpout pa.

Filling The Spaces In Hurricane's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon