Hurricane's POV
Suot ko ang aking puting pantalon at T-shirt na may drawing na Lion sa harap at sa may bandang kaliwang dibdib ay may nakasulat na White Princess. Nakamask ako at nababalutan nito ang aking buong mukha. Nakafull braid ang aking buhok.
Ang aking mga kasamang lalaki na nasa forty ang dami ay nakaputi din at naka t-shirt na may nakadrawing ding lion sa harap. Nakamask din sila ngunit mata at ilong lamang ang natatakpan nito.
Naglakad kami papasok sa arena. Naupo kami sa bleachers na may nakasulat na WLG. Dahil ito ang aming pwesto. Ang pwesto ng White Lion Gang.
Narito din ang iba't ibang sikat na gang sa buong Pilipinas. Ang kulay ng kanilang damit ay iba iba depende sa gang na kanilang kinabibilangan.
May nakaitim, pula, dilaw, berde, kahel, asul at marami pang iba.
"Lahat ng master ng mga gangs, lumapit kayo rito." Utos ng head master ng lahat ng mga gang na si Thunder. Nakamask din ito katulad namin ngunit ang kulay ng sa kanya ay kulay ginto. Mata at ilong niya ang natatakpan ng mask.
"Galingan mo ng bunot master!" Sigaw ni VM.
I nodded.
Tumayo at bumaba na ako mula sa bleacher.
Umakyat ako sa may stage at humarap sa lahat. Ganun din ang ginawa ng iba pang gang master.
Nagsisigawan na ang lahat na nagpapakitang handa na silang makipaglaban.
Tinignan ko ang aking katabi. Nakaitim ito at ang kanyang damit ay may natatak na agila at sa kaliwang dibdib may nakasulat na Dark Prince. Nakamaskara din ito na nababalutan ang kanyang buong mukha. BEG. Black Eagle Gang.
Lumingon ito at tinignan ako. As usual napakalamig na naman ng kanyang aura.
Pinabunot na kami ng aming mga makakalaban.
Binanggit na nila ang kanilang makakalaban.
"White Lion Gang vs Red Rat Gang." Wika ko. Kahit naman marinig nila ang boses ko ay hindi nila ako makikilala sapagkat magkaiba ang aking boses kapag walang mask at kapag meron.
RRG psh.
Masyadong madumi lumaban ang gang na yan puro kadayaan lang ang alam.
"Black Eagle Gang vs White Lion Gang." Wika ng katabi ko na si Dark Prince.
Pagkatapos malaman ang lahat ng maglalaban laban ay bumalik na kami sa kanya kanya naming mga pwesto.
"Kailangan nating mag-ingat sa RRG." Seryosong wika ni Grei pagkalapit ko sa aming pwesto.
Umupo na lang ako at hindi siya pinakinggan. Ipinikit ko muna ang aking mga mata.
Taon taon naglalaban laban ang lahat ng gang upang tumaas ang ranggo at may perang matatanggap din ang mananalo. Ang nasa pinakamataas ay ang WLG at BEG. At pumapangalawa lamang ang RRG. Pumapangalawa lamang sila dahil sa mga kadayaan nila hindi dahil magaling sila.
"Gising na tayo na ang susunod!" Gising sakin ni Grei at inalog alog pa ko.
Nakatulog pala ako.
Nung tinawag na ang aming gang ay dinampot ko na ang aking baseball bat na may white princess na nakasulat at nakadrawing na lion, bumaba na kami at pumunta sa gitna ng arena. Ganun din ang RRG. May kanya kanyang dalang panlaban ang bawat isa. May mga matatalim na bagay na hawak. Lahat ay pwede maliban sa baril. Ang aking dala lamang ay ang aking baseball bat.
BINABASA MO ANG
Filling The Spaces In Hurricane's Life
General FictionShe's Jameela "HURRICANE" Frintilla. Now you know her name but not yet her story. Do you want to know her more? Step into her shoes and walk the life she was living.