CHAPTER FOUR

4 2 0
                                    

Umagang umaga pagkapasok ko pa lang sa school ay naramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin. Nakakainis na yun. Ayoko ng pakiramdam na may nakatingin sa akin at hindi ko alam kung sino iyon. Medyo na late ako ng pasok ngayon.

Kaya dali-dali akong naglakad pa punta sa classroom. Sakto namang nagbell ng ako ay nakarating sa room. Pawis na pawis at hingal na hingal akong umupo sa aking upuan.

"Good morning Traizer, Ranieze, Geisha, Frillia, at Zaily." Masigla kong bati sa kanila habang pinupunasan ang mga pawis na tumutulo sa aking mukha gamit ang aking panyo.

"Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ni Zaily.

"Tumakbo na ako kasi baka malate ako." Nagpaypay ako gamit ang aking kamay dahil sobrang init.

"Ang hot mo pala kapag pinagpapawisan." Nakangising wika ni Ranieze.
Binatukan naman siya kaagad ni Zaily na nakaupo lang malapit sa kanya.

"Sinabihan na kita! Don't Hurricane! Don't Hurricane!" Wika ni Zaily.

Medyo naguluhan naman kami sa sinabi niya.

"Ano??" Tanong ni Ranieze.

"In tagalog, Wag si Hurricane! Wag si Hurricane!" Nagtawanan naman kami sa sinabi niya habang si Ranieze napakamot na lang sa kanyang ulo.

Napalingon naman ako kay Traizer na seryosong nagbabasa at hindi nakikipagtawanan sa amin.

Natahimik kami ng dumating na ang aming guro.

Mga ilang oras bago maglunch ay lumabas naman si Traizer ng walang paalam.

Nagtaka ako dahil hindi siya sinita ng aming guro. Kaya kinulbit ko si Ranieze at tinanong.

"Ranie saan pupunta yun? Bakit siya biglang lumabas?"

"Diba SC President siya, paparusahan niya yung mga late pumasok at yung mga nagcucutting. Ngayon na kasi yung start nung pagpaparusa." Paliwanag nito. Tamango na lamang ako.

Nung magbell na para sa lunch ay nagkita kita kami nila Spencer sa tapat ng aming classroom pagkatapos ay pumunta na kami sa cafeteria at pumila.

"Hindi ba sasabay si Traizer satin?" Tanong ko.

"Hindi may ginagawa kasi yun." Sagot ni Calvin.

"Ganun ba? Edi bibilhan ko na lang siya ng lunch."

Tinignan naman nila ako ng may nakakalokong ngiti.

"Oh bakit?"

"Ikaw ha!" Pang-aasar sa akin ni Zaily at sinundot sundot pa ang aking tagiliran.

"Heh ewan ko sa inyo."

"Ate isang carbonara at" Lumingon ako kayla Geisha at tinanong sila.

"Ano bang laging kinakain ni Traizer? Di ko kasi alam bibilhin ko sa kanya."

"Ikaw na bahala. Kahit ano na." Sagot nito

"Ate dalawang carbonara na at dalawang iced tea. Pakitake out nung isang carbo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Filling The Spaces In Hurricane's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon