Chapter 3: First day

6 0 0
                                    

Maaga akong nagising. Dahil hindi ako makatulog ng maayos. Tinignan ko sa orasan kung anong oras na 5:00 am palang.

Kumuha ako ng damit at pumunta muna akong banyo para maligo. Binuksan ko ung faucet. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Sinabon ko ng Dove ang aking katawan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na muna ako.

Naglalakad ako papuntang kusina. Tila lumalabas na ang sinag ng araw. Binuksan ko ung refrigerator. Wala pang laman.

"Gate of the Witchcraft, I open thee! Capricorn". Wika ko. Nagkaroon ng bilog na ilaw at lumitaw si Capricorn.

"What can I do for you my Queen." Nakangiting sabi niya.

"Favor nga Capricorn. Wala pala kaming stocks ng mga ingredients at pagkain dito. Pede bang magcast ka ng spell." Utos ko sa kanya.

"Kreajo stoverini." Wika niya. Nagkaroon ng liwanag sa loob ng refrigerator. Pagbukas ko ng ref mayroon ng laman.

"Salamat Capricorn. Maari ka ng bumalik." Saad ko sa kanya.

"Anything for my Queen. See you soon." Pagkasabi niya noon ay naglaho na siya.

Kukuha na ako mga rekado ng may nagsalita sa likod ko. Kasalukuyan akong nagluluto ng may nagsalita sa likod ko.

"Ang aga mo Nathalie nagising. Mukhang excited ka atang pumasok." Nang aasar na sabi ni Zera.

"Hindi ahhh. D lang kasi ako makatulog ng maayos. Si Elijah gising na ba?" Pang depensa ko. Nakita kung nasa likod ni Zera si Elijah. Nag sign siya wag akong maingay.

"Hahaha. Ang tulog mantika kaya ni Elijah. Nakailang tapik na ako wala parin epekto." Natatawang sambit ni Zera.

"Speaking of tulog mantika. Sino kayang may laway at muta sa mukha?" Nakingising sabi ni Elijah. Nagulat naman si Zera dirediretsong siyang tumakbo sa sink at hinugasan ung mukha niya.

"Hahahahahah" tawa kami ng tawa ni Eli.
"I got you." Saka niya binelatan si Zera.

"Kainis. Naisahan ako dun." Pagpaparinig niya tas sinamaan niya ng tingin si Eli.
Tas nag peace sign lang siya.

"Tsee!" Sabi ni Zera. Tas tumulong na siyang maghain ng pagkain. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na ako at sinuot ung uniform ko. Maginhawa sa pakiramdam ung tela ng uniform. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Habang sinusuklay ko ung buhok ko ay lumapit saakin si Eli.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ahh." Sabi ni Eli.

"Hindi naman. Nasan na si Zera?" Tanong ko sa kanya.

"Papunta na siya dito. May nakalimutan lang sa loob." Saad niya. Nakita kong nakatingin siya sa mata ko. "Ngayon ko lang napansin na napakaganda ng kulay ng mata mo." Namamanghang wika niya.
Tumango nalang ako sa kanya.

Naglakad kami palabas ng dormitory. Napakaraming estudyante ang nagkalat sa hallway. Mayroong mga grupo ng mga Kamrade ang nagkukumpulan sa Sacred Wall. Ang Sacred Wall dito nakapaskil ang mga detailed events, quest and information.

Pumunta kami doon.
"Excuse me. Dadaan ang reyna." Maarteng sigaw nung babae. Mayroon siyang kasamang babae at isang lalaki ata? Hindi siya pinansin ng mga tao sa halip ay tinatawan lang siya ng mga Kamrade. Tila naiinis siya.

Silvestre Academy: The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon