Chapter1: anonymous sender

4 0 0
                                    


Pag katapos icremate ni daddy ay napag pasyahan naming mag kapatid na lumipat sa Laguna. Ang sabi ni kuya iyon daw ang huling habilin ni daddy sakanya.
Naroon rin daw ang ilang pag mamayari ni daddy.

Mag aalas syete na ng hapon ng makarating kami sa Laguna. Huminto ang kotseng minamaneho ni kuya sa isang bahay na may tatlong palapag. Simple lang ang pag kakagawa nito. Marahil ay yun ang gusto ni daddy. He always said to me that simplicity is a beauty.

"Were here" sabi sa akin ni kuya. Oh! I forgot. His name is Dashton Anderson, my brother.

Agad naman akong bumaba ng kotse, tinulungan ko si kuya sa pag bubuhat ng gamit namin.

Pag katapos ay diretso naming tinungo ang loob ng bahay.
Bago kami makapasok ay ibinigay ni kuya ang susi ng kotse sa isang lalaki para iparada ang kotse sa garahe.

Bumati naman ang dalawang katulong saamin. Pinasadahan ito ng tingin ni kuya. Sanay na ako dyan, tinitignan nya kasi kung mapag kakatiwalaan ito. Lagi naman ganyan sya.

"Ako na ho ang mag bubuhat ng bagahe nyo sir" sabi nang isang katulong kay kuya.

"No need, mabigat ho ito manang. Ako nalang ho" tugon ni kuya sa kanya.

Diretsong tinungo ni kuya ang ikalawang palapag ng bahay at huminto ito sa bandang kaliwang pinto. Binuksan nya iyon at pumasok.

Pagod ata sya. Binaling ko ulit ang tingin sa katulong.

"Where's my room?" Walang gana kong tanong sa katulong.

" sa second floor rin ho Sir, katapat ng kwarto ni Sir Dashton" malumanay na sagot nang isang katulong.

Agad ko namang binitbit ang bagahe ko, tulad nga ni kuya ay hindi na ako nag patulong sa katulong. Tinungo ko ang sinabi ng katulong kanina, nang makarating ako sa harap ng isang gray na pinto ay binuksan ko iyon. Dali dali kong inilipag ang bagahe ko sa kaliwang gilid nang kama ko.

Inilapag ko ang likod ko sa kama. Hindi pa nakakailang minuto ay naramdaman ko agad na parang may nakabukol sa hinihigaan ko. Ano naman yun?  Bumangon ako at tinangal ang kumot.

Nakita ko ang isang lumang susi na medyo kinakalawang na. Susi? Para saan?

Imbis na ipagtanong ko ito sa mga katulong ay itinago ko nalang ito sa sa cabinet na nasa bandang kanan ng kama.

*bop bop bop*

Tumunog bigla ang cellphone ko mula sa aking bulsa, kinuha ko agad iyon.

1 message received

From anonymous? Tch. Is this a prank?

Pinindot ko ang view at ito ang bumulaga saakin.

"Welcome to your new house and welcome to your new cases."


A/N:----

Sorry for the short update. Sinadya ko talaga yan. Hahaha.
How does the first chapter?

The Adventure of D brothersWhere stories live. Discover now