Kabanata 16

3.4K 89 45
                                    

Kabanata 16

Naglalakad ako pauwi galing sa isang convinience store nang biglang mag-ring ang phone ko. I quickly got it from my pocket to check who it was.

"Yes dad?" Panimula ko.

"Ano, nak? May lead ka na ba sa nagtakbo ng pera?"

Natigilan ako. I still don't have any speculations dahil hindi iyon ang inuna ko. Ang inuna ko ay ang pagbawi ng perang nawala.

"Wala pa, dad. Sorry. Pero I'm doing my best para maibalik ko na yung pera."

"Good. I know you can do it. Nga pala, makikipag-meet ka na sa mayor bukas para sa promotion."

Oo nga pala, I almost forgot.

"Sige dad, ihahanda ko na ang presentation."

"Sige anak, mag-ingat kayo jan."

Kinakabahan man ako, wala akong magagawa.

This promotional is one of the biggest thing I can do to bring back the energy of the resort. I need to push through.

Pumasok ako sa elevator at humilig sa gilid. Marahan akong pumikit. Paano ko naman kaya iyon gagawin? Magpapatulong nalang siguro ako kay Mrs. Leoncio.

Pagpasok ko ay nilapag ko ang dala kong sandamakmak na chocolates sa aking side table.

Mahimbing na natutulog si Ricci sa kaniyang kama. It's only 1pm and it's sunday kaya siguro niya sinamantala ang pagkakataon.

I turned my laptop on and scanned through the datas. Marami rami pala akong kailangang gawan ng presentations.

Binuksan ko ang isang buong lalagyan ng chocolate. Agad ko itong kinain.

I spent the whole afternoon typing my presentation and eating chocolates.

Masyado itong marami kaysa sa inexpect ko. Mukhang hindi ko ito matatapos ngayon. Kung hindi ko ito matatapos ngayon ay kailangan ko itong tapusin hanggang bukas.

Mas importante pa sa buhay ko itong presentation na 'to kaya kailangan nito ng effort!

Sa sobrang dami ng kailangan kong i-type ay hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.

Nagising lang ako nang biglang magsalita sa Ricci.

"Penge ah."

Unti-unti akong dumilat. The hazy image of Ricci eating a chocolate is slowly becoming clear.

Bigla itong humagalpak ng tawa.

Aba! Hayop na to ah! Anong nakakatawa?

Luminga ako sa aking higaan at nakita ko ang sandamakmak na balat ng chocolate. Nakarami pala ako.

Parang mas marami pa yata ang nakain kong chocolates kesa ang nagawa ko sa presentation.

Hindi ako nagsalita. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo mula sa kama.

Fck. Ang sakit ng tiyan ko. Para akong nadudumi kahit hindi.

Sinapo ko ang aking tiyan.

Hirap na hirap akong tumayo na kinailangan ko pang kumapit sa balikat ni Ricci. Tiningnan niya ako ng may halong pagtataka.

Pagkatapos kong tumayo ay nagulat si Ricci. Namilog ang kaniyang mata kaya dinungaw ko siya.

Ang kaniyang mata ay nakatutok sa higaan ko.

"What?"

Hindi siya umiimik for five seconds. But after that, he looked at me na para bang napahiya.

Find You (Ricci Rivero) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon