Kabanata 4

4.1K 99 81
                                    

Kabanata 4

Matapos ang dalawang linggo ng pag uwi ko dito sa Pilipinas ay nakapag adjust na din ang aking body clock. I finally sleep in time and so does my brother.

Dad always leaves home early in the morning after breakfast at kung minsan naman ay nagigising ako na wala na sya at nasa trabaho na daw kaya naiiwan ako kasama ng mga kasambahay at ang kapatid ko. Gabi na itong umuuwi. Usually 8pm or minsan naman ay tulog na ako pag uwi nito.

Kaya naman, isang beses habang nagbbreakfast kami ay hindi ko na naiwasang magtanong.

"Pa, saan ka ba nagtatrabaho at ang aga mong umalis?" I cocked my head.

Dad looked astonished. "Hindi mo pa ba alam anak?"

Syempre naman pa. Kung alam ko, bakit ako magtatanong?

"Yeah you're a PE teacher, right?"

Sabay na nasamid ang kapatid ko at si papa. Ang mga pinsan ko naman at ilang kasambahay ay naghalakhakan. "What?"

Sa totoo lang, alam ko naman. Coach nga siya sa isa sa mga pinakamalaking basketball team dito sa bansa. I just want it to come from him para ma-confirm ko.

"I am the head coach of the green archers, anak."

"Green archers?" I've heard of it. I just want further explanation.

"It's the basketball team of the high-end university here in the Philippines called La Salle. A school for elites. Maraming guwapo roon, anak. Gusto mo bang i-reto kita?" He said, jokingly. My brother's expression tightened.

"Sus, wala naman raw pogi dito sabi ni Agatha." At sa tingin ko ay totoo naman ang sinabi ng pinsan ko.

"Sumama ka sa akin ngayon nang makita mo."

Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi ni papa. Hell! I have no plans on going to papa's work just like that! Sa trabaho nga ni mama noon ay hindi ako sumasama! Kay papa pa kaya!

"Ah dad, I'll stay here ha." Said my brother.

In the end ay napilitan akong sumama dahil sa pamimilit ng pinsan ko at pati ni papa na sumama ako para makakita daw ako ng pogi. Yuck! Pogi is only for dogs! At ang mga totoong pogi, nasa US. Wala rito! Siguro mga rich chinoys at mga matapobreng mestizo lang ang nandito.

In the drive, my dad and I talked about my course.

"I don't know, I just figured out I like art." This is me talking about how I liked art and how I took fine arts as my course.

Dad got shocked when I told him na nag fine arts ako. Hindi naman kasi ako magaling mag drawing, magsketch, o magpinta noon. Nakahiligan ko lang talaga ito noong nagpunta na ako ng America.

"Nga pala dad, sana ay maglagay ka pa ng extra table sa kwarto ko. Study table. O kaya ay drafting table. Mga paint, sketchbook, at ilan pang art materials. I also need different paint brush sizes as well as inks, para ma practice ako ng calligraphy." I smiled.

He nodded as an agreement. Naalala ko ay hindi pa nga pala ako enrolled. Siguro ay next week na pag maluwag na ang schedule.

Nakarating kami sa La Salle. Maayos naman ito at mukhang mga elitista nga ng mga tao rito.

I was surprised to see clean people. Far from what I expected. Akala ko ay mga dugyot ang tao dito tulad ng palagi kong nakikita sa mga dokumentaryong napapanuod ko sa ibang bansa.

Masikip ang parking pero mayroong isang lugar na napagparadahan si papa na tila eksklusibo para sa kaniya.

Paglabas ng sasakyan ay maraming bumabati sa kaniya. Mga estudyante, guwardiya, maintenance at iba pa!

"Coach, good morning po!"

"Coach!"

"Good morning, Coach Al!"

Ang iba ay binati din niya, ang iba ay tinanguan ngunit ang iba ay hindi niya inimik. Tila ba ginagawa niya lang ito araw araw. Kumbaga, normal nalang sa kanya. Marami din ang tumitingin sa akin at kay papa na parang nagtataka.

"Anak mo, boss?" Tanong sa kanya ng isang guwardiya.

"Panganay ko. Ganda no?" He said proudly. Naku, ayoko ng ganito. Baka lumaki ang ulo ko.

"Oo nga coach, iha wag ka munang magboboypren!" Nagulat ako sa sinabi ni manong! Wala pa nga akong nakikitang gwapo dito eh!

Nilagpasan namin ang guwardiya at dumeretso sa stadium ng unibersidad. It was huge! At ang lamig sa loob.

Pagpasok ay marami ding bumati sa kaniya. Tinatanong kung anak ba niya ako.

Ang ilan naman ay kilala ako kay binabati ko na rin. Hindi ko alam na ikinikwento pala ako ni papa sakanila. Nakakataba ng puso.

"Ano Pao? Nasaan na sila? Nagsidatingan ba on time?" Tanong ni papa sa isa ata sa mga coaches na nasa bench.

"Nanjan na sa dug-out. Kulang pa ata." Kumunot ang noo ni papa sa sagot ni Coach Pao.

"Ilan?"

"Isa." Sagot nito.

Pagkasagot ni coach Pao ay nagsilabasan ang mga players mula sa dug-out at isa isa nilang binati si papa. Nakatingin silang lahat sa akin. Nagsisikuhan sila. Alam kon naman ang ibig sabihin non.

"Coach di mo ba kami ipapakilala sa napakagandang to?" Nginuso ako ng isa sa mga players nila na chinito at maliit. Halos kasing tangkad ko lang ang isang to! Talaga bang basketball player sya? Ang charming nya!

"Uh, boys. This is my Hera Rennei Ayo. My daughter."

Nagngitian sila at nagsilapitan sa akin upang makipag-kamay.

Naunang makipag-shake hands iyong nagtanong kay papa na maliit.

"Aljun." Tinanguan ko sya at kinuha ang kaniyang kamay. Nginitian ko silang lahat.

"Jeron." Tantsa ko, ang isang ito ang pinaka may hitsura sa kanila. Pero mukha itong suplado. Ang cold ng pagkakabanggit niya sa pangalan niya pero kinuha ko padin ang kamay nya at nginitian.

"Prince." Napakatangkad naman ng isang to!

Marami pa ang nakipag shake hands, pati narin ang mga coaches. Namamawis na din ang kamay ko. Biglang may isa pang lumabas sa dug-out. Naka-topless ito at lumapit.

"Thomas!" Tumawa sya. "Sorry late!" Kinuha ko ang kamay nya at pinagtawanan sya ng mga kasama.

Nagbago na ang isip ko, hindi na pala iyong Jeron ang pinaka gwapo! Shit! Tantsa ko ay naging puso ang mga mata ko dahil sa nakita ko! Napaka toned ng mga muscles nya. At ang bango niya! Kung pwede lang maging puso ang mata ko ay kanina pa siguro!

"Teka teka. Parang kulang?" Kumunot ang noo ko kay papa. Madami na sila dito, anong kulang?

"Where's Ricci?"

Ricci huh? Siguro ay paminta itong isang ito. Pangalan palang!

"Ayan na pala coach oh." Lahat kami ay napalingon sa pinto ng stadium.

Find You (Ricci Rivero) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon