CHAPTER TWO

14.1K 221 0
                                    

Si Maria Makiling II

The continuation...

Nang magising sina Arnel, Mike at Botchok ay nasa Hospital na silang tatlo nakahiga sa kanya-kanyang Kama.

" Mike pare! Gising.. " Sambit ni Arnel sa katabi nya.

" Botchok! Gising nasaan tayo ? " sabi ni Arnel sabay alog sa kama ni Botchok.

" pare, Nasaan ba tayo ? " Sabi ni Mike habang iniinda ang sakit ng ulo. Habang palinga-linga silang dalawa sa paligid.

" Ay sir, Nagising na po pala kayo.. Kamusta na po kayo ?" Tanong ng nurse sa kanila.

" Sino nag dala samin dito ? " tanong ni Mike sa nurse.

" May babae pong nag hatid sa inyo dito. " Sagot ng nurse habang inaayus nya ang lalagyan ng gamot.

" Sino raw ? " Tanong ulit ni Arnel.

" Bigla nalang pong umalis, At may iniwan po palang isang sulat ang babae, Ibigay ko daw sainyo.." Sagot ng nurse sabay kuha ng Isang sobre kung saan naka sulat ang nasabing liham para sa kanila.

" Ito po, " dagdag na sabi ng nurse sabay abot kay Arnel ang sobre.

" Salamat ! " Sabi ni Arnel. Ngiti lang ang tugon ng nurse sakanya.

Pagkalipas ng isang buwan..

Habang nasa kakahoyan si Arnel ay biglang may nagpakita sakanya, Isang dating kaibigan..

" Kamusta ka arnel ? " sabi ng isang kahali-halinang boses mula sa likuran ni arnel habang namumulot sya ng mga panggatong.

" Ma-Maria Makiling? Ikaw ba yan ? " Tanong ni Arnel. Habang dahan-dahan syang tumayo at humarap kay maria.

" Mabuti'y kayo nagpakita sakin. Nais ko sanang magpasalamat sa inyong pagkakaligtas sakin mula, sa Guho. " Mangiyak-ngiyak na sabi ni Arnel sa diwata.

" Walang anuman yun , Arnel at batid kung nagdadalang tao ang iyong asawa. " Sambit ni Maria.

" Opo , mahal na diwata.. Kaya nga ho nagsusumikap ako ngayon. Para sa kinabukasan ng aking mga anak. " Sagot ni Arnel sa diwata.

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS ( Horoscope Hunters BOOK ONE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon