3. THE OTHER SIDE OF HER

30 2 0
                                    


GEORGE

Tapos na ang klase ngayong araw, puro introduction lang ng lesson. Nakakatamad.

Naglalakad na ako palabas ng gate, nagmamadali ako baka kasi sumabay pa yung si Lila at mapagalitan pa.

Habang paakyat ako ng apartment biglang nag vibrate ang phone sa bulsa ng uniform ko.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Pss si Mama pala, pumasok ako ng apartment at laking salamat ko at wala pa yung dalawa. Dali dali kong inaccept yung tawag.

"Hellow, Ma" masigla kong bati.

(Hello, anak! Kamusta kana?)

"Ayos lang po, kagagaling ko lang po ng school."

(Ah ganun ba)

"Kayo po kamusta na?"

(Ayos lang anak, kaya pala ako tumawag kasi nagpadala ako ng pera dito sa bayan. Pagpasensiyahan mo na maliit lang yun marami pa kasing bayarin sa school ni Sy eh.)
Haist si mama talaga,

"Ayos lang po yun Ma, sinabihan na rin po ako ni Director kanina na pwedi ko na rin daw pong kunin yung allowance ko para ngayong buwan."

(Mabuti naman anak kung ganun, hayaan mo kapag nagkaluwag kami ni Papa Leo mo dadalawin ka namin jan.)

"Sige po Ma."

(oh sige anak, nandito na yung jeep. Mag ingat ka jan ha)

"Sige po, pakamusta nalang po ako kay Sy, pasabi po huwag siyang matakot ngayong High school na siya at kay Papa po"

(Sige anak, makakarating.)

At inend ko na yung tawag.

Siya si Mama Beth, yaya ko simula pagkabata at asawa niya si Papa Leo, personal driver ng pamilya at si Sy, anak nila. Sila ang naging pamilya ko ng naging malupit ang tadhana sa akin.

Nagbihis na ako at inayos ang gamit ko. Naglinis na din ng bahay.

Naka jeans ako at Black tshirt. Kinuha ko na rin ang isa ko pang bag. Kailangan ko ng kumita.

Bago ako pumunta sa pakay ko, dumaan muna ako sa isang tindahan na suki ko na sa pagpapadala at pagkuha ng pera.

Simula ng paglabas ko ng bahay kanina balik na ako sa walang imik na tao at mata ang ginagamit sa komunikasyon.

Nang makuha ko na ang isang libong padala ni mama ay nilagay ko ito sa aking mini backpack.

Naglakad lang ako papuntang school at tumigil ako sa isang Book Cafe'.  Pagbukas ko ng pinto ay binati naman ako ng mga kasamahan ko at as usual tingin lang bati ko sa kanila.

Agad akong pumunta sa locker at nagsuot ng unif. naming apron. Pumwesto ako sa casher, ayoko mag waitress kasi di kami magkakaintindihan ng costumer.

Nag papart time job ako dito para dagdag allowance narin ayoko kasi umasa kina mama lalo na ngayong high school na si Sy. At kahit ganito di ko nasasayang ang oras ko kasi kapag wala masyadong costumer, pwedi kami manghiram ng libro.

"Good afternoon Mam, welcome to REE's Book Cafe'" bati ni Steph sa bagong dating na costumer, nandito na pala tong madaldal na to kaya walang tao kanina sa apartment. Scholar din yan kaya todo kayod din.

"I am looking for someone Miss, have you saw a tall guy ?" tanong nung babae, yamanin.

Tumingin muna si Steph sa isang direksyon.

"Sorry Mam but wala po akong napansin." sagot ni steph, teka sino ang tiningnan niya.

Napasilip ako sa direksyon at nakita ko ang isang guy  na nakacap at eyeglasses na busy sa pagbabasa.

Nang makaalis na yung babae pumunta sa counter si steph.

"hay, ganda niya nuh?" tanong sa akin ni steph, tiningnan ko siya ng painosente

"Yung babae kanina, taga Monford siya, kaklase namin ni Pitch, kaso snobber." di ko naman tinatanong.

"Boyfie niya ata yang suki natin." doon tiningnan ko na si steph.

"Sinabihan kasi ako ni Pogi na kapag may naghanap daw sa kaniya, huwag siya ituro." so kaya pala tumingin muna siya doon bago sumagot.

"Miss." tawag nung guy at lumapit si steph.

After nilang makapag usap bumalik na sa counter si steph.

"Isang cappuccino raw." sabi niya sa akin at agad naman akong kumilos

Habang hinahanda ko yung order pinakiusapan ako ni steph ma ako raw muna magserve inutusan pa siya ni boss.

"Here Sir, enjoy the food and stay." bati ko dun sa guy. Pilitan yun para di ako masisante

Tumingin siya sa akina at

Wooooah!

"oh hey George!" nakangiti pa, ngiting sarap upakan

Tiningnan ko lang siya.

"Himala at ikaw ang nag serve, sweet pala ng boses mo." kung nasa labas lang kami naupakan ko na talaga to.

Tiningnan ko lang siya at umalis. Di naman siguro siya mabastos dun.

Pabalik na ako sa pwesto ko.

"Oy George! Kilala ka pala ni Pogi. Naks ha?" pss, sinamaan ko lang siya ng tingin.

"kaklase ko!" tipid kong sagot

"Ah, gwapo niya nuh?" pss gusto kong masuka, ewan ko lang kung gwapo parin tingin niya jan kung malaman niya ang ugali.

"Kailan pa siya Costumer dito?"

"OhEm, interesado ka? NAKS" sinaman ko lang siya ng tingin."di joke lang ito naman, di mo talaga alam?" tinaasan ko lang siya ng kilay "bago pa tayo dito, costumer na yan, balita ko nga kaibigan niya si boss Ree eh."

Tiningnan ko lang siya at bumalik na kami sa mga assign place namin. BAka mamaya matarayan na naman kmi ni boss.

****
7:30 na, off shift ko na pero si steph mag oOT raw siya, matindi ang pangangailangan ng bruha.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa paborito kong karenderya malapit sa apartment.

"Nay, isang adobo at kanin nga po." sabi ko kay Nanay, yung may ari

"ay ineng, ikaw pala, o sige ihahanda ko lang ha." at naupo na ako sa harap.

Maliban sa probinsya at sa apartment, dito lang ako nakakapagsalita ng di pilitan. Sa cafe' din minsan kapag may meron si boss.

"Ito na ineng oh"

Kumuha ako ng kutsara't tinedor at nagsimula ng kumain habang si Nanay, chinichika ako. Close kami eh pero sekreto lang namin yun.

After kung kumain at magbayad ay umuwi na ako. Bago ako matulog eh nagbasa muna ako. Sayang yung oras eh.

Papatayin ko na sana yung ilaw kaso dumating si...

"Hi George! Matutulog kana?. "

Tumango lang ako,

"Sensya na ha,"

"KAKauwi mo palang?" tanong ko sa kaniya

"Oo eh, nasaan si Steph?"

"OT"sagot ko

"Sige ligo muna ako. "

Ganyan kmi mag usap ni Pitch kapag wala si Steph pero parang pipi kapag kasama yung bruha.

Yung dahilan, masyadong madaldal si Steph.

Sige Good Night na!

CuteAuthor;

Yung pic po pala every chapter eh huwag niyo nalang pong pagkapansinin. Di po kagandahan kasi ayoko po ng cartoon, edited at picture ng foreign o artista. Hihi ^_^V sa content nalang po kayo magfocus.

Salamat.

Bully MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon