• • •
HersPara sa'kin, nakakaturn on yung mga taong kayang magbago para sa'yo. Yung kayang isakripisyo ang mga bisyo niya para lamang mapanatili ka. Yung kayang magpahalaga ng mga tao sa paligid nila, at yung mga taong hindi ka papabayaan.
" Babe? –ahh, teka lan– fuck, I'll call you later."
Pero kasalungat niya ang lahat ng 'yon.
He's a playboy. That's what I think noong unang pagkakilala ko sa kanya. Halos hindi nawawalan ng babae.. kaliwa't kanan. Hinahabol siya, pinagpapantasyahan. Wala e, gwapo e.
Hindi ko nga inakala na mapapansin niya 'ko. Sa canteen, mag-isa. Bigla siyang tumabi at kinausap ako. Asked for my name and number. Hindi ko alam. I never really liked him, to be honest. Pero things has suddenly changed.
Tuwing makikita niya ko, lalapit siya sakin. Kakausapin ako, minsan nga hinahatid pa ako sa room ko, e. Pag lalapit ako sa kanya, kinakantyawan kami ng mga tropa niya.
Parati rin siyang nagdadala ng regalo. Sulat, malaking stuffed toy, o kaya'y mga damit galing sa mga mamahaling brand.. Hindi ko tinanggap lahat ng 'yon. I'm not into material things, sinabi ko sa kanya. Pero he keeps insisting, iyon raw kasi ang paraan ng pagpapakita niya ng pagmamahal.
Araw-araw kaming nagsasalitan ng mga salita.. Personal man o sa messaging apps. Simula na rin noon ay kapag dadaan kami ay magsisihawian ang mga babae. Mga babaeng pinagpapantasyahan siya. Ewan ko.. I suddenly felt like a princess. Sa kanyang ligtas na mga bisig, kalaban ang mga delikadong kalaban.
But I never expected na he's going to ask me for a date. Dalawa. Tatlo. Apat. Hindi ko na mabilang kung ilan, but I know one thing's for sure..
Nahuhulog na ako sa kanya.
Noong sinagot ko siya, bigla siyang nagbago. Nanlamig. Kagaya noon, nung di ko pa siya nakikilala. Noong wala lang ako sa kanya, wala rin siya sa akin.
Minsanan ko na siyang nahuli, amoy pabango ng babae. Kapag tinatanong ko siya'y sasabihin niyang sa mommy niya yon. Meron ring isa pa, habang pinupunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa kanyang leeg.. may nakita akong isang pulang marka.
Markang alam kong iba ang gumawa noon.
Pero hindi ako nagpatinag, dahil naniniwala ako..
Naniniwala akong magbabago siya para sakin..
• • •