three

14 2 0
                                    


• • •
Her

I hate the fact that I still love him. Kahit na alam kong niloloko niya ako. Kahit na alam kong hindi niya abot ang expectations ko. Kahit na alam kong sinasaktan niya ako habang ako'y nakatalikod. Kahit na alam kong paunti-unti niya akong sinisira nang hindi ko nalalaman.

Pero hindi ito ang tama.

I'll let go of him, dahil alam kong sawa na siya sa akin. Dahil alam kong hindi ko maibibigay ang ligaya na gusto niyang kamkamin. Dahil alam kong hindi ako sapat upang mapaligaya ang kanyang pakiramdam.

Unti-unti akong umiwas sa kanya. Kapag naabutan niya ako'y lagi akong nakakahanap ng palusot. Kapag nalapit siya'y agad akong nalayo. Kapag nagbibigay siya ng mensahe ay agaran kong pinapatay ang cellphone ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Sa amin?

This isnt what I wanted. Akala ko'y mapapabago ko siya.. Ngunit hindi pala. Dahil siya na mismo ang umaayaw. Siya na mismo ang nagdesisyon. Siya na mismo ang tumanggi at nagbalewala ng lahat.

Mas mabuti na rin sigurong tapusin ko na ang sinimulan namin.

" Hi babe! Kanina pa kitang hinahanap, saan ka ba galing? Iniiwasa-"

" I'm breaking up with you."

Ang kanyang masayahing ekspresyon ay biglang nagbago. Tinikom niya ang kanyang bibig. He stared at me..

" W-why?"

I sighed at pumikit ng mariin, " I'm done. Hindi ko na kaya, Vincent. Stay away from me from now on, please."

Pagkalabas ng mga salitang iyon sa aking bibig ay umalis na ako. Umalis sa buhay niya, leaving everything including our painful memories.

Hanggang sa tuluyan na akong lumayo. Siya rin. Kapag magkakasalubong kami ay parehas kaming iiwas ng direksyon. Kapag nasusulyapan ko siya'y naiwas na agad ako ng tingin dahil alam kong may kasama siyang babae. Katulad noon. Kaliwa't kanan.

Ni hindi man lang niya ako hinabol.

Months passed at may nakilala akong bago. Si Mikoy. He's courting me, and I'm so lucky to have him beside me. Pinahahalagahan niya ako na parang isang prinsesa. Hindi siya nawalan ng oras para sakin. He takes care of me, like I'm a valuable jewelry.

Pero hindi ako masaya.

Everytime na nasa cafeteria kami ay talagang sa harapan ng table nila Vincent kami uupo. Harapan. Kasama ko si Mikoy. Kasama niya ang mga babae niya. Isang kumpetisyon. Ngunit wala namang mananalo.

Nakakagago. Ang sakit. Bakit ganun? Matagal na noong nagkahiwalay kami. Pero yung sugat sa puso ko, lalo atang nagdudurugo.

Lumipas ang tatlong taon. Nakagraduate na ako't nakahanap ng trabaho. Mikoy is still with me, he's been consistent since day one. Kung gaano sya kasweet noong una ay ganoon pa rin sya hanggang ngayon.

Tatlong taon na rin at hindi pa rin sya maalis sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit. Palagi kong tinatanong sa sarili ko ang sagot. Ngunit walang nalabas.

Tatlong taon na at hinahanap ko pa rin ang presensya nya. Ang mga ngiti nya. Ang init ng kanyang katawan. At ang mga mata nyang naniniguradong ako lang ang mahal nya.

Pero mali ito. Kailangan kong itigil ang kahibangan ko. Hindi na tamang iniisip ko pa rin sya ngayong meron na akong bago. Hindi to deserve ni Mikoy.

That's why I tried my hardest para maparamdam sa kanyang mahal ko sya. Kahit hindi ako sigurado. Gumana ito at tumagal kami.

I can't hurt a precious guy like him. Ayokong abusuhin ang nararamdaman nya. Pero habang tumatagal ay lalong bumabait ang patungo nya sa akin. Pinakilala nya ako sa parents nya ako sa parents nya and I did the same thing.

He's sweeter than ever.

Katulad na lang ngayon, sinundo nya ako ngayon sa trabaho to have dinner with him. Lahat ng nangyari sa araw nya ay kinekwento nya sa akin, ganoon din ako sa kanya. Everything went smoothly until..

Lumuhod sya sa harapan ko.

"Ms. Cayeen Salvatierra, will you marry me?"

Tumigil bigla ang oras. Ang mundo. My heart started to beat quickly. Hindi ko alam ang gagawin. Tiningnan ko ang buong paligid at lahat ng tao ay nakatingin sa akin.

Hanggang sa napatitig ako sa dalawang pares ng mata sa malayo. Isang napaka pamilyar na mata. Ang mga matang nais kong titigan noon pa. Lalong tumibok ang puso ko. Hindi maaari, bakit ganito?

Akala ko ba wala na? Akala ko ba okay na? Akala ko ba handa na ko?

Bakit.. bakit.. bakit..

Tinitigan kong muli ang dalawang pares na matang yon. I know. He's waiting for my answer.

Binalik ko ang tingin ko kay Mikoy.

Sana ay hindi ko pagsisihan ang isasagot ko.

• • •

percieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon