• • •
HisI'm a playboy. I'm aware na nakakasakit ako ng damdamin at pagkatao ng mga babae. All I do is flirt with them, pagkatapos ay sa kama na ang sunod.
Lahat ng kakilala at nakikilala kong babae ay ayun lang din ang hanap. Ang magpakasaya at maglakwatsa ng isang gabi kasama ang lalaking hindi pa nila lubos na kakilala.
But, damn.. I've never seen this one before.
I've laid my eyes on her since the first day I saw her. Kapag daraan ako ay halos sambahin na ako ng ibang mga babae, samantalang siya'y hindi man lang nalingon. Kapag nasa canteen siya at magisa ay sinisigurado kong nasa harapan ako ng table niya, kasama ang mga babae. Kaliwa't kanan, magkabilang braso.
Pansinin mo ako.
Pero, shit, kapag dinadapuan niya ako ng tingin ay halos sumpain na niya ako. Bigla nalang siya tatayo at lilipat ng pwesto.
Kakaiba, I thought.
Kaya't I swallowed my pride at gumawa ng move. I courted her. Parati akong gumagawa ng paraan para mahulog siya sa akin.. and she did.
Sinagot niya ako after a year. Mas lalo siyang naging sweet.. Mas naging mapagalaga sa akin. Sinusuportahan niya lahat ng ginagawa ko.
Pero parang may mali.
Hinanap ko ang sagot sa bumabagabag sa isipan ko. Bumalik ako sa dati kong pagkatao.. bago ko pa siya makilala.
And I was right. The thirst I was looking for ay ang mga babae. Sa kama. Buong gabi. Habang wala siya sa tabi ko.
Minsan ay muntikan na niya akong mahuli. Behind the school.. naroon ako kasama si Roxanne. We're doing something that we shouldn't really do at school nang bigla siyang tumawag.
" Hello, babe?"
Magsasalita sana ako nang bigla akong dampian ni Roxanne ng agresibong halik sa leeg. Agaran kong kinagat ang labi ko upang hindi makagawa ng ingay.
" Babe? – ahh, teka lan– fuck, I'll call you later."
Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang tawag at agresibong inatake ang babaeng naghahanap ng ligaya sa tabihan ko. Binalewala ko ang patuloy tuloy na vibration at tunog mula saking cellphone..
Happy Anniversarry, Vincent. Hope you liked my gift. I love you.
Pagkabalik ko sa aking condo ay bumungad sakin ang isang pulang kahon. Fuck. Nakalimutan kong anniversarry namin ngayon, and God knows I've sinned.. so bad.
Kinabukasan noong araw na 'yun ay bumili ako ng kwintas.. telling her I forgot to give it to her on our anniversarry. I was expecting her to get angry at me. Pero hindi niya ako sinumbatan.. hindi niya ako inaway.. hindi siya nagreklamo.. Hindi niya ako hiniwalayan kahit ang gago ko.
Instead, she just smiled at me with a tear on her eye. Told me that she understand how busy of a person I am, at nagpasalamat dahil naalala pa niya ang araw kung kailan kami nagkaisa.
Ang gago ko. Ang gago gago ko.
Hindi ko siya deserve. I'm hurting this woman, destroying what's left of her and she doesn't deserve it.
Playing other people's feelings and emotions is the only thing I'm good at. I'm aware of it.. At ayokong maranasan niya ang mga ginawa ko sa ibang tao.
Kaya't magbabago ako.. para sa kanya.
Ngunit sumunod ang mga araw ay bigla bigla siyang nanlamig. Katulad ko.. katulad noong panahon na sinagot niya ako. Everytime na lumalapit ako sa kanya'y bigla siyang naiwas at lumalayo. Everytime na tatawagan ko siya sa kanyang cellphone ay laging out of reach. Everytime na kakausapin ko siya'y bigla siyang magpapaalam.. saying she's late for her next class.
Puta, It's obvious! Iniiwasan niya ako.. Did she found out? Did she knew from the beginning? Nahalata ba niya ang mga ginagawa ko habang siya'y nakatalikod?
Fuck. Sino ba ako para magalit? Sino ba ako para masaktan? Ako na mismo ang gumawa ng paraan para siya'y lumayo! Ako na mismo ang nagtaksil at naghahanap ng ligaya sa laman ng ibang babae. Ako na mismo ang sumira sa puso niya.
I'm cheating without her knowing. I'm hurting her without her knowing. I'm destroying her without her knowing.
At shit, hindi ko na alam ang gagawin ko pag umalis siya sa buhay ko.
• • •