Part 4

2.1K 32 0
                                    



ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ


After a year of our break-up I'm still the same. Akala ko nga magbabago na talaga ako pero mali ako. Pag kasi may makita akong pamilyar na bagay na nagpapaalala kay Mhyko umiiyak agad ako. Nagwawala. Nagsisisigaw.

It was so hard. I cursed a lot and ruined my insides from drinking.

Palagi kong dinidistorbo si bunso overseas. Palagi ko kasi siyang tinatawagan para mag-iiyak at magrereminisce na naman. At gaya ng dati, nakikinig lang siya sa mga hinaing ko sa buhay. Pag kalmado na ako saka ko lang iiend ang tawag. Hindi siya nagrereklamo kahit magdamag pa akong nakatelebabad sa kanya kasi yun lang din daw ang tanging matutulong sa akin as his big sis. To listen.

But it's all over now, after losing him. I earned a bigger hope. It's really so unfortunate. Tinuon ko lahat ng atensyon ko sa pagmomodeling. And little by little my tears dried. Nakakaya ko ng wag iyakan yung mga maaalala ko dati with him.

I brush myself off and get up. Yung sufferings ko noon, unti unti na ring naheheal.

Just at the thought of him and that higad??! My body shakes. I can't forgive them - simula sa pagkakataong ito - it's war, hindi na ako magduduwag-duwagan. Maghintay lang sila. They messed with the wrong person.

"Hey bitch!" speaking of war. The higad is here. In front of me, wearing ukay ukay na damit. So cheap!

Ewan ko ba kung bakit nakarating itong babaeng 'to dito sa pinagtatrabahuan ko eh hindi naman sila nagpapasok ng basura.

"Oh did you just greet yourself?" nagpanggap pa akong confuse. Ang kapal niya ha! Ako pa talaga ang tinawag niyang bitch?? Hindi kaya kami magkalevel.

"Oh shut up!" nag gesture pa siya na pinapashut up ako. Hala ka! Ako? The ever gorgeous and dyosa me?? Pinapatahimik niya?! How could she!?

"You... shut your dirty mouth."

"Oh I'm scared. Bitter pa rin?" I fake a smile. Bitter?? Saksakin ko kaya 'to ng stiletto ko hanggang esophagus niya. Tss, bitch!

"Magiging bitter lang ako kung lumagpas sa level ko yung ipinalit sa akin ni Mhyko pero..." hinead to foot ko pa siya tapos balik ulet sa mukha niyang ngayon ay medyo nairita??! ".. I'm disappointed. Tsk tsk."

"You.."sugod niya sa akin pero naiwasan ko siya.

"Bakit? Hindi ba't totoo naman. Sa nakikita ko kasi ngayon sa itsura mo hanggang kuko lang kita." pinakita ko pa sa kanya ang kuko ng index finger ko. Double meaning yan ah! Alam niyo na kung ano yung isa. Bawal sa mga bata eh. Hahaha.

"Excuse me, for your information. I'm also an model here in your studio. Last month I entered modeling because I know I am deserve to be a modeling." Pfft--- ano ba yan! Apat na taon na ang nakakalipas trying hard pa rin siya sa pag-eenglish??!! Nakakahiya! Oh my God! Ang dami kong tawa dito sa babaeng 'to.

Mukhang napansin naman ata niyang natawa ako kaya tumaas ang kilay niya at pumewang pa. At akalain niyo, nag-english na naman. #WrongGrammar "What the--- why are you laugh? I am not making funny." Uyy, ginagawa pala yung funny?? Astig!

"Pfft-- wait.. hahaha... " i raise my hand to her face to make her stop. Nakakatawa ang pagiging seryoso niya. Mayghad! Maloloka ako sa higad na ito. At bago pa man ako maiyak sa kakatawa dito ay iniwan ko na siya doon na umuusok ang ilong at tenga. Pfft, a wrong grammar bitch. Patawa??!

ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ

Pumasok na ako sa loob at hindi na binalingan ulet ang higad. Siya? Model? At dito pa talaga siya nag-apply ha! Hinding hindi niya mapapantayan ang kung ano man ako ngayon. Itsura palang walang wala na. And her sense of humor sucks. Siguro yung papose-pose niya ng konti okay sa akin pero yung mag sasalita siya ng english kahit mali mali na .. hinding hindi magiging okay sa akin. Lalabas bituka ko sa kakatawa.

"You're more beautiful when you laugh. I love the sound of your voice when I hear you laughing." bungad sa akin ng isang.... di ko kilala na hunky na mayaman sa six pack abs, broad shoulders, moreno at... yummy. "Pfft--- done checking me??" I blinked once and face him. Laking gulat ko ng maalala ko ang boses niya at nang tanggalin na niya ang cap and shades ay doon ako mas lalong nagulat. What the-- anong ginagawa ng lalaking 'to dito?? Is he a model here also?? How come??! Ito ba yung sinasabi niyang magkikita kami ulet??? Is this some kind of joke?? "You remember me?"

"Wh-why are you here?!" wala sa sariling turo ko pa sa kanya. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin dahil nung tumawa siya sandali ay nagslow-motion ang aking paligid. His laugh was like a melody that I love to hear and that I'm blown away by just hearing it.

"Model rin ako, katulad mo."

"Ba-bakit? K-ailan? P--aano?" ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nautal? It's our third time to meet pero bakit ngayon lang ako nagkaganito?? I felt ... weird!

"Woah~ isa isa lang! Okay, sa tanong mo kung bakit ay nahiligan ko lang. At kailan? 5 years ago, when one of my friends ask me to be her model for her first release magazine. And lastly, paano? May isang P.D. ng magazine sa company, where you work with, na nakiusap sa akin na maging regular model. At first, nagdalawang isip ako kasi hindi ko naman kailangan maging model para magkapera dahil may negosyo naman ako abroad at kailangan tutukan ko yun para hindi malugi but kalaunan naisip ko na baka pwedeng maging dahilan ko nalang ito para umuwi ng Philippines since wala rin naman akong magawa pag umuuwi ako dito. So in the end, I accepted the offer and now I'm one of the most requested model ng mga photographers here and abroad." wala na akong nasabi sa mga sinabi niya. Nganga lang ang peg ko. A successful businessman abroad and a professional model all over the world??!??! Like, what the hell diba??? Bakit hindi ko siya nakilala kung ganito pala siya kasikat?? And then I remembered hindi pala ako mahilig magbabasa ng mga magazines, newspapers and everything. Ang tanga ko lang! Aish! And the last time we met, hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya.

"By the way, I'm Ezekiel Buenavista. I'm so glad I met you again." sigaw neto nung nakalayo na ako. Siya tuwang tuwang nagkita kami ulet pero ako, hindi. Nakakahiya kaya yung pagtrato ko sa kanya dati. Oh my God! What should I do now??!







ღ𝕋𝕠 𝔹𝕖 ℂ𝕠𝕟𝕥𝕚𝕟𝕦𝕖𝕕ღ

Hello Ex (COMPLETED) EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon