Part 10 (end)

2.2K 38 4
                                    



ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ



Days passed, palagi akong chinecheck ni Ezekiel kung okay lang daw ba ako o di kaya kailangan ko ba daw ng kasama pero ang palagi kong sabi ay okay lang at saka na ako magpapakita kung handa na akong magkwento. Naghintay din naman siya kung kailan ako ready.

Hanggang sa dumating yung time na medyo okay okay na ako at ako na ang unang tumawag sa kanya. Sabi ko na gusto kong makipagkita sa lugar kung saan niya una akong makita. Sumang-ayon din naman din siya at kinancel na ang last sched niya for that afternoon.






ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ

Nagtaxi lang ako papunta dun sa cafe kasi ginamit nila mama yung kotse ko para bisitahin si Cyrus sa puntod neto.

Pagpasok ko dun sa cafe ay nakita kong kumakaway sa akin si Ezekiel. Ngumiti ako sa kanya tapos naglakad na rin papalapit sa table niya.

"Am i late?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Hindi naman masyado. Himala ata at ikaw ang tumawag? Magpaparty na ba ako?" tumawa nalang ako sa biro niya. Siya lang kasi ang may ganang tumawag sa akin ni sa text nga eh mas nauuna siyang magtext kesa sa akin at minemake sure niya na mataastaas ang conversation namin para hindi daw ako mabored. At thankful naman din ako dun. Atleast, may taong nagpaparamdam sa akin na may bukas pa.

"Nag-order na ako ng chocolate cake for us."

"Eh bakit isa lang inorder mo?"

"Para tipid."

"Tss, ang sabihin mo ang kuripot mo lang."

"Hmmm, konti hahaha." pinalo ko nalang siya at tumawa kaming dalawa.

Pansin ko pang apple shake ang inorder niya. Di pa rin pala nagbabago taste niya. Pangbata pa rin. Capuccino naman ang inorder niya sa akin para maiba daw. Pauso niya ha!

"Okay ka na ba?" seryosong tanong niya.

"Okay naman na. tanggap ko naman na ang lahat. And that I realized na hindi ito ang gustong mangyari ni bunsoy sa akin. Dapat hindi daw ako maging malungkot kasi magiging malungkot din sina mama at papa."

"Dapat lang."

"At alam mo ba na may nadiscover ako."

"Hmm??! Ano naman yun?" takang tanong niya.

"That before this happens to me, I didn't know that the world I was in was this bright. And when I reach for you with a small breath of life. It's a love that called out to me fearlessly." nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi.

"Anong--"

"I liked it so much you watching over me, my heart fluttering everytime you came to me and held my hands with ease. Naramdaman ko na 'to noon kay Mhyko pero sa pagkakataong ito may nag-iba. I started to become greedy. Yung feeling na gusto kitang makasama palagi, that I want to grow old with you."

"Cyline." lumambot ang kanyang ekspresyon at hinawakan ang dalawa kong kamay. "It was a blessing in disguise when I first saw you. I don't even know that I would feel those feeling that was new for me. That I wanted to be happy for once with you and not to make you cry like how your ex did to you."

"I already forgot everything and I decided to move on because I will go to you. Kung okay lang sayo." hindi siya sumagot imbes ay hinalikan niya lang mga kamay ko at ang noo ko. Napapikit nalang ako ng matagal niya akong hinalikan doon sa noo ko.

"Why would I turn down your offer. Kahit itali mo na ako sayo okay lang sa akin."

"Pauso mo ah!" tumawa nalang kaming dalawa at nagpasyang magdate after.







ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ

Months have passed, Ezekiel proposed to me at doon na manirahan sa kung saan nakadestino ang negosyo niyang nasa abroad. Pumayag din naman sina mama sa offer ni Ezekiel at mga ilang araw lang after that ay nagpakasal na kami. Family ko, relatives ko, family niya at relatives niya lang ang dumalo doon sa wedding. Pero hindi pa kami makaalis sa bansa kasi hindi pa tapos ang kontrata. Gusto niya ngang bayaran para matapos na pero sabi ko na hintayin nalang atsaka gusto ko munang makasama muna si bunsoy bago ako magmigrate.

Pero bago pa man kami makaalis ng pilipinas nakipagkita muna sa akin sa huling pagkakataon si Mhyko para sabihin sa akin ang rason niya. Doon ko lang nalaman na matagal na pala siyang inofferan ni Cyrus na tanggapin ang puso niya para sa transplant since alam naman din ni Cyrus na dadating ang araw na mawawala siya sa mundong ito. Yung pakikipaghiwalay niya sa akin ay yung time na magpapaopera siya. At hindi niya alam kung mabubuhay ba siya o ano. hindi niya tinanggap ang offer ni Cyrus imbes ay yung offer nung higad, na hindi naman pala niya higad, na tumagal ng dalawang taon.

Doon ko lang din alam na si Cyrus pala ang nagmomonitor sa kalagayan niya. Kung okay lang ba siya o ano. Open pa rin yung offer niya na ibigay ang puso niya kay Mhyko pero ayaw talagang tanggapin ni Mhyko. Kaya pala siguro hindi niya masyadong pinapasama sa paningin ko si Mhyko kasi alam niya kung ano ang dahilan ni Mhyko sa pag-iwan sa akin.

Nung time na nalaman ni Cyrus na hindi na naging okay ang puso niya ulet ay nagpumilit siya ulet na tanggapin ang offer. Cyrus convince him to accept the offer at di kalaunan ay tinaggap din nalang din niya. Nakapagpaalam na rin nun si Cyrus kina mama at papa na ibigay ang puso niya kay Mhyko if ever may mangyari nga sa kanya. At first, hindi daw pumayag sina mama pero naconvince din siya ni Cyrus.

Nung time na hiniram nina mama ang kotse ko ay yung araw na bumisita sila kay Mhyko para tignan kung success pa ang transplant. Sa awa ng diyos ay naging success naman ang operasyon.

Napaiyak nalang ako sa narinig. Akala ko iiwan na talaga ako ni Cyrus ng tuluyan. Nagmake way talaga siya na mag-iwan ng isang bagay na magpapaalala sa amin na buhay pa ang puso niya. Sa ibang tao nga lang nakakabit. Pero atleast nararamdaman pa rin namin siya.

Totoong minahal ako ni Mhyko pero huli na ang lahat dahil nabaling na ang atensyon ko sa iba at ngayon ay kasal na kami. Happy naman din siya sa nangyari sa buhay ko. Naging happy din naman ako na nakahanap rin siya ng mamahalin niya. Pero hindi dun sa higad na tinatawag ko noon. Doon sa isa rin sa mga pasyenteng nakilala niya sa ospital nung time na naconfine siya.

We're both happy with our own lives now. We are both living our lives with someone else who will fill in the emptiness we longed for. Ang relasyon namin noon ay mananatiling alaala ng mga pagsubok na pinagdaanan namin sa buhay.

Noon, gusto kong mag HELLO EX and take revenge sa biglaang break-up namin. But now, it changed into GOODBYE EX and wishing each other lives to prosper.

This is Cyline Velez-Buenavista, and this is the end of my story.




ღ𝕋𝕠 𝔹𝕖 ℂ𝕠𝕟𝕥𝕚𝕟𝕦𝕖𝕕ღ

Hello Ex (COMPLETED) EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon