Martin's POV
"Kuya! Yun pa oh! Mmmm sarap naman nito! Ano nga ulit tawag dito?" Tanong niya sakin habang inaabot ko ung tinuro niya sakin.
"Macopa yan. masarap ba talaga?? Eh sa pagkakaalam ko mapakla lasa niyan eh. -____-"
"Mmm.. Medyo.. Pero masarap! Try mo! hahaha!"
"Mamaya nalang. :) Kuha nalang tayo ng konti pa para sa kanila tas dun na natin yan kainin ah? Ang naaalala ko masarap yan na isawsaw sa asin eh."
"weh? Osige sige! Kuha ka pa kuya!" Tapos kumagat ulit siya sa macopa niya.
Masarap ba talaga un? Mamaya ko nalang titikman. -__-
Kumuha pako ng ilan pa, andami kasing bunga nung puno, kaya uuwian nalang namin sila dun. malay ko naman gusto rin pala nila diba? haha.
Nandito kami ni dave ngayon sa forest-like area dito. Pano kami nagkasama?
Nung umalis siya, sinundan ko siya, ayun. Dito kami napadpad. Eh mahilig pala to sa mga mapupunong lugar. presko daw, daming alam ng batang to. Hahaha! No wonder bakit wiling wili sa kanya ang ate niya, napakakulit naman kasi! Kung ano ano ngang kinukwento sakin kanina. Pero yung kakulitan niya, hindi nakakainis. nakakatuwa nga eh :))
"Oh tara na, marami na siguro tong nakuha ko." tapos pinakita ko sa kanya.
"Wow kuya, ang dami ah! O sige tara na! ^____________^"
Anong oras na ba? *tingin sa relo* magse-7pm na rin pala! Antagal pala namin sa gubat, natulog pa kasi kami kanina eh. Ang gaan kasi ng aura doon! sarap matulog. XD Na-empty bat na rin pala CP ko.
Lumabas na kami sa gubat. Siya kain lang ng kain habang ako hawak hawak ko lang yung mga Macopa. Sa panyo ko nilagay kasi di ko naman kayang hawakan yun lahat diba? malinis naman panyo ko! Grabe. Extrang panyo ko ginamit ko.
Nang malapit na kami sa tinutuluyan namin, nakita ko ang barkada, tumatakbo. Panic mode ata sila? bakita kaya? San kaya pupunta yung mga yun?
Sa bilis nilang tumakbo, di ko na sila hinabol. Tumuloy lang kami si Dave paakyat sa mga kwarto namin.
*tok tok*
"Ate?? Pabukas ng pinto.. Ate??? *tok tok* Ate anjan ka ba?"
"Ay Dave wala nga pala sila ate mo jan, nakita ko sila kanina tumatakbo na parang nagmamadali eh."
"Weh? Ba't di ko nakita?"
"Busy ka sa Macopa mo eh. Hahah! Dun ka nalang muna sa kwarto namin."
"Osige kuya."
Pumunta na kami sa room namin. May asin don kaya nilantakan niya na yung macopa. Kung di pa ako nagtira para dun sa ibang baka gusto ng macopa, malamang ubos na ngayon yun.
Habang kumakain siya, nanonood lang ako ng TV. Disney Channel, gawa ni Dave. Hahaha.
8:30 na ah. Bakit di pa sila bumabalik? Takte gutom na ko. -____- wala lang akong kasabay kumain. hintayin ko nalang sila.
"kuya Martin CR lang ako ah?"
"O sige."
Tapos kinuha ko yung charger ko then chinarge ko CP ko.
Pagkahiga ko ulit, nilipat ko sa HBO yung channel. Twilight? Weh? Ang korni.
Nilipat ko sa Cinema one. One More Chance yung palabas. Masyadong madrama! Ambading. -____-
Nilipat ko nalang sakung anumang channel to. X factor palabas. Pwede na to.
*creeeeeeeeeeeek*
BINABASA MO ANG
Hanggang saan aabot ang BENTE PESOS mo? (ON HOLD)
JugendliteraturNa-expi mo na ba yung, dahil sa sobrang wala kang magawa, eh sinulat mo yung CELLPHONE NUMBER mo sa BENTE PESOS na PAPEL? Tapos nang bumili ka ng streetfoods, at pinambayad mo, eh excited ka kung may magtetext ba sayo? Tunghayan natin ang paglalakba...