Kierra's POV
Monday.
The day I've been dreading for the past week. I stole a glance at my suitcase with the things I needed to bring. (Refer to Lesson 3) Also the long sized folder with my papers that will show I am 16.
Tinignan ko ang sarili ko sa full body mirror sa loob ng room ko.
We are required to dress semi-formally because we will be meeting the Prince and the Queen. No, not Queen Felisita but the present Queen.
Queen Maria.
I'm actually happy na si Queen Maria na ang maghahandle sa amin kasi she's the opposite of her mother. Yes, she exudes grace, confidence and authority much like her mother pero mas mahinhin siya. She's much less strict and she has a sense of humor and much more approachable than Queen Felisita.
I was snapped out of my thoughts when I heard my bedroom door open. Lumingon ako at nakita ko si Mama na malapit ng maiyak.
"Ang ganda mo, anak. I remember nung 16 pa rin ako. You remind me so much of myself. I was a nervous wreck. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa Princess Academy," Lumapit siya sa akin at inayos-ayos ag buhok ko. "I'm giving you this," Sinuotan niya ako ng isang charm bracelet na may nakasabit nan a isang charm.
"Binigay rin ito ng Lola mo sa akin. Feel free to put your own charms there, pumili ako ng isa sa charms ko rin, at iyan yung nakikita mo. I will miss you so much. I love you, Kierra." Sabi niya tsaka ako yinakap.
I chuckled a bit, "Eto naman si Mama kung magsalita parang ikakasal na ako't hindi na ako babalik."
"E kasi isang taon kang mawawalay sa amin. At merong ka ring chance na mapakasal kay Prince Miguel."
"Ma, maliit lang ang chance ko. Hindi ako kasing ganda ng iba at before you know it tapos na ang isang taon! At nandito na ulit ako, diba?"
"Sige na nga!" She glanced at my clock, "Kierra, malapit na mag-si-six! 5:3O na at hindi ka pa kumain! Tara na." She tugged me forward atsaka ako hinila sa baba.
Lumapit sa akin si Papa at yinakap ako, "I will miss you Kierra. I love you. Kahit anong mangyari, you're still my Princess, okay?" I nodded tsaka yinakap siya ulit. My father's not very talkative. But he says short words that matter. No sugar coating. Short but meaningful, "O, let go na. Kukunin ko pa ang suitcase at folder mo." He smiled saka bumitaw.
Hinila ulit ako ni Mama patungo sa kusina, kumain na ako.
Lumapit rin si Gina sa akin at yinakap ako, "Aalis ka na Ate?" She said while crying.
"Oo e pero bibisita naman ako at isang taon lang yun!" I said trying to be enthusiastic.
"Hindi ka ba makakapunta rito sa birthday ko?"
"Syempre bibisita ako dito! Birthday mo kaya," I'm not sure kung pwede ba pero they can consider it right? Tutal birthday naman ng kapatid ko.
*
"Bye Kierra!" I kissed all three of them on their cheecks and said my goodbyes bago lumabas sa sasakyan namin.
Paglabas ko marami na rin ang mga babae na naghihintay sa waiting sheds. 5:55 na kasi.
Lumapit ako sa isa ko pang close friend, si Eve.
"Kierra!" I grinned tsaka yinakap siya,
"Eve! Matagal na rin tayong hindi nagkausap, a?" I said to her.
"Oo e, busy sa student council," Si Eve kasi ay ang student body president kaya parating on the go tong babaeng 'to. "Ang ganda ng suot mo, Ki!"
I looked down sa suot ko. I was wearing a blue denim skirt that flared palabas, it ended a little bit past my mid thigh. Inside I wore a plain white blouse na may maliit na frill sa sleeves. Tinuck in ko iyon. Ang suot ko na shoes ay midnight blue flats. As for my hair, sinuklay ko lang yun and put a thin yellow hairband. Simple but classy.
BINABASA MO ANG
Princess Academy (SLOW UPDATE)
ChickLitI am just a simple girl. I wake up, go to school, come home and do homework. Normal right? Right. Until the freakin' royal prince turned 18. Now, all girls from 16-17 yrs old are to attend this fudgin' academy. Then attend a ball at the end of the y...