Lesson 2

370 10 2
                                    

Kierra's POV 

Pagkauwi ko sa bahay, agad ako pinaulanan ng tanong ni Mama. 

"Narinig naming, kumukuha na sila ng Would-be's, nakasali ka ba? O nahuli ka? Ano? Okay lang ba? Anong sinabi ni Queen Felisita?" 

I sighed, "Nakasali po ako. Ok lang naman. Sabi ng Reyna na malaki itong obligasyon at kailangan namin 'to seryosohin,"  I shrugged tsaka umakyat na sa taas para makapag-aral, "Sige po." 

Narating ko na ang kwarto ko. Nagbihis ako at humiga. Kailangan ko umidlip saglit. 

Napagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tumingin ako sa wall clock ko. 

Time Check: 5:3O 

3O minutes rin akong nakatulog; okay na siguro iyon. Kinuha ko ang CP ko. Message lang naman. GM lang ng isa sa classmates ko. I settled the phone down on my side table and stood up. 

I headed for the kitchen. Passing by the living room, I saw Gina watching a movie; one of the teen flicks again. I shrugged it off at dumiretso na sa kitchen. I opened the fridge to see what I can have for a snack.

(BTW: Wala si Mama. Kada 4-7 kasi, lumalabas si Mama para bantayan at i-check ang inventory sa business namin; we own a boutique. Malaki-laki rin ang boutiqe at marami-rami rin ang branches nun kaya nga hindi kami kumakapos sa pera. Kanina nung nandito pa si Mama kahit 5 na, hindi ko alam kung bakit.)

I found wheat bread, cheese, left over ham from this morning and lettuce. I guess I'm making a sandwich then. Kumuha na rin ako ng mayo. Tinoast ko ang wheat bread at pinainit sa Microwave ang ham. Habang nag-iinit ang ham at nagtotoast yung wheat bread, nag-slice na ako ng cheese at lettuce. Kinuha ko na ang wheat bread sa toaster at pinahiran iyon ng mayo tsaka linagyan ng lettuce, cheese, ham atsaka cheese at lettuce ulit at nagtimpla na rin ng juice. Kumain na ako. 

Nung busog na ako't nahugasan ko na ang plato, umakyat ulit ako at nagsimula mag-aral. Maya-maya nag-ring yung phone ko. Ngayon tawag na talaga.

"Hello?"

[Anak.]

"O, Ma? Napatawag ka po?"

[Kayo na muna ni Gina sa bahay ngayong gabi, magluto ka na rin. Mag-oovertime kasi ang Papa niyo sa Firm nila't umaga na yun makabalik at ako naman, mga 11 o sa umaga na makabalik, pagkatapos kasi nito, pupunta ako sa Lolo't Lola niyo just to check on them, matagal-tagal na kasi akong hindi sila nabibisitahan. Wag mo na kaming hintayin bukas, okay?]

"Sige po, bye Ma."

[Bye, anak!] 

Binaba ko na ang phone and went downstairs to the living room. 

"Hey, Gigi."  I greeted Gina.

"Hi, Ate Ki."  She said mindlessly, still focused on the movie she's watching. 

"Sabi ni Mama tayong dalawa lang raw dito hanggang bukas."  Napatingin si Gina sa akin pero saglit lang kasi binalik niya ng tingin sa movie. 

"Bakit raw?"  Aniya.

"Si Mama pupunta kina Lolo tapos si Papa naman mag-o-OT."  I said matter-of-factly at tumango-tango lang si Gina. 

"Ge."  Ang mean naman ng lil sis ko!

"Ano gusto mo for dinner?"  Sabi ko habang naglalakad patungo sa kusina.  Tutal 6 naman, magluluto lang ako tapos iinitin na lang namin kapag gutom na kami. 

"Sinigang na lang."  Sigaw ni Gi sa sala. 

"Okay."  Pabalik kong sagot.

Nagsimula na akong magluto. Pagkatapos nun, linagay ko iyon sa fridge at pumanhik na pabalik sa taas. 

Time Check: 6:3O

Medyo madilim-dilim na rin. Nag-aral lang ako saglit tapos in-on ko na yung laptop ko. 

I opened my Wattpad and Facebook,accounts. Ganito yung ginagawa ko kapag bored na ako. 

Pumunta na ako sa News Feed ko sa FB

Angeline Cruz

    Ang saya ko! Hnd ako kasali sa princess churva na 'yun! ---- feeling happy. 

Earl Salvadorre is feeling in love.  

Bea Rivera 

     Syet. Kung magtataksil ka lng, sna yng mas mgnda pero fudge lang! Ang panget niya! Nkk-inslto! Bwiset. --- feeling furious.   

Nag-scroll down lang ako. Pakingtape, walang ka-sense sense yung mga post nila dito e. Puro love, love at selfies. At si Angie naman, nagpaparinig. 

I was scrolling down the News Feed when a certain name caught my eye. 

Clyde Hernandez 

      Mgnda ba dun sa Royalty High? Pasok na ako bukas e, late transferee. Pro sriously, mgnda ba dun? -- feeling curios. 

Nakalagay iyon sa status niya. Madaming nag-like at nag-comment.

OMYGOSH! Dream come true ba 'to? Ang long-time FB-crush ko ay lilipat sa school ko? GAAAH! At hindi lang yun! BUKAS NA! BU-KAS! KYAAAAAH ~ ! 

Oo na, oo na. Ako na ang hopeless romantic. Sorry naman. Pero tang ng juice naman! BUKAS! Syet!

GAAAH ~ ! Nag-spaspazz ako ngayon. Si Clyde Hernandez na stina-stalk ko lang sa FB? Si Clyde Hernandez na uber gwapo? Si Clyde Hernandez na long-time crush ko na? Si Clyde Hernandez na nakikita ko lang sa FB? Si Clyde Hernandez na hinding-hindi ko pa nakakausap dahil sa hiya? Si Clyde Hernandez na kaedad ko lang? Si Clyde Hernandez na crush na crush na crush ko? Si Clyde Hernandez na... na... Ah basta! SI CLYDE HERNANDEZ! 

Pabalik-balik ko lang binasa 'yun. Hindi ko na namalayan ang oras ng may kumatok sa pinto ko. 

"PASOK!"  

"Ate Ki,"  Si Gigi lang pala,  "hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako."  Naka-pout pa siya. 

"Sige. I-ooff ko lang 'to. Initin mo ang snigang, nandun sa fridge."  

"SIGEEE ~ !" Lumabas na siya't pumunta sa kusina. Marunong naman yun sa kitchen appliances sa bahay, malamang alam niya kung paano uminit ng pagkain kaya hindi na ako nag-worry.

Binasa ko one last time ang status niya at in-off na 'yun. Naglakad na ako patungo kusina at hinanda ang plato.

"Okay na ba yan, Gi?" 

"Yup."  Pumasok na siya sa Dining Area at pumasok naman ako sa kusina para malagay yung Sinigang sa bowl. 

Pagbalik ko nandun na si Gina na nakahawak sa kubyertos na at readying-ready kumain. 

"YEY! PAGKAEEEN!"  Napailing na lang ako sa pagka-PG ni Gina. Buti 'di tumataba ito.

*

Nung tapos na kami kumain at tapos na akong manghugas ng pinggan, pumanhik na kami ni Gina sa aming mga kwarto. 

Pagkahiga ko, naalala ko ang status ni Clyde. 

BUKAS NAAAAA ~ ! My spazzing was put to an end by a text message. 

Princess Academy (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon