Ang tagal nilang hindi nagkita five? Six? Seven years? Naglakbay ang mga mata niya dito. He's still the same mas naging matured nga lang ito.
"Nandito ka na pala, uhhmm kelan pa?" nahihiya siyang ngumiti dito. Ang huling kita niya dito ay noong bago ito umalis ng bansa.
Tinulungan muna siya nito sa pagpulot ng mga gamit na nalalaglag mula sa kanyang bag. "Here." Inabot nito ang lalagyan ng kanyang make up. Agad niya naman itong kinuha at nilagay sa bag. "1 week ko palang dito." Tumingala ito sa building sa kanyang likod. "Diyan ka nagtratrabaho?"
Ay hindi napadaan lang. Gusto niyang isagot dito ngunit pinigil niya ang dila. "Oo" Hindi niya maiwasang mapapikit ng malanghap niya ang amoy nito. Gamit parin pala nito ang paborito niyang pabango. Mukhang naging bigatin lang ito base sa suot nitong damit. Engineer ba naman ito sa Saudi. May asawa na kaya ito? Anak? Wala naman siyang lakas ng loob magtanong dito.
"Ah si---ge" ni hindi nga niya alam paano mag paalam dito. Awkward.
"Sandali!" napakamot ito sa batok.
Napakagat labi si Kate para pigilan ang ngiting nais sumungaw sa mga labi. Ang cute parin nito kapag nahihiya. Narinig niya ang pagtikhim nito.
"Do you want to grab a cup of coffee? For old time sake?" nanantyang tanong nito.
Wew, for old time sake? Doon na siya tuluyang natawa. "Mahiyain ka parin?"
Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa mga labi nito. Lumabas tuloy ang maliit nitong biloy sa kaliwang pisngi
"Maganda ka parin naman, in fact, mas gumanda ka pa."
Ibinalang niya sa ibang direksyon ang mukha. Bukod sa pag iinit ng kanyang pisngi hindi niya kinayang salubungin ang titig nito.
Mali man ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig. Kelan ba siya huling sinabihan ng asawa na maganda siya? Napasimangot siya ng maalala ang mister. Wala naman sigurong masama kung sumama siya dito. Gusto din niyang makibalita kung anong nangyari sa buhay nito. Magmula kasi ng pumunta ito ng Saudi ay bigla nalang itong hindi nagparamdam.
Natagpuan ni Kate ang sarili sa Coffee shop sa kabilang bayan "Kinasal ka na pala?"
Muntik ng masamid sa kape si Kate ng marinig ang tanong nito. Pinunasan muna niya ng tissue ang labi bago sumagot "Oo, two years ago." pilit siyang ngumiti "I--kaw?"
Namumulang ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin dahil ramdam niya ang init ng titig nito. Wala sa sariling pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok. She felt conscious so sudden.
"Wala pa akong asawa."
Mahina nitong sagot ngunit tila bombang sumabog sa kanyang tenga. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito
"Joke?"
Natawa ito ng mahina. "Hindi naman ako basta-basta makakahanap sa Saudi, bawal doon"
Wala sa sariling napahigop si Kate ng kape. "Akala ko---"
Biglang kumabog ang kanyang dibdib ng malungkot itong ngumiti at tumitig sa kanya. Napatikhim tuloy siya.
Napatingin si Marco sa relo sa bisig nito "Gabi na pala, hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?"
Napatingin din tuloy si Kate sa kanyang relo 7:30pm na pala. Napailing siya "Nasa ibang bansa siya."
Napatango tango ito "Ahhhhhh uhmmmm" pansin niyang tila nakahinga ito ng maluwag. "Okay lang ba if we exchange numbers?"
Natigilan si Kate, exchange numbers? Okay lang ba? Pag uulit niya sa isip. Wala naman sigurong masama kung ibibigay niya dito ang numero. Makikipagkumustahan lang naman siya sa lalake. "0995—"
Natawa ito "Wait lang..." inilabas nito ang cellphone. "go on" napangiti ito ng maluwang ng tuluyan na nitong nai-save ang kanyang cellphone. "Okay lang naman siguro makipagkumustahan paminsan minsan?"
Kate nodded "Oo naman!"
"So hatid na kita?"
Ngumiti siya dito "Natatandaan mo pa ba ang bahay namin?" pabiro niyang saad sa lalake.
"Tandang tanda ko pa." He recited her address.
Hindi tuloy niya maiwasang mapahalakhak
"Sa terminal nalang po kuya." Pabirong saad biya sa lalake. Baka mamaya kung ano pang sabihin ng tao sa kanya. Sigurado kasi siyang kilala parin ito sa bahay nila.Bahagya itong yumukod "Masusunod po ate. Uhmm pwede bang makipag kita kapag hindi ako busy at may free time ka?"
Napangiwi si Kate "Ate ka diyan!" Mas matanda kasi ito ng five years sa kanya "Ewan ko sayo kuya."
D*mn! His offer was tempting! Napapikit siya ng mariin. Heto na naman siya sa wala naman sigurong masama kung papayag siya. "Si----ge."
Napasabunot si Kate sa ulo matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone. Bakit siya pumayag? She knew it wasn't right!
May asawa siyang tao pero makikipagkita ulit siya dito? Bahala na.
Mag uusap lang naman sila.
Kung mag uusap lang sila bakit pumayag siya?
Pumayag siyang sumama sa silid na ito.
Bumalik siya sa kasalukuyan ng maramdaman niyang mas humigpit ang yakap nito sa kanya.
"Bakit gising ka pa?" paos na boses na tanong nito.
Marahan niyang hinaplos ang likod nito "Don't mind me, matulog ka na ulit." muli itong napapikit at maya maya pa ay rinig na niya ulit ang mabining hilik nito.
Lumipas ang mga araw tuluyan na siyang nalulong sa kaligayang tanging si Marco lang ang nakapagbibigay. Ang isang beses na pagkikita ay nasundan. Ang isang pagkakamali ay naging paulit ulit.
Bawat pagkikita ay napupuno init na pinupunan ang malamig na espasyong iniwan ng aking asawa.
Napakislot si Kate ng marinig ang tunog ng cellphone. Maluwang ang ngiti sa mga labing agad ko itong dinampot. Ngunit biglang kumabog ang dibdib niya at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan ng tumatawag. Tumikhim siya para pakaswalin ang boses.
"Hello"
"Love uuwi na ako!" excited nitong balita sa kabilang linya. Bigla siyang naninigas "ha?"
"Uuwi na ako, I already have my ticket with me"
Mas lalong nagwala ang dibdib niya sa kaba. Nitong mga nakaraang araw ay ramdam niyang bumabawi ang asawa. Kung dati ay hindi ito nagpapaalam sa mga pupuntahan ngayon bawat galaw ang sinasabi nito sa kanya. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?
Kinakain tuloy ng konsyensiya ang kanyang buong sistema. Pakiramdam tuloy niya isa siyang napakasamang babae.
Napalunok si Kate tumikhim para matanggal ang bara sa kanyang lalamunan "Ke—lan?"
"Friday this week."
"Ahhh."
Rinig niya ang malalim na paghugot nito ng hininga sa kabilang linya "Bakit parang hindi ka excited?"
Napatikhim siya at pilit na pinakaswal ang boses "na—uhmmm nabigla lang ako. Akala ko next year ka pa uuwi?"
"Napag isip isip ko madami na ko pagkukulang sayo Love, kailangan kong bumawi." Puno ng sinseridad ang tinig ni Anthony.
Tulala siya matapos ang pakikipagusap sa asawa. Hindi niya alam kung anong gagawin, kung anong dapat sasabihin dito.
Paano si Marco?
Kapag nalaman ba ni Anthony na nagloko siya mapapatawad ba siya nito?
Naghihinang unti unti siyang napaupo.
What will you do now Kate? Untag niya sa sarili.
Dumating na ang araw na kanyang kinatatakutan. It's time to face the consequences!
Biglang nanikip ang kanyang dibdib. Kakayanin ba niya?
BINABASA MO ANG
Forbidden (Short Story Completed)
Короткий рассказThey say people do foolish things because of love. In fact, I often hear the words, "nagmahal lang ako!" Is that a valid a reason? Then suddenly... Destiny played on me, I know it's forbidden, but d*mn." Nagmahal lang ako!" Is that already a vali...