Forbidden - 4

5.4K 104 0
                                    

Magdamag na hindi siya nakatulog, pinag-isipan niya ang disisyong gagawin. Masakit man kailangan niyang gawing tama ang lahat. Ito nalang ang magagawa niya para makabawi sa lahat ng kasalanan niya.

Kinaumagahan nakipag kita siya kay Marco.

"Uuwi na siya." pabulong na saad niya dito.

Agad nitong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Kitang kita niya ang sakit na sumalakay sa mga mata nito. Mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

"Marco I'm sorry." halos hindi na niya marinig ang sariling boses dahil sa hina ng pagkakabigkas niya. Unti unti siyang pinangangapusan ng hangin dahil parang pinipiga ang kanyang dibdib. Ang sakit! Mahal niya ang binata ngunit alam niyang mali. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng luhang nag uunahang pumapatak sa kanyang pisngi. Tumaas ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi nito "Maha-l kita, alam mo yan." her voice cracked. "Pe-"

Naputol ang sasabihin niya ng huliin nito ang kanyang kamay gamit ang dalawang palad nito at dinala sa mga labi
"Kate I love you. Mahal na mahal. Tanggap ko kahit na pangalawa lang ako." Namumula ang matang saad nito. Halata na niya ang pagkabasag ng boses ng binata.
"Just---" pumikit ito ng mariin at hindi nakaligtas sa kanya ang pagtakas ng butil ng luha sa mata nito "don't leave me." Nagmamakaawa nitong saad. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit.

T*ng ina gusto niyang magmura ng paulit ulit dahil sa sakit na nararamdaman. Kung magiging makasarili siya at siya ang masusunod hinding hindi niya ito iiwan. Pero bali-baliktarin pa niya ang mundo kasal na siya. Sa mata ng tao, lalong lalong na sa mata ng Diyos ay mali. At ang mali ay kailanman hindi magiging tama.

Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito at marahang tinulak. "Marco look," inilagay niya ang dalawang kamay sa mukha nito upang salubungin ang mga mata ng binata. Both of them have tears rolling down their eyes.

"It's unfair, lalong lalo na sayo. I love you, you love me. Pero hindi ako ang babaeng para sayo." Pilit niyang pinapatatag ang damdamin pero sa totoo lang wasak na wasak na siya dahil sa sakit. "Find someone who can be with you all the time. Who can show the world how much she loves you. Hindi katulad kong patago." Kinagat niya ang panandali ang labi para pigilan ang hikbing nais umalpas doon. "Find someone na mas bagay sayo. Alam ko makakalimutan mo din ako."

"No!" mariin nitong pagtutol kasabay ng sunod-sunod na pag iling.

"You are the one for me."

"Shhhhhhh, please Marco, let's end this, nakikiusap ako."

Hindi na niya kayang pigilan ang sarili tuluyan na siyang napahagulgol matapos bitawan ang mga salitang iyon. Unti unti siyang humakbang paatras dito. Bawat paghakbang paatras pakiramdam niya hinahatid siya sa kanyang kamatayan dahil sa sakit.

Mahal niya si Marco, sabi nila ang pagmamahal daw ay hindi makasarili.
They we're right.
Ginagawa niya ito para sa binata. Kailangan niya itong palayain kahit na masakit dahil alam niyang merong babaeng mas nararapat dito.

At hindi siya iyon.

He want Marco to have his own family. Na ipinagkait nito sa sarili dahil sa kanya.

You did right Kate.

You did right the right thing. Paulit ulit niyang bulong sa sarili. Habang mabibigat ang mga hakbang palayo sa binata.

Kailangan niyang panindigan ang tama. Kahit gustong gusto na niyang huminto at tumakbo pabalik dito.

Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi sa bahay nila ng gabing iyon. Bakit ba kailangang maging ganitong kakomplikado ang lahat?

Forbidden (Short Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon