SOPHIA'S POV ~
Nagising sya kinagabihan dahil sa naririnig na boses sa labas pintuan ng kanyang kwarto.
"Manang ikaw muna ang bahala kay Pia. Ayaw ko mang umalis ay kailangan dahil mahalaga itong bussiness trip ko. Hindi ko na sya gigisingin, magtetext nalang ako" Wika ng kanyang Mama. Iiwan na naman sya nito.
"Sge! Mag.iingat ka" Sagot ni Manang Lucille.
Naluha na naman sya. Wala si Ryle para samahan sya, wala ng Ryle na magluluto ng breakfast nya, wala ng Ryle na maghahatid sa kanya sa eskwelahan, wala ng Ryle na hihintayin syang makatulog bago sya iwan at umuwi sa kanilang bahay. Wala na si Ryle sa buhay nya ;(
=====∞=====∞=====∞=====∞===
Ako si Sophia Villa, 18 years old. Third year ako ng maging boyfriend ko si Ryle. Maaga po akong lumandi. Perfect ang salitang magagamit ko para idescribe ang relasyong meron kami pero hindi na ngayon. :(
Grade 4 sya ng iwan sila ng kanyang Papa. Ang Mama nya ang nagmamanage ng mga bussiness nila kaya lagi syang naiiwan sa bahay kasama si Manang Lucille, ang kayang pangalawang Ina. Lagi nalang syang nag'iisa kaya nagpapasalamat sya dahil nakilala nya si Ryle na laging nandyan DATI para sa kanya at ang kanyang bestfriend na si Cassandra.
Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok si Manang Lucille.
"Hija gising ka na pala. Umalis ang Mama mo at may bussiness trip daw sa Hong Kong magtetext nalang daw sya sayo. Gutom ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo" Paliwanag nito at naupo sa gilid ng kanyang kama.
"Di po ako nagugutom Nay" Sagot nya dito.
"Kuu. Ikaw bata ka, kaninang maga ka pa hindi kumakain. Magagalit si Ryle nan." Napatingin sya dito at nagbabadyang tumulo ang luha.
"Naku! Naku! Ang daldal ko talaga Nak. Tara kumain tayo. Nagugutom ako" Nagpapanic na wika nito habang binabatukan pa ang sarili. Napangiti nalang sya dito.
"Kaw talaga Nay. Sge po kakain ako" Nakangiting wika dito. Naalala nya si Ryle, tama si Manang magagalit ito pag hindi sya kumain.
∞∞∞
Pagkatapos kumain ay umakyat sya sa kwarto at nagbukas ng computer. Nagbukas sya ng sikat na social network ang facebook.
Sinubukan nyang isearch ang boyfriend ngunit hindi nya naren yun makita. Ganun ba kalaki ang galit nito sa kanya at talagang inalis na sya nito sa buhay nya?
Hindi na naman nya napigilan ang luha, madedehydrate na sya sa kakaiyak! Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinext si Cassandra.
To: Best Cassey ;)
Best can you come here? I need you ;(
Maya maya ay nagreply ito.
From: Best Cassey ;)
I'll be there in 10 minutes. Pauwi palang ako.
Magkatabi lang ang subdivision nila. Nakipagdate na naman sguro ito kaya ginabi na sa pag'uwi. Total opposite sila ng kaibigan pagdating sa pag-ibig kung sya ay seryoso para dito ay playtime lang ang relationship. Never itong nagseryoso kahit kanino dahil bata pa daw ito samantalang sya ay naniniwala sa mga fairytale at truelove at sa labing walong na taon sa mundo ay si Ryle pa lamang ang minahal nya.
Makalipas ang sampung minuto ay basta na lang ito pumasok sa kanyang kwarto at nakapantulog narin.
"Hoy! Bakit ganan yang mata mo? May sakit ka ba? Ang pangit mo ha. Bakit di ka pumasok? Dito ako matutulog" Sabi nito at nahiga sa kanyang kama.
Tumayo sya at pinatay ang computer. Naupo sya sa kama habang dala dala ang kanyang laptop at inabot dito. "Ang ingay mo. Best buksan mo yung FB mo dyan"
"Oh My! Best may sakit ka nga? Nagpapahiram ka ng laptop e" Sabi nito at dali daling nagsign-in.
"Tingnan mo nga kung friend mo pa si Ryle" Utos nya dito. Agad naman nitong sinearch iyon.
Nakatingin lang sya dito at kitang kita nya kung pano ito nagulat.
"Anong meron?" Tanong nya dito at lumapit. Bigla namang sinara nito ang laptop at lumayo sa kanya.
"W-wala. Wala. Teka! Teka lang! Di ko na sya friend." Sunod sunod na wika nito habang inaagaw nya ang laptop dito.
At dahil payat ito ay naagaw nya iyon dito at tiningnan ang tinatago nito.
Parang sinaksak ang puso nya sa nabasa. May nagpost sa wall nito ng I love you. Binuksan nya ang facebook ng babae at nakita kung gaano ito kaganda. Pareho ng unibersidad ang dalawa at parehong 3rd year college. Bagay na bagay ang mga ito kung itsura ang pagbabasehan dahil kumpara sa babae ay napakasimple niya. Yun ba ang dahilan ni Ryle kung bat ito nakipagbreak? Nagsawa na ba ito? Bakit?
Ubos na ubos na ang luha nya. Isang araw palang pero pagod na pagod na syang umiyak. Unang araw palang pero di nya na kinakaya.
Paano pa sa mga susunod na araw?
=====∞=====∞=====∞=====∞===
Sette ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/11948610-288-k324903.jpg)