M P H 6 [He's Back]

272 5 0
                                    

CHAPTER 6

CINDY’S POV

Tapos umalis na ako, pupuntahan ko sila kuya namimiss ko na sila eh

Im sure nasa SMent office yung mga yun nagpapractice ng comeback showcase nila

Habang nagmamaneho ako napansin kong ang daming couples ang naglalakad, I stopped because the traffic light went red

Habang naghahantay ako ng green light pinagmamasdan ko sila naalala ko tuloy yung sinabi ni Tiana sakin at yung sinabi din ni Sister sakin kanina

Siyempre kung may mommy dapat may daddy!

Napaka swerte rin ng lalaking paglalaanan mo ng iyong pagmamahal

Napailing na lang ako sa mga naalala ko, ayoko pa masyado pang masakit yung mga nangyari sakin. Natatakot pa ako

*BEEP BEEP*

I went back to my senses ng marinig ko yung pagbusina ng mga kotse sa likod ko, tumingin ako sa stoplight at naka-green na pala kaya nagdrive na ako ulit

Buti na lang at tinted ang bintana ng kotse ko

Nang makarating ako sa building nagpark nako at pumasok na sa loob

“Miss teka!” napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng guard

“Miss san po ang punta niyo?” tanong niya sakin

Napatingin ako sa kanya hindi pamilyar yung mukha niya bago siguro siya dito

“May bibisitahin ako, yung mga kuya ko” sabi ko sa kanya

“Ha? Eh miss pasensya ka na hindi ka pwede pumasok”

Napakunot naman yung noo ko

“Bago ka ba dito?” napakamot naman siya sa ulo niya

“Kaya naman pala di mo ako kilala, kapatid ako ng EXO at nandito ako para bisitahin sila”

Yung itsura niya parang di makapaniwala sa sinabi ko

“Pasensya ka na talaga miss pero hindi kita pwedeng papasukin baka kasi isa ka lang sa mga Sasaeng nila”

Napabuntong hininga ako, lumingon ako at saktong nakita ko si kuya Henry

“Kuya Henry!” sigaw ko kaya napalingon naman siya sa direksyon namin ng guard

Lumakad siya papunta samin

“Oh Cindy andito ka pala, bibisitahin mo ba ako?” sabi niya at ngumiti ng nakakaloko, inirapan ko lang siya

“Eh sir kilala niyo po siya?” tanong nung guard

“Oo teka hindi ka ba nasabihan na isa siya sa kapatid ng mga talents dito?” tanong ni kuya Henry

“H-hindi po eh”

“Sabi sayo eh kuya ko nga EXO” sabi ko sa guard

“Pasensya na maam nag-iingat lang po ako” sabi niya at nagbow

“Nah. It’s alright your just doing your job keep up the good work basta next time na bibisita ako wag mo na akong harangin ah” agad naman siyang tumango at umalis na

“So what brings you here?” tanong ni kuya Henry

“Eh kasi sila kuya they’ve been really busy that they can’t even stay with me at home kaya naisipan kong bisitahin na lang sila”

Must Protect Her (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon