M P H 12 [Gon' Wild: Part One]

215 5 0
                                    

CHAPTER 12

CINDY’S POV

“Hatid na kita Cindy”

“Wag na may pupuntahan pa ako eh”

“Sigurado ka?”

Nginitian ko na lang si Bam Bam

“Sige mag-iingat ka ha”

“Opo, sige na para makapagpahinga ka pa”

Tumango na lang siya at hinalikan ang noo ko saka umalis

Nang masigurado kong nakaalis na siya ay lumabas na ako ng restaurant para puntahan siya

Pagkarating ko sa tahimik na park ay walang ibang tao kundi ako lang, umupo muna ako sa isang bench

Ilang minuto lang ay may nagsalita sa likuran ko

“Mabuti at dumating ka”

Napakalamig at lalim ng boses niya, nakakatakot

Tumayo ako upang harapin siya, isang lalaki ang bumungad sakin may magandang pangangatawan kung susumahin kasing edad siya ni kuya Xiumin

“Sino ka ba? At ano ang alam mo tungkol sa pamilya ko?”

Ngumiti siya ngiting napakamisteryoso

“Hindi mahalaga kung sino ako ang mahalaga ay kung sino ka nga ba talaga at kung sino nga ba ang mga kapatid mo?

Hindi ko siya maintindihan, all my life I knew my brother’s kaya imposibleng pagdudahan ko ang pagkatao nila

“Anong sinasabi mo?”

“Marami ka pang hindi alam tungkol sa kanila Cindy, kahit sa tunay mong pagkatao”

Nanatili akong tahimik pero hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mga mata niya

“Your whole life you know them as your family pero hindi ka ba nagtataka bakit ni isang litrato ng iyong ina ay wala kang nakita?”

Natatakot na ako sa maari kong malaman, ang sabi saakin nila kuya ay namatay ang parents ko sa isang car accident kaya si kuya Suho, kuya Kai at kuya Chen ang tumayong magulang ko noon

hanggang sa ipinakilala nila sa akin sila kuya Xiumin, kuya Luhan, kuya Baek, kuya Chanyeol, kuya Kris, kuya Lay, kuya Dyo, kuya Tao at kuya Sehun bilang aking mga kapatid na nakakatanda

“Sigurado ka bang may magulang ka?”

Napaatras ako ng lumapit siya sa akin

“Hindi, hindi dapat ako maniwala sayo! You’re a liar!”

“Ako nga ba ang sinungaling dito Cindy?”

Ano ba talaga ang katotohanan? Sino nga ba ako?

Napatigil ako sa pag atras dahil puno na ang nasa likod ko wala na akong maatrasan pa

“Don’t be blinded by the lie Cindy”

Hinawakan niya ang balikat ko ng ilang segundo at pakiramdam ko nanlalambot na ako

Bahagya siyang umatras at tinitigan ako ng walang emosyon

“You’re the one to repay what your brother’s had done to me”

Matapos niyang sabihin ang katagang iyon ay bigla na lamang siyang naglaho

Must Protect Her (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon