Chapter 2 - Old Memories (part 2)

124 6 0
                                    

Sa bahay ni Kenzo...

"Talaga bang aalis na kayo bukas at tuluyan ng titira sa Canada?" nag-aalalang tanong ni Lilya

"Oo dun na kami titira." malungkot na sabi ni Kenzo habang nag-aayos ng mga laruan

"Eh kelan kayo babalik dito?" -Lilya

"Sabi daw ni mama...pagnakatapos na ng kolehiyo si ate Keya." -Kenzo

Pagkatapos magligpit ni Kenzo ay lumabas sila ng bahay. Nung nasa labas na sila ng gate ay nakita nilang nagbibisikleta ang batang natamaan ng bola nung nakaraang araw.

"Pssst...Batang nakapulang nagbibisikleta...pssst" lumingon din ang bata "Diba ikaw yung natamaan namin ng bola?" tanong ni Lilya

"Hoy Lilya...ikaw lang ang nakatama sa kanya." bulong ni Kenzo

"Ganun pa rin yun." sabi ni Lilya habang papalapit sa pwesto nila ang bata.

"Oo...ako yung natamaan niyo ng bola. Nagkasaguta--- Este nag-uusap pa kayong dalawa kaya umalis na ako." sabi nang bata

"Phew! Totoong tao ka nga talaga. Akala ko mumu ka...Hayyy" sabi ni Kenzo with sign of relief

"Pasensya nga pala ha...ako kasi ang nakatama sa'yo nang bola...Ako pala si Lilya at eto naman si bakla" inirapan ni Kenzo si Lilya "AY sorry si Kenzo pala name niya...hehe"

"Okay lang yun. Ako naman si Daniel. Pasensiya na pero kailangan ko nang umuwi dahil hinihintay na ako ni papa... kakalipat lang kasi namin dito nung nakaraan araw." nagmamadaling sabi ni Daniel. Nagwave na lang sina Lilya at Kenzo.

Napatingin si Kenzo kay Lilya ng may kinuha ito sa bulsa niya at inabot niya sa kamay ni Kenzo.

(pakiplay po ng video sa gilid ---->)

"Lucky charm mo yan...binili ko nung malaman kung aalis ka na. Kaya bakla! Ingatan mo yan ha." Sabay taas ng kilay ni Lilya pagkasabi nun. Tiningnan ni Kenzo ito. Isang kuwintas panlalaki na metal at may letrang 'L' sa gitna.

"Bakit L?" inosenteng tanong ni Kenzo ?.?

"Para lagi mo akong maalala doon." nakangiting sabi ni Lilya. ^__^

"Salamat dito Lilya." itinaas ni Kenzo ang kuwintas at ngumiti. ^___^

Kinabukasan...

"Kenzo mag-iingat ka doon ha *sob sob sob* hihintayin kita at pagbalik mo...ako naman ang mananalo sa soccer game natin sa susunod nating pagtutuus. Bakla *sob sob sob*" -Lilya

"Hindi ako bakla! WAH WAH WAAH" binatukan agad ni Lilya si Kenzo. May inabot namang kuwintas si Kenzo.

"Ano to?" nakita ni Lilya na isang heart-shaped na kuwintas na may letrang pink na 'K' sa gitna.

"Siyempre kuwintas...WAH WAH WAH!" binatukan ulit siya ni Lilya "Aray...WAH WAH WAH para maalala mo din ako...may picture natin yan sa loob.WAH WAH WAH Matagal ko na yan sanang ibibigay sayo WAH WAH WAH kaso--" napayakap na lang si Lilya kay Kenzo.

Lumabas ng bahay ang mama ni Kenzo para ilabas ang mga bagahe. Namaalan din ang mga magulang ni Lilya dahil magkaibigan din sila ng pamilya ni Kenzo at dahil magkatapat lang bahay nila. Lumapit ang mama ni Kenzo sa kanilang dalawa.

"Anak...aalis na tayo...nandiyan na ang taxi at naghihintay na si manong driver." mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Kenzo kay Lilya "Huwag mo nang sakalin si Lilya, anak baka hinda na siya huminga niyan" -mama ni Kenzo

"Ta----ma si--- mama--- mo--- uck uck Kenzo--- uck uck" tinanggal na ni Kenzo ang kamay niya.

"WAHHHHHH Lilya WAHHHHHH paalam na WAHHHHHH"

*Tugsh

"Hindi ako BINGI gets?!" sigaw ni Lilya

"Pasensya na...nadala lang ako sa emosyon ko." natatakot na sabi ni Kenzo at sumakay ng taxi.

"Pagbalik mo dalhan mo ako ng soccer ball ha" pahabol ni Lilya

"Pangakoooo" nagwave na lang si Kenzo at tuluyan nagn umalis ang taxi. Naghihinghal sa takbosi Lilya para habulin ito ngunit mas lalong bumilis ang taxi kaya tumil siya.

"Ano ba naman manong DRIVER! Nagi-emote pa po ako ng habol dito...tapos sinira mo lang ang DRAMA KO! UNFAIR KA!" sigaw ni Lilya at napaupo ito sa daan (Ang drama mo teh!)

----------------------------------------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------------------------------------

[A/N]

Ano kaya ang mangayayari sa landas ng magkaibigang Lilya at Kenzo? Tunghayan ang susunod na mga kabanata. Salamat po~! ;) {echos lang?echos?hehe...} :)

Kahit hindi po ganyan kalungkot ang kuwento...feel ko lang ilagay ang music kasi like ko po talaga ang SAKURA song ng Ikimono Gakari...hehehe!

Girlish Boy & Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon