Accidentally Taken
Ang mga araw ko ay lumipas na puno ng disasters at unimaginable life events. Two days after being on a detention was freaking me out. Heto ako ngayon umuupo sa ilalim ng puno malapit sa football field kasama si Hayley and explaining what had just happened on that day.
"Lilya...I felt sorry for you." Comforting words are the best for dramatic scenes in movies. Pero gusto ko yung lively na moment.
"Sorry ka dyan. By the way, nasan kaba during class dahil minsan ginigising mo ko?" sabi ko bluntly.
"Thanks for reminding me...you know. I'm excused because our club took pictures of the basketball players. They got in to the regionals~!" Kaya pala nakalimutan ako.
"Tara na nga dahil hapon na" Tumayo na kaming dalawa at nagpagpag ng aming palda. Habang naglalakad kami ay napatigil si Hayley.
"Uy, Lilya tingnan mo ho. Diba si TS yun?"
"TS?" inosenteng tanong ko.
*kring kring kring
Sinagot ni Hayley ang tawag niya at umiba ang expression ng mukha niya. Kahit naka-salamin pa siya.
"Lilya sorry...I gotta go. Si dad kasi, another blind date na naman ang dapat kong puntahan." Bakas sa mukha ni Hayley ang kalungkutan.
"Ok lang yan. Just turn them down ." Nakaalis na si Hayley at naalala ko na nakalimutan ko pala yung bag ko sa classroom. Humarap ako sa likuran pero biglang...
*bogsh
"Heeeyyyy!!!" Pagminamalas naman ho. Yung soccer ball na mukhang maglalanding na eroplano mula sa ere ay tumama sa ilong ko. Ako pa talaga ang hinahabol ng kamalasan. Naman ho! Biglang lumapit sakin ang isang lalaki ah si Adrianne pala. Pinahiran niya ng panyo ang ilong ko habang nakahandusay ako sa mga damo.
"Are you ok?" Pagkuha niya ng panyo niya eh may nakita akong dugo. Hindi ko na to kaya. Bigla na lang pumuti ang field of vision ko. Bye-bye world.
----------
"DUGO DUGO DUGOOO!!!!" Sigaw ako ng sigaw. Bumubuhos na pala ng maraming luha ang aking mga mata. Hindi ko rin pala namalayan na yinayakap ko na ang katabi ko.
"Hey!" sabi niya naman.
*blink blink blink
Tumahan ako and slowly looked up.
"So, when are you going to release me?" tanong niya. Napa-isip ako at yumuko at tumingin ako sa kanya ulit. Nagtilt pa yung ulo ko. Bakit kami nandito sa clinic?
"Can you take off your hands please?" Dugtong niya pa.
*blink blink blink
Lumapit ang mukha niya sakin. Kaya nabulabog ang isip ko at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya.
"Pa-pasensya na. Bakit pala nandito ako sa clinic?" Tanong ko sa kanya ng walang kamalay-malay.
"You forgot?" Hindi. Joke siguro nagpipinoy henyo po tayo.
Magtatanong ba ko kung obvious naman na. Sandali lang loading pa ko. I closed my eyes and remembered what happened. Then he spoke.
"Natamaan ka ng clubmate ko while we're playing soccer." he explained. "Sorry." Kaya pala.
"Marunong ka magtagalog?" Mukang nagpoker face siya. -_-
"Dahil ba galing America English agad?" Aba marunong sumagot.
"Owz??? Marunong ka pala niyan? Updated? Updated?" Napatingin siya sakin at umupo sa tabi ng clinic bed. Tahimik lang kami ng ilang saglit kaya nagsalita ako. "Salamat nga pala sa pagdala mo sakin dito. Baka kasi natuluyan na ko--" Sinira niya naman yung moment ko.
"na mawala sa mundo or mabaliw?" Aba! Binatukan ko siya kaya nagalit tuloy. "Are you sure that you're sorry?"
"Hindi po nagjoke po ako. Hmph! Kaw nga tong nagjojoke eh. Binabawi ko na ang sinasabi ko." Napatingin ako sa pader dahil nasa corner kami ng clinic. At bumulong ako sa aking sarili. "Gwapo nga naman pero makapal ang mukha...nagsorry na nga diba?"
"I heard it. May gusto kaba sakin?" Capital F-E-E-L-E-R~~
"Ano ka sinuswe? Porket gwapo gusto agad?" Nashock ata sa sinabi ko. Mahiya naman sana siya sa balat niyang porcelain. Mas maputi makinis pa nga sakin eh.
"Eh kung hindi gusto ano?" Desperado ata to na magkagusto ako sa kanya "Tibo ka noh?" Ano raw? Nabingi yata ako dun ha. "Look at your face. Kaninanasa reverse side pa yung cap mo sa ulo. Imbes na nakaschool shoes eh tennis yung suot mo, high-cut pa. Naka-fold ang sleeve. Yung backpack color black na may skull pa. How can you enter the school?" Nakakainis!!!
"Hindi porket may cap na nasa reverse side saulo, naka high-cut, nakatupi ang manggas, naka black na knapsack na may skull Tomboy agad noh. Salamat sa criticism PO ha." Umuusok ang ilong ko. High-blood na to buti nasa clinic na ko magpatinginna kaya ako ng BP kay nurse Rielle.
"WHAT THE HECK!!!" Biglang nataranta si Adrianne at lumukso sa clinic bed. Anyare? nagtago siya sa likod ko. Adrenalin rush po. Pero bakit naman siya magkakaroon ng adrenalin rush kung walang stimuli?
"Ano ang tinatago mo salikod ko?" Hahaha. Grabe hanep sa takot yung mukha.
"There's a cockroach under the bed."
"Ahahahaha!!! Grabe dahil sa ipis tumatalon ka. Ano ka ba high-jumper?...Ahahahaha!!! *oink!" Napatigil ako dahil parang baboy ang tawa ko kaya siya naman ang tumawa. Napahawak ako sa aking kandungan habang nakaluhod kami sa clinic bed.. Naalala ko tuloy na may doublemint box ako yung laruan na may plastic na insekto sa loob. "Bakla ka noh?!" Bigla siyang namula.
"Porket din ba takot sa insekto bakla agad?! May entomophobia po ako." Nag-PO pa siya. Gaya-gaya portion lang? At ano raw, En-en-entomo...ah basta. Lagot ka sa akin. Nakatalikod ako sa kaniya habang siya nasa likod ko nakahawak pa rin sa balikat ko. Humarap ako sa kanya.
"Heto doublemint oh. Magchill ka muna." Patay kang bata ka. Haha. Kinuha niya ito at akmang bubuksan na. Bwahahahahaha.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH" Grabe siya sumigaw ha. Whoo Intense! Naout-balance kami at napahiga sa paanan ng clinic bed.
*chup
Nakamulat ang aming mata na nakatingin sa isa't-isa habang nakadampi ang bibig niya sa aking bibig. Steady pa rin kami sa aming posisyon at narinig na bumukas ang pinto ng clinic. Tinulak ko siya.
"Walangya ka! PERVERT!" Kumaripas agad ako ng takbo. Papalabas ng clinic at pumunta sa classroom. Kinuha ko yung bag ko at tumulo yung luha ko. First kiss ko kaya yun. Ano na mangyayari sakin? Mabubuntis na ba ako? Dalagang ina na kaya ako? Pero kung nakakabuntis ang halik edi sana sobra pa sa trillion ang tao sa mundo plus pa kapag araw-araw nagkikiss yung mag-asawa at magsyota. Pano kaya ang mga homo? Siguro ikakasaya nila.
Mali pala analysis ko. Sorry misunderstanding. YES!!! Mali ako. Ok lang pala kaya ok na ako. Hay makauwi na nga sa bahay.
*******
A/N: Another GB&BG update. Tnx for reading it. Hope you liked it. :)
BINABASA MO ANG
Girlish Boy & Boyish Girl
Novela JuvenilThe turning point of the two of us...girlish boy & boyish girl... Let the race of pumping hearts begin! [A/N: Kung ayaw niyo po nang boring na story DON'T READ. Di JOKE LANG~!!!Tanga po ang writer kaya pagpasensyahan niyo na po...TNX sa magbabasa at...