Lilya's POV
Kailangan kong humingi ng tawad kay Adrianne na vaklush. Pagpasok namin ni Hayley sa classroom ay may nakita akong pulang pintura sa upuan. Gawa na naman siguro ng pinsan ni 'Patrick the Starfish'. Sino pa nga ba?! Edi yung starfish na si Victoria at ang apat niyang tagasunod na mga bebe. Ai mali pala ang isa ay assistant niyang si Butete.
Sana'y nako sa kanila dahil marami silang pranks na ginagawa noon simula nung napahiya sila nung Grade 5 kami. Minsan nga eh nagpapadala sila ng mga sulat gamit ang lipstick as medium sa pagsulat. Hindi ba sila nasasayangan sa lipstick?
May pagkakataon ding nabasa yung p.e. uniform ko ng tinta ng octupus. Taga-dagat nga sila talaga, ang lalansa.
Ang umaabala lang sa isipan ko ay...kung pano nila na unlock yun?! Nagpa-duplicate malamang. Bahala nga sila. Hmph!
Pero imposible yata dahil magkasabay lang kami kanina sa gate.
Lumapit bigla si Mikay na kakaklase ko. May dala siyang upuan.
"Sorry pala Lilya dahil natapunan ko ng pintura ang upuan mo kaya heto nalang gamitin mo." pinalitan niya ang upuan ko."…nakatisod kasi ako ka ni nasa paa ni Kent."
"May classmate ba tayong Kent?" wala namang ganung pangalan dito ha?
"Yung transfer student." sabi ni Mikay. Kent pala first name ni bakla? tumango nalang ako.
"Okay lang yun...aksidente naman yun.":) Sambit ko.
Binuhat ko ang aking upuan na may pintura para dalhin sa stockroom. Pagkalabas ko ay narinig kong nagsmirk si bakla nung papunta siya sa gawi ko. Ano kayang hangin pumasok dun? Carbon dioxide ba o oxygen? Baka helium. Hahaha! Mais con yelo na naman joke ko.
Pagbalik ko ay sakto ding dumating na din ang aming guro.
"We're going to start our class now, so please settle down." Intro palagi ng maestro kong terror sa geometry. Puro nalang ABC at numbers ang naririnig ko. Ansakit sa tenga!
***
Hay...at last natapos din ang klase sa buong araw. Hindi ako pinansin ni Bakla. Tuwing may vacant kasi wala siya sa kanyang upuan. Kahit nasa likod ko lang siya naka-upo walang presence niya ang na-vibes ko.
Nakikita ko lang siya sa malayo. Mabilis siyang tumakbo, nagpa-practice sila sa field ngayon.
At heto rin po ako sa sulok ng field ngayon nagsisipa ng bola. Eh adik nga ako sa soccer diba?! Magco-concentrate na nga lang ako sa pagki-kick ng bola gamit ang tuhod. Suddenly, me pumalakpak mula sa likuran ko. Lumingon ako at si...
"NICK!!! Ikaw ba yan?!" Tuwang-tuwa akong makita ang aking insan na si Harold Dominick. Magka-edad lang kami. Varsity player siya ng soccer kaya napili siya at pinadala sa America. Yinakap ko siya sa tuwa at nagtatalon pa ako.
"I came not to destroy but to save those who are in need I am Superman." umakto pa siya at inopen ang polo. Ang loko naka-Superman T-shirt sa loob.
"May damit nga na superman pero wala naman sa labas yung brief." Hahaha. Ngumiti ako ng malapad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Girlish Boy & Boyish Girl
Teen FictionThe turning point of the two of us...girlish boy & boyish girl... Let the race of pumping hearts begin! [A/N: Kung ayaw niyo po nang boring na story DON'T READ. Di JOKE LANG~!!!Tanga po ang writer kaya pagpasensyahan niyo na po...TNX sa magbabasa at...