Unexpected~

26 0 0
                                    

Tears are running down on my face.. I cant stop crying i still cant forget about him.. Everything that i do brings back the past.. I really cant forget about him ha ha he's so irresistable and that makes me love him so much even he didnt love me back

"Huh? San nanggaling to?" nagulat ako ng may makita akong panyo sa tabi ko

Tumingin ako sa paligid wala namang ibang tao kung hindi ako lang. Gabi na at nandito ako sa park kung saan huli ko siyang nakita at dito nagtapos ang lahat. Napaiyak nalang ako dahil naalala ko nanaman ang mga sinabi niya.

"Di kita mahal. Pinagpustahan ka lang namin ng mga kaibigan ko. Sorry Lynea. Sana mapatawad mo ako"

Kahit masakit ang sinabi niya na pinagpustahan lang nila ako. Napatawad ko na siya.. wala eh? Pag mahal mo ganon talaga. Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin di ko talaga akalain..

"LYNEA!! Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap nagaalala na kami sayo" niyakap ko naman siya bigla at napahagulgul nanaman

"Shhhh.. Tahan ng bessy.."

"A-ansakit padin kasi Bessy.. B-bakit n-niya ako iniwan.."

"Shhh wala na tayo magagawa don Lynea. Mabuti pa umuwi na tayo?"

Nakauwi na kami sa apartment namin. Kami lang dalawa dito dahil magcocollege nanaman kami kaya nakahiwalay na kami sa parents namin.

"Lynea.. Matulog kana ha? Wag mo na siya isipin Goodnight"

Napakasaya ko dahil nandyan ang bestfriend ko.. Nahiga nako sa kama ko at nagpagpasyahan ng matulog pero bago ako makatulog kinausap ko muna si Yeol habang nakatingin sa langit.. "Mahal na mahal kita Yeol.. sana masaya ka diyan.." kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagpatak rin ng ulan at nakatulog na ako dahil sa kakaiyak

"Bessy!! Una na ako ha? May pupuntahan pa ako eh. Kung aalis ka wag ka magpagabi ha? Bye!"

Nagising ako sa sigaw ni Yana sakin.. ughh ansakit ng ulo ko.. epekto ba to ng sobrang pagiyak? jeez..

Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Pagkatapos ay naligo,toothbrush at kung nagayos ng gamit tapos ay umalis nako sa apartment namin..

Nagtake out muna ako ng pagkain sa Mcdo at pumunta sa flower shop at binili ng white rose.. Pupuntahan ko kasi si Yeol ngayon..

"Yeol alam mo ba na miss na miss na kita kahit pa sinaktan mo ako mahal padin kita eh.. Sana iniwan mo nalang ako pero sana di ka namatay.. Di ko alam kung dapat ba sisihin ko sarili ko o sisihin yung nakasagasa sayo? Ikaw kasi eh kung di mo sinabi sakin yon edi sana nabubuhay ka pa at kasama kita ngayon" nandito ako sa puntod ni Yeol.. umiiyak ako sa harap ng puntod niya. Nagsisibalikan nanaman ang mga pangyayari.. ang simula naming pagkikita hanggang sa nagkatuluyan kami at ang pagkahiwalay namin ang masaklap pa don ay namatay siya the day after nung pagconfess niya na bet lang ang lahat.. Di parin ako tumigil sa pagiyak ng biglang humagin ng malakas..

"Yeol? Ikaw ba yan.. Wag mo naman ako takutin kahit umaga ngayon alam mo naman na matatakutin ako diba.. Pero kung ikaw nga yan sana naman naririnig mo ako mahal na mahal kita.. di ba pwedeng mabuhay ka ulit? nakakainis ka kasi ang bad boy bad boy mo naginom ka pa.. /sobs/"

Bigla nanaman ako nakakita ng panyo sa gilid ko.. Katulad nung panyo na nakita ko kagabi puting panyo na may pakpak yung isang heart.. Pinamunas ko nalang yon sa mga luha ko at tinago ko..

"Yeol, sorry at kailangan ko ng umalis ha? May pasok na kasi bukas at di muna ako makakadalaw sayo dito pero wag mong kalilimutan mahal na mahal kita"

Someone's POV

Araw araw ko siyang nakikitang umiiyak nahihirapan.. Gustong gusto ko man siyang tulungan pero simpleng pagbibigay lang ng panyo ang kaya kong gawin.. Kung makakabalik lang ulit ako.. Itatama ko na ang mali kong ginawa..

"Anak may problema ba?"

"Pwede po ba akong humiling Ama?"

"sige ano yon, Anak?"

Lynea's POV

First day of class and as usual nagkakagulo silang lahat.. May mga transferees nga daw eh.. Pero meron akong narinig na nagpatibok ng puso ko.. sa sobrang kaba na may halong kasiyahan

"Girl! May transferee daw na 6 footer tas ang laki ng mata niya pero super pogi daw"

"Onga daw! Pero sinasabi nila kamukha daw ni Yeol? Yung namatay last year.."

"Nakakatakot naman yon.. Kamukha niya?"

"Pero baka naman namamalikmata lang sila tara abangan natin nandon na daw sa may campus!!"

Napatakbo ako kung saan daw naroroon yung kamukha ni Yeol.. Di ako maaring magkamali na siya yon.. Nararamdaman ng puso ko na nagbalik na siya..

"omg siya yon?? Chan daw ang pangalan niya. Pero kamukha niya talaga si Yeol no?"

"Oo nga pero kabaliktaran ni yeol?"

"Posible papala yon? omg"

Bulungan nila habang naglalakad ako.. Hinanap ko naman yung tinutukoy nila.. Pero di ko nakita.. Baka naman nagiimagine lang ako ha ha ha.. Pumunta nalang ako sa tambayan namin ni Yeol dati at don ako umiyak

"Miss? Bakit ka umiiyak?" hindi ako tumingin sakanya at nakayuko padin..

"Eto oh panyo.. Baka kailangan mo?" inabot niya sakin yung panyo at umalis na siya

Nagulat ako dahil yung panyong binigay niya ay katulad nung panyong nakita ko sa park at sa puntod noon.. Di kaya siya yon?? Hinanap ko kung sino ang malapit ng tao sakin pero wala naman.. sigh ano na bang nangyayari sakin..

Hindi na ako nakaattend ng morning class at lunch na ngayon.. Pumunta nalang ako sa rooftop kung san kami lagi nakain ni Yeol.. sigh..

Biglang may kumatok at binuksan ang pintuan dito sa rooftop.. Wala namang ibang napunta dito ng gantong oras kaya tiningnan ko yung pumasok..

"Uy Miss? Ikaw pala yan. Ano ginagawa mo dito?" tanong niya sakin ng nakangiti.. Di ko alam kung nanaginip ba ako o talagang nandito siya sa harap ko..

"I-ikaw b-ba y-yan Y-y-yeol?" nauutal kong sabi dahil pinipigilan ko ang luha na may balak nanamang bumagsak

"Ako si Chanyeol.. Pero pwede na ding Yeol? hahaha" tumawa siya ng abot tenga di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya..

"Antagal ko ng hinintay na makita ka ulit Yeol.. Wag mo na ako iiwan pa.. Mahal na Mahal kita"

"Di na kita iiwan Lynea.. Hinding hindi ko na sasayangin ang isa ko pang pagkakataon mabuhay.. Mahal na mahal din kita"

Chanyeol's POV

"Ama pwede po ba ulit ako makabalik sa lupa? Babaguhin ko na po ang ugali ko.. Basta makasama ko lang si lynea at para di na siya masaktan ng sobra sobra.."

"Pagbibigyan kita sa hiling mo.. Basta kapag ikaw ay nagkasala ng humigit sa tatlo ay mawawala kana ulit sa lupa"

"Salamat po Ama"

Napakasaya ko at nabigyan akong muli ng pagkakataon na mabuhay at maitama ang mali kong nagawa kay lynea.. Nagsinungaling ako sakanya na pustahan lang ang lahat.. Dahil may mangyayari sakanyang masama pag tinuloy pa namin yon.. sa kasamaang palad ay namatay ako sa aksidente kinaumagahan.. At ngayon na kasama ko na ulit siya.. Hinding hindi ko na siya iiwan pa at ipaglalaban kita Lynea. Mahal na mahal kita.

~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon