Ang Aking Ina

55 0 0
                                    

Ako'y tutula, mahabang mahaba...

Ito'y aking handog sa aking iisang ina.

Siya ay binigay ng ating poong ama,

para tayo'y alagaan, idaan sa tama.

Para sa akin, siya ay mahalaga,

matalino't maganda, maalaga pa.

Ang aking ama, ay swerte talaga,

dahil nahanap niya ang aming ina.

Kahit siya'y magalit, ako'y naririto,

mamahalin ka ng lubos at puno.

Lahat ito'y totoo, hindi bola o loko,

Mahal ko ba siya? Ang sagot po ay opo!

Kahit kami'y pagalitan, ito'y nasa aking kaalaman.

Kami ay mahal niya magpakailan man.

Kapag kami'y sumisimangot, o magdabog man,

kahit kami'y pasaway, di niya kami iiwan.

Dito ko na tatapusin, ang munting tula,

sana ito para sa iyo'y kaaya-aya.

At sana matandaan mo, o aking ina,

na mahal na mahal kita, abot langit ang dama!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Compilation of My PoetryWhere stories live. Discover now