Part One: BeginningA lifetime with you feels like forever
But some of us, think and say, Forever is just a word; Forever doesn't exist.
And Lifetime does...?
-"Revianne! Bumaba kana. Kakain na tayo at baka malate ka pa!" pagtawag sakin ni Mama mula sa baba. Nagmadali naman na akong mag-ayos ng sarili at bumaba na para pumuntang kusina.
First day ng klase namin ngayon at kailangan ko na talagang magmadali at baka bungangaan pa ako ni Mama. Kasabay ko kasi sila ni Papa sa pagpasok. Hinahatid sundo nila ako sa school kaya wala akong time maggala hindi katulad ng ibang mga estudyante. Pero okay lang naman. Tipid pamasahe! Hehe.
"Good morning Ma! Good morning Pa!" bati ko sakanila pagkaupo sa harap ng mesa.
"Good Morning din anak!" masiglang bati sakin ni Papa at balik ulit sa pagbabasa ng dyaryo at higop sa kape. You know, typical na gawain ng mga tatay sa harap ng hapag.
"Good Morning din. Haynaku! Ikaw Byan anong oras kana naman bang natulog kagabi at tanghali ka nang nagising?" tanong sakin ni Mama. Si Mama talaga, OA! Tanghali e mag-6:30 palang. (Byan- nickname ko)
"Ma maaga pa po." maikling sagot ko nalang dito at tinapos na agad ang pagkain.
-
"Bye ma! Bye pa!" pagpapaalam ko sakanila at pumasok na sa gate ng school. G10 na nga pala ako ngayon.
"Revianne! Tara na sa room!" sigaw niya kasabay ng paghila niya sa kamay ko. Hyper as usual. Siya nga pala ang bestfriend ko, si Xylene.
Patakbo kaming nagtungo sa room. Kaya naman pagdating namin dun, inayos ko agad ang nagulo kong buhok. Nagmukha tuloy dinaanan ng bagyo yung buhok ko. Buti pa si Xylene, di gaano kasi naka-pony tail siya e pano naman ako, hindi man lang magawang mag-pony tail.
"Byan! Tabi tayo!" sigaw ng lalaking mas matangkad kesa sakin, medyo singkit at kung makangiti parang nasa toothpaste commercial, si Yandere. Kaibigan ko dito sa school, dito lang sa school kasi pagdating sa labas, snob. Tss.
"Magkatabi kami no!" sigaw dito ni Xylene. Well, wala ng nagawa si Yandere kasi hinila na agad ako ni Xylene paupo. Pangdalawahang tao lang kasi sa isang mesa. Yung parang mga mesa sa schools sa Korea.
"Pasalubong?" biglang sulpot ni Yandere sa kaharap naming upuan habang naka-extend pa ang kamay na parang namamalimos.
"Pasalubong? E hindi nga kami nagbakasyon sa ibang lugar. Nasa bahay lang ako." sagot ko dito habang inilalabas ang notebook ko na pagsusulatan ng schedule namin. Napanguso nalang siya at umupo na.
-
"Okay. Class dismissed."
Natapos na ang buong klase ngayon. Wala namang gaanong nangyari e. Yung palaging ginagawa lang naman kapag first day.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway kasama si Xylene. Kanina pa siya daldal ng daldal pero ni isa wala akong naintindihan. "-ano sama ka?" napatingin agad ako sakanya ng itanong niya yan. Sasama saan? Yan napapala ng hindi nakikinig e.
"Naku! Hindi ka na naman nakikinig no? Kawawa naman akong salita ng salita dito tapos yung kausap ko di pala nakikinig." sabi niya at nauna nang maglakad. Nagtampo naman agad.
Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad, "Sorry na. San ba kasi yang pupuntahan mo?" tanong ko dito nang mapatigil ko na siya.
Humarap naman siya sakin, "Wala akong pupuntahan. Ang sabi ko, sasama ka bang magboy-hunting bukas dito sa school. Andami daw mga bagong transferees na gwapo. Narinig kong pinag-uusapan nila Yanna." sagot nito habang naka-ngiti. Kapag gwapo talaga, napakatalas ng pandinig ng babaeng 'to.
Tumango nalang ako sakanya kasi kapag di ako pumayag. Mabilis pa naman magtampo ang bruhang 'to.
Nakalabas na kami ng gate ng school at nagpaalam na sa isa't isa. Sa kanan ang punta niya at sa kaliwa naman ako. Nakarating na ako sa hintayan ng jeep. Andaming estudyante! Siksikan sa jeep panigurado.
Nang may tumigil ng jeep, nag-unahan na ang mga estudyante sa pagsakay. Mga atat ng umuwi. Syempre ako hindi na ako nakipag-siksikan. Hinihintay ko nalang na makasakay ako---ng biglang may humila sa kamay ko paakyat ng jeep.
Nang makaupo na, tinignan ko kung sino ang walangyang basta-bastang nanghila sa kamay ko. Nagulat nalang ako ng makitang si Yandere pala. Ayun ang loko! Naka-ngisi.
"Hi Byan!" sabi nito sakin at kumaway pa. Napatingin naman samin ang ibang tao sa jeep na parang nagtataka kung bakit nagbabatian pa kami e nasa jeep lang naman kami, at kung bakit kumakaway pa ang mokong na katabi ko lang naman. Ilang years lang hindi nagkita ganun?
---
Author's Note: Hi Guys! Andito na naman ako. Manggugulo sainyo. Hahaha! Btw. Bagong story ito na ginagawa ko. Sana basahin niyo. :) Sorry sa typos at wrong grammars(kung meron man). Kung tingin niyo masyado 'tong cliche. Pasensya na! Di pa kasi ako masyadong marunong gumawa ng story. Free kayo magcomment :)
PS:I wrote this story to express not to impress.
-makeRyll
![](https://img.wattpad.com/cover/98173985-288-k570807.jpg)
YOU ARE READING
A Lifetime With You [On Going]
Novela JuvenilLIFETIME? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Katulad ba nito ang FOREVER? Na di nag-eexist? Paano natin malalaman na siya na ang makakasama natin for a LIFETIME? Kung hindi naman tayo naniniwala na meron ngang ganto? Puro katanungan, na nasa atin lan...