Part Three: Friends
Naramdaman ko naman ang pamumula ng mukha ko dahil dun. Ano ba kasing nakain ng lalaking 'to at napagtitripan ata ako ngayon?
Napatingin ako sa nagtatakang mukha ni Alyanna at ngumiti nalang. Nagtungo ako sa upuan ko at naglaro nalang sa cellphone ko---nang magsalita ulit si Yandere, "Hahaha. Joke lang! Tumakbo kasi kami kanina nung papunta kami rito sa room." sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast hindi na mag-iisip ng kung ano-ano si Alyanna.
Nagsidatingan naman na ang mga kaklase ko at ilang minuto lang ay nagsimula na ang klase.
-
"Revianne! Anong club ang sasalihan mo?" tanong sakin ni Alyanna. Bilang president ng klase, siya ang inutusang maglista sa kung anong club ang sasalihan namin.
Mabilis akong sumagot, "Journalists Club." Di ko naman na kailangang mag-isip ng club na sasalihan. Dati na kasi akong member ng Journalists Club.
Isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nung magpasukan. Madami na ring nangyari. Tulad ng lagi na kaming sabay pumasok ni Yandere, lagi niya rin akong pinagtitripan at inaasar. Kaya lagi ko rin siyang nasasabunutan at nababatukan.
Lumapit sakin si Yandere at inakbayan ako, "Anong club sinalihan mo?" pagtatanong niya. Inalis ko ang pagkakaakbay niya atsaka sumagot, "Journalists Club."
Napanguso naman siya, "Bakit hindi sa Sports Club?" tanong niya ulit.
"Ayoko dun. Bakit ba?" pabalik kong tanong sakanya. Tumalikod naman na siya sakin at akto ng lalabas ng room. Pero bago siya lumabas, may sinabi pa siya. "Para kasama kita at laging nakikita."
Eh?
Pinatawag ang mga members ng Journalists Club para sa meeting, sa Journalist Club Office kami pinapunta. Pagkarating dun, nakita ko sa dulo ng mahabang mesa ang Editor-in-Chief, gwapo pa rin siya hanggang ngayon. Crush ko yan simula nung G9 palang ako. Hihihi.
Siya na pala ang bagong EIC ng school paper namin. Nakita ko lang sa form na finill-upan ko. Nagsiupo na rin ang mahigit sa 15 na members ng club at nagsimula na nila kaming i-meet.
Nasa kalagitnaan na kami ng meeting nang may pumasok, "Sorry. Late ako." sabi nito.
Napatingin naman kami sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Yandere na kakaupo lang at hingal na hingal. Teka? Akala ko ba sa sports club siya?
Nahuli naman niya akong nakatingin sakanya kaya kumaway siya.
Natapos na ang meeting at naglalakad na ako palabas ng JCO ng tawagin ako ni Yandere, "Revianne! Hintayin mo 'ko!" sigaw nito. Napatingin samin ang ibang members ng JC kaya nginitian ko nalang sila.
Nang makalapit sakin si Yandere. Hindi ko na napigilang kurutin ang tagiliran niya. Ang ingay e!
"Aray! Bakit mo naman ako kinurot?" daing niya habang hawak ang parteng kinurot ko.
"Buti nga sayo! Wag mo kasing sinisigaw pangalan ko." sabi ko dito.
Ngumisi siya, "Tingin mo naman magiging famous ka dun." pang-aasar niya.
"Bakit nga pala nandito kana?" pag-iiba ko sa usapan.
"Wala lang. Trip ko dito e. Tsaka photojournalist kaya ako nung elementary." sagot nito.
"Di pa ba kayo lalabas? Lunch na o." biglang sulpot ni Mr. EIC sabay turo sakanyang relo.
Namula naman ako dun, kinausap niya ako! Ay kami pala.
"Palabas na rin kami. Sige a." sabi ni Yandere at hinila na ako palabas. Ugh! Panira.
Dumiretso na kami sa canteen para maglunch. Siya na ang um-order ng kakainin namin at ako na ang naghanap ng bakanteng table. Sa pinakagilid na table nalang ang bakante kaya dun na ako nagpunta.
Ang haba ng pila kaya mga ilang minuto pa bago nakabili si Yandere.
Nagsimula na kaming kumain nang maka-order na siya at mailapag na ang pagkain sa mesa. "Ahmm.. Can I sit here?"
Sabay kaming napalingon ni Yandere sa lalaking nakatayo sa gilid ng table. Si Mr. EIC!
Tumingin sakin si Yandere na parang humihingi ng signal kung papaupuin namin si Mr. EIC. Tumango nalang ako. Umupo siya sa tabi ko kaya naman hindi naging komportable ang pagkain ko. Nakakailang kasi! Ikaw kaya katabi mo yung crush mo sa pagkain? Di ka kaya maiilang?
"Matagal na ba kayong magkaibigan?" pambabasag ni Mr. EIC sa katahimikan.
"Oo Mr. EIC." maikling sagot ko dito.
Napangiti naman siya, "Mr. EIC?" nagtatakang tanong niya.
"Short for Mr. Editor-in-Chief." sagot ni Yandere. Napailing naman si Mr. EIC na parang nahihiya.
"Liam nalang." sabi niya.
"Ah sige Liam. Oo matagal na kaming magkaibigan." sagot ni Yandere sa tanong ni Liam.
"Great! Pwede bang friends na rin tayo?" masiglang tanong ni Liam. Friends? Hanggang dun nalang ba? Sad.
"Sige ba!" ngiting-ngiti na sabi din ni Yandere. Okay. Kayo na ang friends. Napatingin naman sila saking dalawa na parang naghihintay ng sasabihin ko.
"Ugh! Sige friends!" sabi ko at nakipag-shake hands pa kay Liam.
---
-makeRyll
YOU ARE READING
A Lifetime With You [On Going]
Novela JuvenilLIFETIME? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Katulad ba nito ang FOREVER? Na di nag-eexist? Paano natin malalaman na siya na ang makakasama natin for a LIFETIME? Kung hindi naman tayo naniniwala na meron ngang ganto? Puro katanungan, na nasa atin lan...