8

17 1 7
                                        

Rix

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahil sa kagustuhan ko pang matulog ay hinigpitan ko pa ang yakap ko sa unan. Takte antigas naman netong unan na to.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakangiting unggoy na katabi ko- TEKA ANO?!

"Goodmorni-" sa gulat ko nasipa ko ang bwisit na to dahilan ng pagkalaglag niya mula sa kama.

"ARAY! Ansakit! Bakit ka ba naninipa?! Aist!" Sabi niya habang nakahawak sa balakang niya at masama akong tinignan.

"Eh bakit ka ba kasi nakayakap sakin?! Bakit ako nakayakap sayo?! Bakit tayo magkatabi?! At tangina bakit wala ka na namang tshirt?!" Sunod-sunod kong tanong sakanya. Inis naman siyang napakamot sa ulo.

"Aist! Niyakap kita kagabi para kahit papano mabawasan sakit ng puson mo! Tska pasalamat ka nga di ko idinagan hita ko sayo eh! At malay ko bang nakayakap ka sakin? Wala akong alam kase tulog ako, bow!"

"Isa pa, magkatabi tayo kase diba nakikitulog lang tayo dito sa kubo nina manong Jerry?!" Pag-tatapos niya sa kanyang paliwanag. Ah basta nakaka ano to. Topless ampu

"Eh bakit nga wala kang tshirt?!"

Napatingin naman siya sa katawan niya at tumingin sa taas na parang nag-iisip. Napataas naman ang kilay ko sakanya habang naghihintay ng sagot. Aba bwisit toh, mamaya inabuso neto ang pag-tulog ko.

"Hmm nakalimutan ko kagabi mag-suot hehe" sabi niya at tumayo. Napa-iling na lang ako.

"Hindi ka ba nilamig?"

"Hindi. Siguro kasi yakap mo ko" sabi niya habang nakangisi at pataas-taas pa ang kilay. Aba paker to!

"Gusto mo sapak? Yakap mo mukha mo tsk" sabi ko at tumayo. Maka-labas na nga. Baka mamaya tanghali na pala jusko.

"Grabe siya oh" narinig kong bulong niya at sumunod sakin.

"Magandang umaga mga anak" nakangiting bati ni manang Fe saakin

"Magandang umaga rin po sainyo manang" sabi ko at nginitian siya pabalik

"Asaan po si manong Jerry?" Tanong ni Baek. Aba buti naman at may tshirt na. Uupakan ko talaga toh.

"Ah umalis na siya. Maaga siyang pumapasok. Tara at mag-almusal na tayo" sabi niya at tumango kami.

Pagkatapos kumain ay nakiligo kami at nag-ayos na para makalarga na kami pauwi. Pero dahil sa sadyang KILOS BABAE 'tong isang ito naghintay pa ako ng isang oras. Hucha ano ba ginagawang kaeng-engan non?



Baekhyun

Naka-focus lang ako dito sa ginagawa ko. Ang ganda talaga! Pak-

"HOMAYGHUD!" TANGINA?! May kabuteng sumulpot sa likod ko!

"Homayghud pucha. Antagal tagal mo! Nag-a-eyeliner ka lang pala?!" Galit na sigaw niya sa mukha ko

"Nagfofocus ako pwede ba? Tignan mo lumagpas tuloy! Aist!" Sabi ko naman habang pinunasan yung isa kong mata kung saan pumalpak yung eyeliner. Putsa eh. Ang ganda ganda na ng pagkakagawa ko eh. Bigla namang nanggulat -.-

"EWAN KO SAYO! Bilisan mo na diyan jusko!"

"Oo na!" Sigaw ko sakanya pabalik at inayos muli ang eyeliner ko habang siya ay naghintay na lang sa labas. Nagtataka ba kayo kung saan galing ang eyeliner na 'toh? Syempre sakin! Lagi akong may dalang eyeliner just incase may emergency diba.

Bumalik naman siya sa loob na nakapokerface.

"Ilang.oras.pa?" Banas na tanong niya

"Eto na nga eh. Psh" sabi ko at inayos ng konti yun eyeliner ko then.... DONE!

Come Back To Me (Baekhyun FF.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon