A Painter's Story

881 12 8
                                    

Kapag hindi ako nag-aaral, isa sa mga hobby ko ay magpinta. Actually, mas madalas nga ako magpinta kaysa mag-aral e. Pero, lahat naman tayo ganoon diba; mas inuuna ang mga hobby kaysa sa pag-aaral. Wala pa kong nakitang tao na laging seryoso sa pag-aaral niya. At ok lang yun.

Lagi akong gumigising ng maaga, kahit laging tanghali pa naman simula ng mga klase ko. Nakasanayan na e. Laging alas-singko palang, gising na ko, para bago mag alas-siete nakapag almusal na ko. Tapos ang ginagawa ko, pag tapos na ko mag almusal, lumalabas ako sa terrace ng dorm at nagpipinta.

Hindi naman gaano kaganda yung view sa terrace ng dorm ko. Nasa fourth floor ako, tapos kaharap ng kalsada. May simbahan sa tapat ng dorm, tapos may Chowking sa kabilang kanto. Kung tutuusin kita ko ang school ko galing dito e. Wala naman talaga akong rason kung bakit gusto ko sa terrace magpinta. Ayoko lang kasi sa loob kasi madumi.

Dati, noong nagsisimula palang ako magpinta, pinipinta ko ang mga nakikita ko sa terrace. Pininta ko ang simbahan sa tapat. Pininta ko yung skyline na natatanaw ko pag hapon. Minsan pinipinta ko lang ang mga tao na nakikita kong naglalakad. Halo halo ang mga nakikita kong naglalakad, at ang saya lagi magpinta ng crowds. Ang dami kasing variation e. May mga estudyante, may mga tambay, mga conyo, mga bata, matatanda; eventually makikita mo lahat ng klase ng tao sa buong Pilipinas pag nakatingin ka sa kalsada.

Isang umaga, habang nagpipinta ako, napansin ko may nakatingin sa’kin. Tiningnan ko siya, at tiningnan n’ya ko, at nagkatitigan kami, at hindi ko ma-explain kung ano nangyari pagkatapos. Ngumiti siya sa’kin at kumaway, at tumungo ako ng onti. Pagkatapos ng hindi ko alam kung gaano katagal, umalis na siya kasama ng mga kaibigan n’ya. Pininta ko s’ya, or, at least, kung ano man naalala ko sa kanya, pero tinigil ko rin kaagad. Hobby ko magpinta, pero hindi ako ganoon kagaling, lalo pa kapag portrait ng tao ang usapan. Hanggang ngayon hindi ko pa’rin tinatapos ang ginawa ko.

Alam mo yung feeling na may nakita kang taong sobrang ganda, at ang kaya mo lang gawin ay umiyak? Ganoon ang naramdaman ko noon. Hindi ko alam kung bakit ako napaluha noon. Hindi naman siya todo iyak na ala telenovela, pero nakaramdam ako ng matinding kalungkutan noon. Parang bigla kong narealize na kahit ano gawin ko, hanggang ganoon nalang ang interaksyon namin. Kahit kailan, ako nalang lagi ang tao na nagpipinta sa terrace ng dorm ko para sa kanya, at nakakalungkot isipin ‘yon.

Simula noong araw na una ko siyang nakita, lagi nalang siyang lumilitaw sa paningin ko. Bawat umaga mapapansin ko siya naglalakad papasok. Bawat umaga tumitingin siya sa terrace, parang nagiimbita na magpapinta. Pareho pa nga kami ng school e. Pag hapon minsan masisilayan ko siya naglalakad sa corridor, o kaya makikita ko sa may field kasama tropa niya. Isang beses nakasalubong ko siya sa corridor habang papasok ako sa klase. Hindi kami nagpansinan.

Kada umaga pinipinta ko ang eksena kung saan siya kasama. Ayokong i-try gumawa ng portrait. Hindi talaga ako magaling magpinta ng mukha ng tao e. Hindi nagiging mukhang tao. Alam mo yung rinestore na Ecce Homo? Yung mukhang kakaiba talaga? Parang ganoon. Wala e, hindi talent. Hanggang scenery lang ako siguro, ganoon naisip ko noon. Hanggang ngayon rin naman. Hindi na talaga ako gumaling sa pagpinta ng mukha.

Isang beses naisipan kong magpinta sa ibang lugar. Pumunta ako sa park na malapit sa’min, umupo sa bangko at nag set-up. Hapon noon at naisipan kong ipinta yung puno at mga bulaklak sa harap ko. Wala lang. Maiba naman ang scenery. Minsan kasi dapat paiba-iba, diba? Nang patapos na’ko, may lumapit sa’kin at nagsabi, “Ang ganda n’yan a.” Siya siguro ang pinaka unang tao na nakakita ng gawa ko. Sa totoo lang, medyo nahiya ako na natuwa. Nagagandahan nga ako sa napinta ko noon, pero hindi ko inakalang may ibang makakaisip noon. “Magkano kung ibebenta mo ‘yan?” tanong niya sa’kin.

Hindi ko alam sasabihin ko doon. Kahit kailan naman hindi ko inisip na perahan ang pagpipinta ko. Ginagawa ko lang siya kasi gusto ko. Pero syempre, napaisip na rin ako. Minsan lang mangyari ang mga ganitong pagkakataon, diba? Sabi ko, “Tapusin ko po muna ‘to, tapos pag-usapan natin.” At umoo naman siya. Pinanood niya ko habang tinatapos ko pagpinta ko. Inabot kami ng gabi, at dumami ang mga nanonood sa’kin pero sa totoo lang pinilit kong hindi sila pansinin. Hindi ako sanay na may nanonood sa’kin habang nagpipinta. Siguro kasi parang private hobby siya para sa’kin e. Pero natapos ko rin naman. Muntik na ‘ko maubusan ng dilaw noon.

A Painter's Story, at mga Iba pang Kwentong Siomai.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon