"Hindi Ako Nawalan"

20 1 0
                                    

“Hindi Ako Nawalan”

Naranasan mo na bang magtanong tapos hindi ka sinagot? Kumatok pero hindi ka pinagbuksan. Humingi tapos hindi ka binigyan. Madamot lang sila. Kaya tama na.

Sa umaga, paggising ko itetext na kita.
“Good Morning, babe, pag gising mo kumain ka na. I love you."
Tapos tatawagan kita.
Mag-uusap tayo hanggang sa magdilim na.

Magpapaalam kang aalis ka.
Papayagan kita kahit saan man 'yan.
Basta babalik ka.
May tiwala ako sayo.

Pagsasama ka sa mga kaibigan mo hindi ako nagdadalawang isip na payagan ka.
Dahil nandiyan na sila noong wala pa 'ko.
Kahit saan man yan basta mag-iingat ka.
Ganyan kasi kita kamahal lahat iintindihin ko.

Isang gabi, tumawag ka.
Sobrang saya ko.
Halos isang oras na tayong magkausap.
Kahit na araw araw natin 'tong ginagawa hindi ako magsasawa.

Umaga nagtext ka.
Nagpaalam na aalis.
Pumayag ako.
Mag-iingat ka mahal.

Lumipas ang araw na 'di ka nagtetext.
Inintindi ko kasi nagpaalam ka naman.
Nagsabi ka naman.
“Babe, mag-iingat ka diyan. I miss you!"

Kinabukasan...
Wala ka pa rin text.
Anong nangyari ?
Hindi ako sanay ng ganyan ka.

Nakita ko nagtext ka.
Nagpapaalam ka ulit.
Pero naluha ako kasi sa oras na 'to hindi ka na babalik.
Mawawala ka na sa akin.

Sa oras na 'to hindi ko mapigilan ang masaktan.
Huwag kang umalis.
Huwag kang mawawala.
Parang 'di ko kakayanin.

Nag-reply ako agad.
“Ah. Sige ikaw ang bahala. 'Wag kang magsorry ok lang."
Ganito naman ako lagi sayo.
Kahit masakit iniintindi ko.

Sumobra ba ko sa pag iintindi sayo..
O nagkulang ka lang sa pagpapahalaga.
Hindi ako magrereklamo.
Hindi rin ako magtatamin ng sama ng loob.

Ganyan kita kamahal lahat tatanggapin ko.
Kahit na masaktan ako basta alam kong sasaya ka..
Masaya na rin ako.
'Di ako nagkulang kaya sana kahit na isang minuto naging masaya ka sa piling ko.

Hinayaan kitang iwan ako..
Hindi dahil sa gusto ko.
Mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang ibang tao.
Kaya natuto na ko dahil sa pag-iwan mo.

Papel Ng LuhaWhere stories live. Discover now