"Alam Ko Na"

30 2 0
                                    

“Alam Ko Na”

Bakit ba tayo naghiwalay ?
Bakit mo 'ko iniwan ?
Bakit ang tayo ngayon ay wala na ?
Bakit hindi 'ko alam.

Hindi ako nag tanong at pumayag na lang.
Ayoko ng habulin ka.
Dahil ayokong makita kang mas mahirapan.
Kahit na gustong gusto 'kong nandiyan ka lang.

Lumipas ang maraming araw, buwan at taon.
Kaya 'ko nang wala ka.
Nakakatingin na 'ko sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsama.
At hindi na 'ko nasasaktan sa larawan na tayo'y magkasama.

Ngayon bumalik ka.
Masaya 'ko at nasa mabuti ka.
Masaya na rin ako kahit wala ka.
Salamat sa nakaraang nakasama kita.

Nag-usap tayo at nagtanong ka.
“Bakit ba tayo nag-hiwalay?”
Hindi ako sumagot at ngumiti na lang.
“Ako lang pala ang humiwalay” sagot mo.

Bakit nga ba ?
Bakit ba naiwan akong mag-isa,
“Bumalik kasi yung ex ko nun, naguluhan ako. Mas mahal ko pala siya.”
Parang bumalik ang sakit ng kahapon.

Bakit hindi mo nasabi noon ?
Gusto 'kong itanong yan sayo lahat.
“Sobrang mahal na mahal 'ko kasi siya nun kahit tayo na. Hindi 'ko maiwasang isipin siya kahit nandian ka.”
Hindi 'ko alam kung bakit para akong dinudurog.
Alam 'kong tanggap 'ko na pero bakit ganito.

“Sorry at iniwan kita ng dahil sa kanya”
Nalulunod na 'ko.
Hindi ako makahinga.
Parang lumulubong na ko sa kawalan.

Ngumiti lang ako sayo at napaalam na.
Sa pagtalikod 'ko bumagsak na ang luha.
Nasasaktan ako hindi dahil mahal pa kita.
Nasasaktan ako ngayon dahil hindi 'ko alam na sa oras bang mahal na mahal kita ay mahal mo rin ako.

Nasasaktan ako.
Pero salamat dahil nasabi mo na ang matagal 'ko ng hinihintay.
Ngayon sigurado na 'kong hindi ako ang dahilan.
Basta alam 'kong hindi ako nagkulang.

Minahal kita sa paraang alam ko.
Kahit na hindi naman pala ako ang talagang laman diyan sa puso mo.
Pero pinilit mo paring iparamdam sakin na mahal mo rin ako.
Kaya salamat sa lahat ng sakripisyo mo.

Mawawala naman na ang sakit.
Kailangan 'ko lang ng matinding pagtanggap.
Para maisara 'ko na ang libro ng ating nakaraan.
At sa wakas ngayon tapos na.

Papel Ng LuhaWhere stories live. Discover now