Chapter 2

1K 16 7
                                    

Kriesha's POV

"Okay Ms. Marley, can you Define Chromosome? Give me at least 2 definition" hala? paktay na. Ano yung Chromosome? Kaya ayoko ng Science ehh...

"Ahmm.. A-Ano Sir. Ah-ahmm.." utal utal kong sagot.

"Ms. Marley nakiki-" naputol si Sir ng biglang dumating si Micael Valencia-Ultimate crush ko na hindi Artist.

Hala? Nakakahiya. Shocks. Kanina pa ata sya dun. Hala? Paktay na.

"Oh! Mr. Valencia. Aba't bakit late ka?" tanong ni Sir kay Micael.

"Sorry po Prof. Di na po mauulit." paghihingi ng sorry ni Micael kay Sir.

"Oh sya. Come in and sit down." pagpapapasok ni Sir kay Micael at ako hanggang ngayon ay nakatayo pa rin.

"Back to you Ms. Marley. Give me at least 2 definition of Chromosome." balik na tanong sakin ni Sir. 

Hala? Guys tulong. Ano yung Chromosome?

"Thread-like structure located inside the nucleus of plant and animal cell Bebs." pabulong na cheat sakin ni Mia.

Btw, meet Mia, Mia Alexa Cortes. One of my BESTFRIENDS. Yah. Kailangan naka Capslock. Charr. Only Child, Pretty kaso lamang lang talaga ako, Brainy, etc. Basta mahal na mahal ko yan. Childhood Friends kami.

"Ms. Marley?" naiinip na tanong ni Sir. Lalo akong kinakabahan dahil sa mga Classmate kong lahat nakatingin sakin, maliban na lang si Micael mylabs. 

"Bess, sabihin mo yung sinabi ko." pabulong uli si Mia.

"Ah-ahhm.. A-ano. A-a Thread-Like Stru-Structure located i-inside the nucleus o-of a-animal and p-plant cell." utal utal kong sagot dahil sa kaba.

"Okay. Another one."

Sakto namang natandaan kong pinag-aralan na pala namin to nung Second Year. Kay na sagot ko yung isa.

"It is composed of DNA" sunod na sagot ko.

"Sit down." pagpapa-upo sakin ni Sir.

Nakaramdam ako ng onting hiya dahil sa hindi ako makasagot kanina pero nawala rin naman yun dahil nakabawi ako sa sumunod na Subject namin na Math na Favorite ko. Nag-aaral talaga ako ng Math kasi Accountancy yung Course ni Bebe Kenzy ehh.. Hahaha. Syempre pati ni Micael.

Maya-maya tumunog na ang Bell para sa Recess namin. Kinuha ko na ang baon ko tapos hinintay sa labas sila Mia at Kate. 

"Oyy Bess. Anyare sayo kanina sa Science? Bakit di ka nakasagot?" tanong ni Kate.

Speaking of Kate, Kate Madison Rein. One of my BESTFRIENDS din.( Actly, silang dalawa lang naman talaga Bestfriend ko. Yung Iba Friends lang.) She is so Maarte, Palaban, Di magpapatalo, Brainy din, Pretty rin pero alam na lamang ako, ako ata pinakaDyosa samin, etc.

"Ahhh... Kas-" pagpuputol sakin ni Mia.

"Kaya nga ehh.. Siguro nakita nya lang si Micael naging lutang na sya." naunang asar ni Mia. "Yieeee. Landi." pang-aasar nilang dalawa sakin. Kaya binatukan ko sila pero mahina lang.

"Aray naman." sabay pa sila.

"Para kasi kayong ano ehh.. Di pa nga ako tapos magsalita ehh. Pinapangunahan nyo agad ako ehh." pagtatanggol ko sa sarili ko.

Fangirl FanboyWhere stories live. Discover now