Tay, Miss na miss ka nanamin. Nakakalungkot man pero ganyan talaga buhay ee. Mahal na mahal ka namin tay. Kung nasan ka man ngayon sana bantayan mo kami. At nasa mabuting kamay ka na Tay, alam namin yan. :)
Died: Jan.21,2017
-----------
"HULING TULA PARA SA MAHAL NAMING TATAY"
Tatay, sa'ming pagsilang mula kay Nanay,
Ikaw ay naandyan para samin ay gumabay.
Ikaw ang unang lalaki na aming minahal,
Dahil ikaw ay pinagkaloob samin ng Maykapal.
Pagpasensyahan mo na kung minsa'y kami ay pasaway,
At minsa'y nagtatalo at nag aaway.
Ikaw Tatay ang aming taga-payo,
Pagkami ay malungkot at problemado.
Salamat Tatay dahil ikaw ang aming naging ama,
Dahil ikaw ay naging napakabuting ama at asawa.
Salamat dahil napalaki mo kami ng mabuti,
At dahil diyan ikaw ang tuwirang ama na masasabi.
Pero ngayon ikaw muna ay magpahinga,
Mga nagawa mong kabutihan sa lahat siguro ito'y sapat na.
Sa pagiging ama, asawa, kapatid at sa pagigingkaibigan mo,
Nagawa mo ito ng tama at saludo kami sa'yo.
Ang pagbibiro mo saming lahat,
Ang mga bagay na naimbento mo sami'y nakatatak.
Ang paghalakhak mong nakakahawa,
Tiyak na hahanaphanapin namin, Ama.
Sana ngayon ikaw ay masaya na,
Dahil ikaw ay nasa mabuting kamay na.
Sana kami ay iyong gabayan,
At araw araw kami ay iyong bantayan.
Mga alaala mo'y di makakalimutan,
Nandito ka parin saming puso't isipan.
Ito na nga siguro ang 'yong pagwawakas,
Tay, mahal na mahal ka namin ng wagas.