Chapter 1

32 0 0
                                    

Kakabreak lang namin ng girlfriend ko. Namimiss ko siya, minsan naiisip ko pa rin na balikan siya. Pero may iba na kong gusto. Ewan! Ang gulo pa rin ng isip ko.

Kakagaling ko lang sa school. Ilang months na lang matatapos ko na ang college, at last.

Nahiga ako sa kama habang tinatanggal ng isang paa ko ang sapatos na nakasuot sa kabilang paa ko. Talent ko yun. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan. As usual walang personal message, tinignan ko yung picture niya. Itago na lang natin siya sa pangalang Cristine, maganda siya, mabait, matalino, siguro kung nababasa niya to at alam niya na siya ang tinutukoy ko papasahan niya ko ng load. Nag-aaral siya sa isang state university sa manila, 3rd year pa lang, at hindi single. Friend siya ng EX girlfriend ko. Nag-uusap kami minsan, text, minsan sinasabi niya sakin problema niya sa relationship nila, kunyari nalulungkot ako kapag nag-aaway sila pero hindi niya alam nakangiti ako habang nagrereply at sinasabi ko na sana magbreak na sila. Bwahaha

.......

Nagtuloy tuloy ang ganitong set up ng buhay ko, siguro 4 months din. Hanggang sa isip ko na lang yata siya talaga.

Im the bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon