Chapter 3

6 0 0
                                    

Nagkaroon na ko ng lakas ng loob na kausapin si Cristine. Kinamusta ko siya. Iba yung nararamdaman ko talaga sa kanya. Siguro para sa iba ordinary lang itsura niya, pero para sakin siya ng pinakamagandang babae sa lahat, siya yung gusto  kong makasama lagi, kaya lang pano ko sisimulan to?

Araw-araw nag-uusap kami, parang kinikilala namin ang isa't isa. Hindi ako naiinip pag kusap ko siya kahit madalas ang sungit niya sakin. Nasabi ko pa na "the more yo hate the more you love" kahit ang corny nasabi ko yun.

Isang gabi nagpaalam siya sakin.

Cristine: May pupuntahan ako

Ako: Saan?

C: sa patay, malapit lang dito samin.

A: sige ingat ka, gabi na eh.

Noong gabi na yun umiinom ako kasama ko mga friends ko. Habang nag-uusap kami, medyo nahihilo na ko noon pero alam ko pa mga sinasabi ko sakanya.

"Umuwi ka na nga, gabi na" sabi niya.

"Kapag sinagot mo na ko uuwi na ko"

"nanliligaw ka ba?"

"OO!"

Mahaba yung pag-uusap namin noon, puro kulitan, pinipilit ko siya. At ang galing ko, sinagot niya ko. JULY 1.

Hindi masyado naging maayos ang relationship namin dahil busy siya, ako naman may trabaho na. Busy kami pareho pero kahit ganun pinipilit ko magka time sa kanya, dahil mahal ko siya. Lagi kami nag-aaway. Madalas hindi ko siya maintindihan kasi bigla na lang siyang mawawala, hindi ako kakausapin. Gabi na siya nakakauwi galing sa school, sinasabi ko na magtext siya sakin para alam ko dahil sobra akong nag-aalala sa kanya pag alam ko na wala pa siya sa bahay nila.

Daily routine namin to. Lahat ng away namin siguro ako na yung humihingi ng sorry para magkaayos agad kami. Hindi naman ako sobrang bait na boyfriend sa kanya, may mga mali at kulang din ako sa kanya. 

Sinundo ko siya sa school nila, 9pm ang uwian nila. Sakto 9pm nakarating ako. Hindi niya alam na pupuntahan ko siya. I texted her "nasan ka na?" hindi nagrereply. Maya maya nakita ko na siya, nagtago ako, kasi kilala ako ng mga classmates niya na ex ng kaibigan nila. Nagtext ulit ako sa kanya. "nandito ako" Nagreply siya, "nasan ka? May mga kasama pa ko" Hinintay muna namin na makaalis ang mga kasama niya bago ako lumabas. Grabe para akong wanted nito.

Paglabas ko, inaya ko siya kumain, pizza ang favorite niya kaya yun ang kinain namin kahit lasagna ang gusto ko. Panalo ang panget. Pagkatapos kumain hinatid ko na agad siya kasi late na. Pinasakay ko siya sa kotse at pagdating namin sa tapat ng bahay namin, hinalikan ko siya, smack, "lasang pizza" sabi ko, hinampas niya ko sa balikat. OUCH! Brutal siya. Pero dahil mahal ko naman siya hinayaan ko na. Hindi muna ko umalis sa tapat ng bahay nila, hinitay ko muna na makapasok siya bago ako umalis. Habang nagdradrive pauwi naisip ko kung gano ako kaswerte na naging girlfriend ko siya, ang tagal ko naghintay, akala ko hindi na mangyayari to.

Nagtext siya sakin, "don't text while driving" hindi na ko nagreply, napangiti na lang ako. Kahit hindi siya sweet sakin alam ko na mahal niya ko.

Im the bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon