Chapter 4

5 0 0
                                    

August 1- First monthsary na namin. Ang bilis ng mga araw. Hinihintay ko siya na batiin ako, well, kung maaalala niya. Wala pa rin. Wala. Wala. Wala at wala talaga. I texted her, " happy monthsary, nakalimutan mo no?" nagreply naman agad ang magaling. "ay oo nga, sorry madami akong iniisip eh" Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Graduating student. Nawalan ako ng gana. Pagdating ko sa office may coffee sa desk ko. (Picture ng desk ko yung nasa multimedia area, right side) Galing siguro sa taga timpla ng coffee. Kahit nasa trabaho si Cristine pa rin ang iniisip ko. Medyo masama ang loob ko sa kanya kaya wala akong balak gawin na special ngayong araw. Siguro uuwi na lang ako agad mamaya.

Lunch break sa KFC lang ako kumain. Smooth pa rin ang trabaho ko kahit first job ko to, at ako ang youngest sa company na to. 

1700. Habang naghihintay ng elevator nakasabay ko si Celine, computer engineer, maputi, maganda, hindi kami masyadong nag-uusap, magkalayo kasi ang desk namin.

" How's your day?" tinanong niya ko pero hindi siya nakatingin sakin.

"Good" ang tipid ng sagot ko, feeling ko pati ang pagsagot may bayd na rin.

Ok. May elevator na. I asked her "ground floor?" tumango lang siya. Hindi yata ako naging nice sa pagsagot ko kanina sa kanya. Actually yun talaga ang problema ko sa sarili ko. Hindi ako friendly, mas gusto  ko na mag-isa lang.

Pagdating sa ground floor, naglakad ako papuntang parking lot. Nagulat siya, "may sasakyan ka?"

Sinagot ko naman siya, "yes" hindi na ulit siya nagsalita. Pagdating sa parking lot hindi ko makita ang kotse ko (BMW M3) kaya pala. May nagpark sa likod ng kotse ko. Pano ako makakaalis nito? Sino kayang matinong tao ang gagawa nito? Pumunta ako sa guard, "kaninong sasakyan yun?" Tinuro ko yung auto na black toyota fortuner. Hindi ko hinintay na makasagot yung guard, "bakit mo naman hinayaan magpark yun doon? Nakaharang sa auto ko!" Galit na galit na ako. "Sir, sandali po," May tinawagan siya. "Sir, hintay lang po kayo, nasabi ko na po" 

After 10 mins, may sumakay na babae sa fortuner na nakaharang sa sasakyan ko. Tinabi niya ang sasakyan niya, bumaba siya at lumapit sakin. " Sorry walang vacant slot kanina" so patatawarin ko na siya? "Its not an excuse" umalis na ko, pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko. Habang nagdradrive naisip ko na makipagbati na kay Cristine. Nagdecide ako na tawagan siya. "hello?" ang tagal sumagot, alam ko na uwian na niya. "hello beautiful, " sweet ng boses ko. "may kausap ka bang iba?" aba! loko talaga to. "No, im talking to myself, where you at?" 

"Nasa school pa ko, pauwi na din." sagot niya. " ooh, wait, hintayin mo ko, sunduin kita. Bye" Binaba ko agad ang phone para hindi na siya makapagdahilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im the bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon