Chapter 2

8 1 1
                                    

Graduation day.


Special ang araw na to. Tapos na ang paghihirap ko. Pwede na ko matulog nang matulog! :) At sobra ng parents ko dahil sa wakas natapos na ko sa pag-aaral. Siguro kung hindi nila ako pinag-aral makakabili na sila ng 3rd hand ferrari. Nag-aral ako sa isang university na ang total expenses ko ay aabot sa 1.3 million per year. 2 years yun. Pano nangyari ang 1.3 million per year? 200k sa tuition fees, 250k sa condo (susyal ako NOON) maintenance ng sasakyan, (yes, may kotse ako kahit ilang hakbang lang ang layo ng condo unit ko sa university na yon) Projects, books, gas. AT PAGKAIN, ginto ang pagkain sa CAFETERIA (hindi canteen ang tawag namin doon, kaya siguro presyong ginto) yung 500 pesos ang isang kain. Kung 5x ako kakain sa isang araw, siguro makaka 2thousand ako. Hindi ako sanay magluto eh. Ayoko na icompute to, baka singilin ako ni daddy kapag nakita niya kung gaano naubos niya sakin.

Iniisip ko pa rin si Cristine, hindi ko namalayan na tapos na ang ceremony. Nabalitaan ko na single na siya ngayon, pero bakit hindi ko siya nililigawan? Una, hindi ako torpe. Hindi ko lang alam kung paano ko siya kakausapin, friend niya ang ex ko, alam ko complicated ang sitwasyon namin. Siguro maghihintay na lang ako ng tamang oras kung darating man yun, o magiging happy na ko na nasa isip ko na lang siya.

Nagcheck in kami sa isang hotel, may bahay naman kami kaya hindi ko alam kung bakit kailangan maghotel.Kumain kami sa isang seafood restaurant, nagswimming, at nagkwentuhan buong araw. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Cristine. Alam ko na may dahilan siya para hindi ako pansinin. May ate ako kaya siguro alam ko na mas mahalaga sa mga babae ang friendship kaysa sa possible relationship. Kasi marami nga naman lalaki diyan sa tabi-tabi.

Kinuha ko yung phone ko, ang daming text messages, iisa lang naman message nila, CONGRATS. Walang text galing kay cristine, ayoko naman itext siya at sabihin na graduation ko kanina para sabihin niya ako ng congratulations. Nilagay ko na ulit sa bag ko yung phone ko. Nahiga na ko para matulog.

2am. Nagising ako. Kumakatok si Carlito (3 kami, youngest siya, middle child ako) "Please open the door". Binuksan ko yung pintuan, medyo nahihilo pa ko, "bakit ba?" medyo nainis ako kasi ang sarap ng tulog ko eh. "Can I sleep here? Someone's knocking at my door" hindi ko na inentertain yung excuse niya. Pinapasok ko na lang siya para matapos na ang usapan namin. Nahiga na ko ulit at natulog. 

Im the bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon