Confession#3 (I fell hard and fast)

1 0 0
                                    

Confession #3
I fell hard and fast

I am Kyoya, maraming nagsasabi na masyado daw akong "pa-fall" at paasa sa mga babae, di ko naman kasalanan na may mga nagaassume sa aking pagiging pala kaibigang tao, hindi rin naman ako nagbibitiw ng mga salita na maaring makapagpaasa ng babae, seriously? wala talaga, kaya hindi ko alam kung paano nila nasasabing "pa-fall" ako.
So here comes my confession about the girl I fell hard and fast, Siya ay itago nalang natin sa pangalang Nagi kaklase ko siya sa subject na Physics at tulad ko ay binansagan din si Nagi na "pa-fall" ng aming mga kaklase, ang pagkakaparehas namin ay palakaibigan din si Nagi pero hindi siya yung pasweet at pacute, mabait siya at mapapansin mong totoo ang pakikipagkaibigan niya kahit kanino, babae bakla tomboy man o sa mga kalalakihan
Noong una palang ay gusto ko nang makipagkaibigan kay Nagi yun ay dahil crush ko na siya bago pa man magumpisa ang semester, paano? dahil nakita ko siya nung enrollment palang namin ng unang semester, una palang nahulog na ako sa mga mata niya na kapag nakatingin sayo ay tila ba nagsasabing "come and fall for me" sounds crazy it is, but yeah it's true kaya nga siguro madaming nahuhumaling na lalaki sa ganda nito, isa pang dahilan kaya hindi ko itinuloy ang pakikipaglapit ko sakanya ay, ayun nga sa mga kaklase namin ay pafall daw siya tulad ng pafall daw ako, at isa pa binalaan din ako ng kaibigan ko na wag na wag daw akong makikipagkaibigan sakanya kung ayaw kong masaktan ang aking puso, so hindi ko nalang itinuloy better be safe dba? But then some events came up.
Naging mag lab partner kami ni Nagi sa subject naming Physics kung saan kailangan naming pagtulungan ang paggawa sa mga reports ng bawat experiment at activities namin sa naturang subject isa sa mga ginawan namin ng experimental research at report ay ang tungkol sa gravity, nasa bahay kami noon sa kwarto ko at gumagawa ng aming research about sa topic namin nakasalampak kaming pareho ni Nagi sa sahig at yung mga materials naman nasa mababang lamesa busy ako sa pagtitipa sa aking laptop nang basahin ni Nagi ang definition ng gravity sa hawak nitong libro/dictionary, define gravity? gravity is the natural force that tends to cause physical things to move towards each other: the force that causes things to fall towards the earth, bigla akong napatingin kay Nagi dahil dito para bang kumakanta ang boses niya habang siya ay nagbabasa at tila ba may gravitational force na humihila sa akin papalapit sa kanya, then suddenly napatitig siya sa akin and stopped reading, again, those eyes, feels like its telling me to come over her and...
I was about to kiss her, I'm still under her spell, nang bigla niyang dutdutin ng hintuturo nya ang noo ko di ako nakapagreact agad ngunit npahawak ako sa noo ko, "Hey quit joking around and work Kyoya" sabay sabi niya sa akin kya natauhan naman agad ako, eto ba ung feeling nang napapaasa yung napafall ka ng wala naman talagang ginagawa sayo ung tao, deym now I know the feeling. It continued like that tuwing may mga gagawin kaming reports it's either to my house or sa kanila kami gagawa at di ko napipigilang ang sarili ko matitig sakanya twing nagsasalita siya o npapatingin sa akin.
Sa ilang beses lang na palagi kaming magkasama ni Nagi kahit mga simpleng bagay na ginagawa niya mga simpleng pasulyap sulyap niya sa gawi ko na minsan ay nahuhuli ko, kahit yung simpleng mga bagay lang na yun naeexcite na ako ewan ko ba, but I think this simple and intense feeling na ou magulo, that I am having right now is what other people calls falling inlove, At masasabing kong sa maikling panahon lamang I fall hard and fast
nararamdaman kong ganun din sya sa akin kahit papaano dhl panaka naka ko syang nahuhuling nakatingin sa akin na para bang may gustong sbhn, iba din ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa ibang mga nkakasama nya kya cguro ay safe nading magkaroon ng assumption na may gusto din siya sa akin, so I started courting her, hbang 2matagal ung panliligaw ko sakanya lalo akong nakasisigurong may gusto din sya sa akin
Nagkakalapit narin kami ng husto ni Nagi ang alam na nga ng mga kaklase namin ay kami na dahil makikita daw yung talaga closeness naming dalawa sa isa't isa pati narin ang kislap sa aming mga mata tuwing kami'y magkasama at masaya.
Kaya lamang dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan ang mangyayari, Sabado ng gabi, I called Nagi and asked her on a date umoo naman siya, kaya napa-yes ako sa sobrang saya at nagkasundo kami na magkikita bukas sa tapat ng simbahan para magsimba muna at kumain sa labas pagktapos ng misa. Sobrang excited ako sa date namin kinaumagahan kaya naman lahat ng pwd ko nang ihanda ng gabing iyon ay inihanda ko na, I even called the restaurant for reservation tapus tumawag din ako sa kaibigan kong may ari ng flowershop na gumawa ng bouquet ng pink roses dahil ung ang favorite flower ni Nagi, I can't even sleep that night sa sobrang excited sa pagiisip sa date namin kinaumagahan, sasagutin naba niya ako?.
Maaga akong nagising at halos hindi na nga din ako nakatulog ng nagdaang gabi, kaya naman tinawagan kong muli si Nagi para batiin ng magandang umaga, nakatatlong beses na ring bago niya ito sagutin at nang marinig ko ang boses niya ay lalo akong naexcite sa date namin dalawa mamaya, "Goodmorning din" aniya ngunit napansin ko na kulang sa sigla ang boses nito, "Nagi ready ka naba mamaya?" katahimikan lang ang sagot niya sa kabilang linya at para bang may mahinang hikbi galing dito, nagalala ako "Nagi are you okay? are crying?" tanong at wala pading sagot "Hey still there Nagi?" tanong kong muli at sa pagkakataong iyon ay "Oo Kyoya nandito pa ako, kita nalang tayo mamaya" sagot ni Nagi na tila ba puno ng lungkot ang boses "Cge I'll see you later" sabi ko na lamang "Goodbye Kyoya, I will miss..." after that the lines busy at naputol na ang sinasabi ni Nagi.
Nandito na ako sa harap ng simbahan waiting for my girl to be, hawak ko ang bungkos ng pink roses habang nakatayo malapit sa aking sasakyan, sobrang excited talaga ako at iniimagine ko pa ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang mga bulaklak na kanyang paborito, napapangiti na lang ako habang iniisip ko ang babaeng sa maikling panahon lamang ay nakahuli sa puso ko. Isang oras na ang nakalipas ay wala pa si Nagi siguro ay natraffic lamang siya kaya tinawagan ko siya pero out of coverage area daw, wala siyang signal baka malapit na din siya dumating, Ngunit matatapos na ang pang unang Misa ay wala padin si Nagi I tried calling her again and again ngunit wala talaga, di nagriring ang phone niya .
Dahil sa sobrang pagaalala ko na baka kung ano na ang nangyari sakanya ay nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at nagtungo sa bahay nila, pagkadating ko doon ay katulong lang nila ang sumalubong sa akin at sinabi nitong kakaalis lamang daw nila Nagi patungong airport kaya pagkarinig ko pa lang niyon ay nagmadali naman akong pumunta sa airport, naabutan ko pa sa labas si Nagi ngunit di ko inaasahan ang nalaman ko, "Oh Kyoya buti nakahabol ka, eksakto kasing papasok na si Nagi at ang asawa niyang si Roco para magcheck-in malapit na ang oras ng flight nilang dalawa" ani ni Tita Nana ang mommy ni Nagi, si Nagi ay nakayuko lang at ni hindi makatingin sa akin, di ko rin alam ang magiging reaksiyon ko dahil tila ba namamanhid ang buong katawan ko nang mga oras na iyon.
May lumapit na lalaking kasing tangkad ko lamang, "You must be Kyoya, lagi kang kinukwento ni Nagi pare, I'm Roco nice to meet you" tinanggap ko ang kamay nito kasabay ng pagkadurog ng puso ko sa nalaman ko, At nagpaalam na ako nang hindi tinitignan si Nagi. I left the place immediately and sped up so fast hindi ko na namalayan na malayo na ang ntakbo ko kaya huminto ako sa gilid ng high way, at doon na nagsimulang magsync in sa utak ko ang aking mga ndiskubre pinalo ko ng malakas ang manibela at nagsimulang umiyak, hindi ako makapaniwala si Nagi na akala ko mahal din ako may asawa na pala. Hindi ko naman siya pwdeng sisihin because it is my fault I fell hard and fast.

The End

fanfiction of Kyoya and Nagi also known as Chrome Dokuro, characters from my favorite anime series Katekyo Hitman Reborn 😘😘😘

Confessions of LoveWhere stories live. Discover now