Confession #4
fell in him forever
I'm Nagi and this story is about the guy I fell in love with forever. His name is Kyoya, back in college naging classmate at lab partner ko siya sa subject na Physics, noong una palang nainlovn na ako kay Kyoya nakita ko kasi siya nang magenroll ako noon par sa first semester namin sobra sobra pa nga noon ang tuwa ko nang malaman kong kaklase ko siya sa iba kong subject at isa na nga doon ang Physics, at dahil naging lab partner ko pa sya sa physics naging paborito ko na tuloy itong pasukan, I remember those times na excited ako tuwing papasok ako ng school ng dahil kay Kyoya.
Di naglaon naging close kami ni Kyoya dahil palagi kaming magkasama noong una akala ko ay totoo ang sinasabi ng aming mga kaklase na pafall daw siya tulad ng ibinibintang din nila sa akin na pafall daw ako, di ko alam kung papaano nila nasabi iyon, genuine naman ang motibo ng pakikipaglapit ko sa lahat ng aking mga kaklase mapababae man o lalake, pero iba ang dahilan ng pakikipaglapit ko kay Kyoya dahil gusto ko siyang makilala ng mas higit pa sa pagkakakilala ng kung sino man school sa kanya.
Isang report namin sa physics ang minsan ay ginawa namin sa bahay nila Kyoya ito yung topic namin about sa gravity, hinding hindi ko malilimutan yung moment na muntik na niya akong halikan, Napapansin ko na nun na panaka naka ang pagtingin niya sa akin dahil tulad niya ay di ko maiwang mapatingin din sa gawi niya dahil kapag gumagalaw siya ay para bang humihinto sa pag ikot ang mundo ko at gusto ko na lamang siyang titigan, kaya naman para mabaling sa ibang bagay ang atensiyon ko ay naghanap ako ng ibang mpagkakaabalahan dahil hindi rin naman ako makapagsulat habang distracted pa ako at dun ko nga binasa ng medyo kalakasan ang definition ng gravity, mukhang nakuha din ng ginawa kong iyon ang atensiyon ni Kyoya dahil tila ba napatitig nalang ito bigla sa akin dahilan para mapatitig din ako sa kanya.
I know he is going to kiss me that time but I stop him, hindi ko kasi alam kung ano ang maaring mangyari kapag naghalikan kami . natatakot ako na baka kapag nagpahalik ako sakanya ay malaman niya pa ang aking tunay na nararamdaman para sa kanya, para magising siya ay sinabi ko na lamang na tigilan niya ang paglalaro at magtrabaho na lamang, nasasayangan man ako sa pagpapatigil na mahalikan niya ako ay masaya padin naman akong maramdaman na kahit papano may gusto rin pala siya sa akin . hindi ka naman siguro gugustuhing halikan ng tao kung wala siyang gusto sa iyo hindi ba?
Maraming beses pa kaming nagkasama ni Kyoya may mga simpleng bagay siyang gingawa na ni minsan hindi ko nalimutan, tulad na lamang ng mga simple gestures niya ng pagiging gentleman, he's a very very nice guy and because of that I really fell for him even more and everytime that I'm with him I keep on falling in love with him over and over again.
Then Kyoya started courting me, ang akala pa nga ng mga kaklase namin ay kami na kasi nga lagi daw kaming magkasama at iba na talaga ang pagtitinginan namin sa isa't isa ang saya sa feeling ng alam mong gusto ka rin ng mahal mo para akong lumulutang sa ere, kaya naman napag-isip isip ko na sagutin na siya sa susunod na linggo, ng isang tawag ang hindi ko inaasahang matanggap nang gabing iyon, It was from my Bestfriend/Husband Roco, at doon ako biglang natauhan nawala sa isip ko ang sitwasyon namin ni Roco nang dahil sa sobrang gaan ng feeling na dindala sa akin ni Kyoya "Nagi approved na ang visa mo at next week na ang flight mo, I'll go home to Philippines para makasama sa flight mo papunta dito sa America?" ani Roco sa kabilang linya hindi ako makapagsalita dahil para bang unti unti kong nararamdaman ung pagdagan ng invisible na bagay sa dibdib ko. "Hey Nagi are you that happy? na hindi kana makapagsalita?" tumawa pa ito sa at dun na siya napaiyak "Bes bakit ang bilis di mo ba alam na nakilala ko na ang lalaking mamahalin ko habang buhay, di ka manlang pumreno sa pagbabalita eh" lumakas pa lalo ang iyak ko "Hey ayaw mo ba nun matutupad na ang pangarap mo at isa pa para mkapagpadivorced na tayo, we cant stay as husband and wife forever I wanna find someone to be with too" anito nang may pagaalo sa boses.
Tama, kailangan ko lang matupad ang pangarap kong makapunta ng America para makapagpadivorce nadin kami ni Roco, dahil naging paraan lang naman talaga namin ni Roco ang pagpapakasal para mapabilis ang aking pagaabroad papuntang America, sasabihin ko na lamang kay Kyoya ang sitwasyon para maunawaan niya, mauunawaan nya naman hindi ba? pagkumbinsi ko sa aking sarili, "Nagi are you still there?" tanong ni Roco sa kabilang linya, "Yes I'm still here" sagot ko naman "Uhm well, who's the lucky guy Nagi" Tanong nito nang may halo pa ng panunukso, pero napangiti na lamang ako at nagsimula nang ikwento ang mga tungkol kay Kyoya. Bukas sasabihin ko kay Kyoya ang tungkol dito
Kinabukasan ay sinubukan kong sabihin kay Kyoya ngunit tuwing magtatangka akong sabihin ang bagay tungkol kay Roco at ang nalalapit kong pagalis ay tumitiklop ang aking dila, hindi ko kayang makitang malungkot si Kyoya, natapos ang isang linggo nang hindi ko padin nasasabi kay Kyoya, dumating narin si Roco galing America at meron na lamang akong dalawang araw para masabi sakanya ang tungkol dito, hindi ko naman masabi sa text o tawag lang dahil gusto kong sabihin at ipaliwanag ito ng maigi sakanya, dalawang araw ang nakalipas at flight ko na kinaumagahan di ko padin nasabi sa kanya kaya ako umiiyak sa kwarto nang bigla siyang tumawag sa akin, napahikbi pa ako ng ayain niya ako sa isang date para sa kinabukasan dahil linggo umoo nalang ako kahit alam kong hindi na din naman ako makakasipot pa.
bago matapus ang paguusap namin nagpaalam na din ako sa kanya at sinabi kong mamimiss ko sya at pinutol na ang linya dahil di ko na talaga napigilan pa ang hindi maiyak at mapahagulgol, di ko kayang sabihin kay Kyoya dahil natatakot ako na hindi niya matanggap, kinaumagahan tinawagan muli ako ni Kyoya at binati ng magandang umaga wala padin akong gana pero masaya akong nakausap ko sya bago pa man ako umalis dahil kasalukuyan na akong naghahanda paalis patungong airport mamayang tanghali, bago kami umalis ng bahay tinignan ko ang relo ko 2 hour na ang nakalipas nang oras sana nang pagkikita namin ni Kyoya, at malamang ay naghi2ntay parin ito sa harap ng simbahan.
Lutang ako habang papasok kami ng airport, maya maya lang ay magchecheck in na kami para sa flight namin ni Roco, naiiyak padin ako gusto kong puntahan si Kyoya I really do, habang nasa isip ko si Kyoya, Kasama ko si Mama Nana na nandito para ihatid kami at si Roco naman ay sandaling nagpunta ng comfort room, nakaupo kami sa bench nang may biglang lumapit sa amin pero hindi ko nilingon kung sino, "Oh Kyoya buti nakahabol ka, eksakto kasing papasok na si Nagi at ang asawa niyang si Roco para mag-check in malapit na ang oras ng flight nilang dalawa" Ani mama, hindi ako nakapagsalita at lalo pa akong yumuko dahil nahi2ya ako kay Kyoya, si mama naman kasi di manlang pumreno, at isa pa si Roco di manlang nagparamdam muna pagdating "You must be Kyoya, lagi kang kinukwento ni Nagi pare, I'm Roco nice to meet you" nararamdaman ko sa sarili ko na nasaktan na si Kyoya kya naduwag ako lalo na ng tanggapin nito ang pakikipagkamay ni Roco bago nagmamadaling umalis, Nagulat pa ako nang sabihin sa akin ni Roco na umalis na si Kyoya dun lang ako natauhan at tyaka walang pagaatubiling hinabol ang lalaking mahal ko
Di ko makakalimutan ang araw na iyon, hinabol ko siya para magexplain pero hindi ko na siya inabutan, Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang pagkabigo ng aking nararamdaman, kasalanan ko naman eh naduwag akong sabihin sakanya dahil ntatakot akong masaktan siya pero sa nangyari mas nasaktan ko pa siya dahil sa iba niya pa nalaman, umiyak ako nang umiyak hanggang sa makasakay na kami ni Roco ng eroplano ay umiiyak padin ako at hindi narin nito alam ang gagawin para mapatahan ako, icha2t ko nalang siguro siya pag nakalapag na kami un lang ang nasa isip ko ung mga paraan para makausap ko siya at makapagpaliwanag sa kanya, dahil mahal na mahal ko talaga si Kyoya
11 buwan na ako dito sa America mabilis lang bago ko nakuha ang green card ko dahil nakumbinsi agad ang embahada na magasawa kami ni Roco kaya naman sa susunod na buwan ay magdidivorce na kami, pansamantala ang nakuha kong trabaho bilang isang receptionist sa isang hotel maganda naman ang sahod kaya sakto nadin ito, 11 buwan magmula nang iwan ko ang puso ko sa lalaking mahal ko 11 buwan nadin akong walang magandang balita sakanya dahil sa lahat ng social media account niya ay nakablock ako o di kaya naman ay na-unfriend na niya ako, di ko tuloy alam kung paano ko pa siya kakausapin, kahit kasi sa mga parehas naming kaibigan ay ayaw din daw niyang naba2nggit ang pangalan ko ng kahit sino, at ang huli kong nalaman nitong buwan na ito ay may girlfriend nadaw si Kyoya, masakit mang isipin pero kasalanan ko, pero isa lang ang masasabi ko he is the only guy I will fall in love with forever .
Nabuo ang pasya kong umuwi ng Pilipinas kapag nakapagdivorce kami Roco para suyuin si Kyoya at humingi ng tawad sa nagawa ko, tatanggapin ko kung may girlfriend na siya ang mahalaga ay malaman niya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Mabilis ang takbo nang araw buwan at taon after 2 years heto ako at sakay na ngayon ng eroplano pauwi ng pilipinas. Medyo natagalan ang pagbabalik ko sa kadahilanang tinapos ko pa ang aking kurso at nagipon ng pera para sa pagpapatayo ng negosyo ko na coffee shop.
tatlong buwan na ako dito sa Pilipinas, malapit narin magbukas ang pnatayo kong coffee shop, ngunit hindi ko padin nakikita si Kyoya, mahirap mang isipin wala akong karapatang magreklamo dahil kasalanan ko dahil iwinala ko yung lalaking mahal na mahal ko . di ako dapat sumuko sa pagbabaka sakaling magkikita din kami at mkakahingi ako ng kapatawaran sa sakit na idinulot ko sa kanya, kahit pa wala nang pag-asang maging kami pa mas maganda narin ang malaman niyang minahal ko siya at hanggang ngayon ay mhal na mhal ko padin siya .
Isang reunion ang inorganisa ng college friends ko para sa aming mga magkakaibigan, dahil anila para hindi daw highschool reunion lang ang merong reunion para maiba naman daw. Ang coffeeshop ko ang napagkasunduan ng grupong gawing venue dahil nga may inilagay din akong conference room dito para pwedeng pagganapan ng mga mini event.
February 14 ang napagkasunduan naming date dahil daw karamihan sa amin ay walang mga kadate at yung iba naman ay para daw mas maenjoy nila ang araw ng mga puso kasama ang kanilang partner, sobrang abala na ako kasisimula pa lamang ng araw dahil nagkaroon ng hearts day promo ang coffee shop ko para sa mga couples at single coffee lovers na gustong magcelebrate ng valentines sa coffee shop ko . nagpadecorate din ako sa aking mga staffs at nagpaorder ng mga red roses balloons at chocolates upang idisplay for costumers, ngunit tatlong bouquet ng kulay pink yellow at red ng arranged roses ang dumating na wala naman sa mga inorder ko, at nang itanong ko sa delivery boy kung kanino ito galing ay wala din daw siyang ideya. kaya naman tinanggap ko na lamang at dun ko napansin ang isang note na may nakasulat na from: Mr. Gravity
Napaisip tuloy ako kung sino ang Mr. Gravity na nagpadala ng mga rosas, dahil nagpapasalamat ako sakanya at binigyan niya ako ng dahilan para ngumiti ngayon araw ng mga puso. Ngunit sandali ko munang kinalimutan ang tungkol sa mga bulaklak dahil naguumpisa nang dumami ang aming mga costumers, at maya maya pa ay maguumpisa na ring dumating ang aking mga kaibigan para sa preparation ng aming reunion mamayang gabi .
Natapus ang aming preparation at sandaling kaming nagpaalam ng mga kaibigan kong kasama kong nagayos ng mga karagdagang bagay para sa reunion kinagabihan, nagpaalam din muna ako sa aking mga staff pagkatapus ko silang bilinin, para magpalit ng damit, bago ako lumabas ng coffee shop ay muli muna akong napatingin sa mga rosas at napangiti.
Mabilis lang akong nagbihis at nag ayos ng sarili, nagsuot ako ng simple black dress which accented my curves, I looked at my self in the mirror and when I thought I look okay, umalis nako ng bahay para bumalik sa coffee ngunit paglabas ko ay may tatlong piraso ng rosas sa doorstep ko, pink yellow at red muli ang kulay ng tatlong rosas, may note uli akong nakita na nakalagay ang definition ng Gravity at sa baba nakalagay ang from Mr. Gravity
Nahihiwagaan na ako sa kung sino ang Mr. Gravity na ito isang tao ang nasa isip ko pero imposibleng siya ito, di kaya weirdong stalker o baka mamaya psycho ayts, napatakbo tuloy ako sa sasakyan ko dahil sa kabaliwang naisip ko.
Pagdating ko sa coffeeshop nakapatay ang mga ilaw, nagtaka ako dahil wala naman akong instruction sa mga staffs ko na maagang magsari ngayong gabi at isa pa meron pa kaming event sa conference room, pagpasok ko ng coffee tumutugtog ang kantang "Can't help falling" ni at unti-unting umilaw ang white xmas light sa paligid na hindi ko alam kung saan galing dahil wala naman kaming dekorasyong ganto sa coffee shop, then some people who wears half mask approached me and gave me the three bouquets I've received this morning, tapus yung isa inalalayan ako papunta sa conference room na ngaun ay may mga kandila nang nasindihan sa paligid iniwan ako ng taong umalalay sa akin at dun ko lang napansin ang lalaking nakatayo sa may dulo ng silid.
Dahil sa suot nitong maskara at sa dim light ay hindi ko gaanong mahalata kung sino ito ngunit may isang lalaking pilit pumapasok sa isip ko kahit pa ilang beses kong pigilan ang sariling kong umasa. Naglakad ako papalapit sakanya at habang ako'y lumalapit tumitindi ang kaba sa aking dibdib na hindi ko maintindihan, nang makalapit ako sakanya ay masuyo akong hinawakan sa pisngi ng misteryosong lalaki, at nang banggitin nito ang pangalan ko doon na nagsimulang dumaloy ang aking mga luha, I've been longing for this moment to come, "Kyo...Kyoya" nasambit ko nalang at maghigpit na niyakap ang lalaking matagal kong inantay na makita at makausap muli.
Habang yakap ko si Kyoya ay sinabi ko sakanya lahat ng bagay na matagal ko nang gustong sabihin lalo na kung gaano ko siya namiss at kamahal tahimik lang naman itong nakinig sa akin habang yakap din niya ako sa kanyang mga bisig.
Ngunit bigla akong napakalas sa pagkakayakap ko sakanya nang bigla kong maalala ang girlfriend ni Kyoya.
"Nagi, what's wrong?"
"Sorry Kyoya, kalimutan mo na ang lahat ng sinabi ko I don't mean to messep up everything you have right now"
"What?! what's wrong?. wala ka namang ginulo Nagi in fact I was waiting for this moment to come"
Napatingin ako sa gulat sa mukha ni Kyoya na ngayon ay wala nang maskara.
"Pano yung girlfriend mo?"
"What?! anong girlfriend? ikaw lang ang babaeng mahal ko, I've never had a girlfriend dahil ikaw lang ang babaeng gusto kong mapasaakin, And I'm sorry kung pinagtaguan kita ng matagal ayaw ko kasing magpropose sayo nang hindi ko pa natutupad ang lahat ng plano ko sa buhay"
Napamaang nanaman ako sa sinabi ni Kyoya. "What do you mean propose? magpoprose ka? sa akin?"
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Kyoya at may tila sinenyasan sa kanyang likuran, may iniabot na maliit na kahon ang lalaking tinawag ni Kyoya at nang lumuhod ito sa aking harapan hawak ang maliit na kahon nagumpisa nang tumulo ang aking mga luha.
"Nagi,
-The pink roses meant gentleness, it represents You as the most gentle person I met.
-The red roses symbolizes romantic love, like how much I love you
-And the yellow roses means happiness, because I'm hoping to have a Happy ever after with you.
will you marry me?"
Napangiti na ako habang patuloy padin sa pagpatak ang aking mga luha, sabay sabi ng matamis kong "Yes, Kyoya"
Nagliwanag ang palikid at doon nag nagpakita lahat ang aming mga kaibigan from college, nandito din si Roco at si Mama na umuwi pa pala galing ng America.
It turned out na pinlano pala itong lahat ni Kyoya pati ang kunwaring reunion naming magkakaibigan para sa proposal niya, at ang mga kaibigan ko sinadya plang sbhn na may girlfriend na si Kyoya para mas magpursigi pa ako sa paghahanap dito.
Now that I'm engaged to Kyoya. I'm willing to fall for him everyday even if it takes forever .The end
Note: This story is a Fanfiction of Kyoya and Nagi from KHR one my favorite anime series. I just love there ship so sorry not sorry 😝