KHYLA's POV
Pagkasara ni Xander nang pinto sya namang pagupo ko sa kama.
Bakit parang kumikirot ang puso ko, yung tipong may sumaksak na patalim. am i jelous?
Nakaramdam ako na may tumulo sa aking hita.
HIndi ko na pansin na umiiyak na ako, pinunasan ko ang mga luha na tumulo sa aking mga mata.
Bigla akong napatanong, Bakit nga ba ako umiiyak? sinsabi nang utak ko na hindi ko sya gusto, lalong nang hindi ko sya mahal pero bakit kapag nakikita kong may kasama syang iba nasasaktan ako.
Mas lalong masakit yung nakita ko kanina, hinalikan ni Cass si Xander, hindi sa pisngi kundi sa labi mismo tinulak pa sya ni Xander palabas para ituloy ang kanilang ginagawa.
Muli na namang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata, ang sakit.
Naramdaman kong naninikip ang dibdib ko, sumasakit na naman ang puso, kasing sakit na naramdaman ko 3 days ago.
Nagiging madilim ang buong paligid, nararamdaman kong unti-unting tumutumba ang katawan hanggang sa mag-itim na ang buong paningin ko at bumagsak ako sa sahig.
XANDER's POV
Pagkasara ko sa pinto nang kwarto namin ni Khyla agad kong hinarap si Cass.
"WHAT WAS THAT?" naiinis kong tanong sa kanya.
"Xander! please ako na lang, iwan mo na yang babaeng yan." pagmamakaawa nya.
"What?" nalilito kong tanong.
"Please xander, gagawin ko ang lahat. Kahit ang katawan ko ibibigay ko sayo. Please ako na lang." pagkasabi nya agad nang sinunggab nang halik ang aking labi.
Tinulak ko sya palayo at sinigawan.
"CASS! itigil mo nga tong kabaliwan mo!" sigaw ko.
Biglang natumba si Cass sa kanyang pagkakatayo.
Naaaninag ko na may tumatakbo palapit sa amin.
Nang malapit na ito naririnig ko na ang sinisigaw nya.
"CASS!" sigaw ni Ice.
Nang makalapit na si Ice sa amin agad nya akong pinasalubungan nang suntok na syang dahilan nang pagkakatumba ko sa sahig.
"T*ng ina ka Xander anong ginwa mo kay Cass!" sigaw nito.
Nagsilabasan ang mga miyembro nang C10 nang marinig nila ang sigaw ni Ice.
Magkakalapit lang kami nang kwarto, may isang kwarto lang ang pagitan nang bawat kwarto na ikunupahan namin.
"ICE!" sigaw nila Fred, Vivian at Earl
"MASTER!" sigaw naman nila Kenneth, Dean. Gilbert at Mark.
Nagulat si Cass sa ginawa ni Ice kaya nakatulala lang ito sa akin.
"Halika na Cass!" yaya ni Ice.
"What have you done?" nakatulalang tanong ni Cass.
"CASS!" sigaw nya pa.
Nagsilapitan ang lahat nang natitirang miyembro sa amin.
Pinipilit ni Ice na patayuin si Cass ngunit ayaw nito sumunod.
Binuhat ni Ice si Cass na parang bagong kasal ngunit nagpupumiglas ito.
Nang makaalis na sila lumapit sa akin ang ibang miyembro.
inalalayan akong tumayo ni Dean.
"Master ayos ka lang ?" nag-aalala nilang tanong.
"Ayos lang ako." sagot ko.
YOU ARE READING
I Found You
Teen FictionDo you still remember me? the memories we had? I miss you, please come back. I miss you, badly.