XANDER's POV
"MASTER!" sigaw ni Earl.
"si Khyla!" sabi nya nang hinihingal.
"BAKIT?" nag-aalala kong tanong.
"Kailangan ka nya ngayon... kritikal na daw sabi nang doctor."
Pagkarinig ko nun para akong nabingi, hindi ko na naririnig ang iba pa nyang sinabi.
Napatulala na lang ako nang marinig ko yun.
"MASTER!" sigaw ni Dean na sobrang lapit sa tenga ko.
Dun lang ako bumalik sa huwisyo.
Agad-agad akong tumayo at tumakbo palabas nang Chapel papuntang emergency room.
Hindi ko pinapansin kung may nagrereklamo man dahil nabangga ko sila, wala akong pakielam kung may makaaway ako ang mahalaga mapuntahan ko agad sya.
Pagkarating ko sa ER agad akong nagsuot nang suit para makapasok ako, hinarang ako nang isang nurse at sinabing bawal daw ako pumasok pero nagpumilit pa rin ako at saktong lumabas ang isang nurse na nasa loob at sinabing maarai daw akong pumasok dahil kritikal na ang lagay ni Khyla.
Pagkapasok ko sa ER nakita ko si Khyla inooperahan, naaawa ako sa kalagayan nya.
"Sir, pwede nyo pos yang kausapin at hawakan ang kamay nya, manhid lang po sya, nagising po kasi sya." Sabi nung isang doctor.
Hinawakan ko ang kamay ni Khyla at hinalikan ito sabay yuko at bumulong sa kanya.
"Baby girl, kaya mo to. Promise hinding-hindi ka na maghihirap pa kapag nalampasan mo to." Bulong ko habang umiiyak.
Naramdaman kong humihigpit ang kamay nya senyales na gising sya.
"Baby girl, lalaban ka ha." Bulong ko ulit at hinalikan sya sa noo.
Pagkaalis ko nang pagkakahalik sa kanyang noo nakita kong may luhang tumulo sa mga mata nya.
Hindi ko mapigilan ang pag-iyak, hinding hindi mo talaga mapipigilang umiyak kapag naghihirap at nasasaktan ang taong mahal mo.
Ilang minute lang ang nakalipas dineklara nang doctor na stable na ulit sya, pinatulog na ni Khyla at sya naming paglabas ko anng ER dahil mukhang matatagalan pa daw ang pag-oopera sa kanya.
Paglabas ko nang ER nakita ko ang isang nurse na nag-asikaso sa amin at nilapitan ko ito.
"Miss, saan kayo nakakita nang donor nang puso?" tanong ko habang nagpupunas nang luha sa aking mga mata.
"Meron pong isang babae na lumapit sa amin tapos sabi nya kamag-anak nya daw, nagvolunteer say na magdodonor daw, ayaw nya daw na makitang nahihirapan ang pasyente pati ang mga kaibigan nito." Sagot nang nurse.
Nagtaka ako bigla, ang alam naming lahat wala nang kamag-anak pa si Khyla na nabubuhay kung meron man sigurado hindi nila kilala si Khyla.
"Pwede ko bang mahingi pangalan nya?" tanong ko pa.
"Confedential poi to pero sir sa inyo ko lang po ipapakita, sumunod po kayo sa nurse station. " sagot nya.
Habang naglalakad kami papunta sa Nurse Station, nagtataka pa rin ako kung sino sya.
"Miss pwede ko malaman kung ilang taon na sya?" tanong ko habang naglalakad kami sa pasilyo nang ospital.
"Mga kasing edaran nyo lang po."
Napatanong na ako sa sarili ko kung sino talaga ang bagong donor.
Nang makarating na kami agad nyang kinuha ang envelope na naglalaman nang impormasyon tungkol sa donor.
"Sir wag nyo na lang pong ipagsabi na ipinakita ko sayo baka mawalan po ako nang trabaho."pagpapa-alala nya sa akin.
"Sige." Tanging sagot ko.
"Cassandra Lockheart sir."
Para akong napako sa kinatatayuan ko.
"A-Ano ulit yun miss?"
"Cassandra Lockheart po."
Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.
"Hindi maaari to." Nanginginig kong sabi.
*****
XANDER's POV
Hindi maaari to, si Cass pa ang magdodonate.
"Nurse, saan na sya?" natataranta kong tanong.
"Sir, nasa operating room po." Sagot nito .
"SAAN?" apasigaw nyang tanong.
Sa sobrang taranta ko hindi ko na alam na nasigawan ko na ang nurse.
Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Cass at humingi nang sorry at magpasalamat.
Nangmakarating na ako sa lugar kung nasaan ang bangkay daw ni Cass agad akong pumasok.
HInagilap ko ang bangkay ni Cass kasi ang sabi nila wala daw maipapalit na puso para sa kanya.
Nagtanong ako sa tao duon.
"Sir nasaan po ang bangkay ni Cassandra Lockheart?"
"Ahm . Teka." sagot nya.
Ilang minuto rin ang lumipas bago nya ako sagutin.
"Mister, walang Cassandra Lockheart dito baka nagkalamali po akyo nang ospital." sagot nya.
"Hindi po maaari yun, ang sabi nang nurse nandito daw po sure po ba kayo? Sya po yung babaeng tinanggakan nang puso.." pagpupumilit ko.
"Sir wala po talaga baka po yung sinasabi nyo ay Clarisse Yu."
Nagulat ako sa sinabi nang lalaki.
"Anong?" nagulat at mangiyakngiyak kong tanong .
Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata.
"Na-nasaan ang bangkay nya?" nauutal kong tanong habang napapa-iyak.
"Halika po kayo." sagot nito.
Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad patungo sa lugar kung nasaan ang bangkay ni Clarisse.
Papaanong si Clarisse yun , ang alam naming lahat namatay na sya dati pa. Mahigit 2 taon na ang nakakalipas.
Nang makalapit ako sa kanyang bangkay mas lalong lumakas ang kabog nang dibdib ko.
Sobrang lapit ko na sa bangkay nya, nang buksan ito nang lalaki tumambad sa akin ang bangkay nga ni Clarisse.
Hindi ko pinansin kung bangkay na sya o hindi, agad-agad ko syang hinagkan at hinalikan sa noo.
"Clarisse, bat ang sama mo sa amin! Ang alam naming lahat patay ka na, ang daya mo naman." bulong ko dito nang nangingilid ang luha.
"Bakit Clarisse, bakit kailangan mong gawin to samin." sunod ko pa.
"Sir, tama na po yan. Kaano-ano po ba kayo?" pagputol nito.
"Kaibigan nya ako. Napakalapit na kaibigan." sagot ko.
"Sir, meron po palang sulat sa bulsa nang pantalon nya kanina, nakapangalan kay Xander Lazaro."
"Ako yun.!" sagot ko agad.
"Dun na lang po sa office." sabi nya.
Bago ako umalis sa morge humuling sulyap at halik pa ako kay Clarisse. Hindi ko papigilan ang sarili koong maiyak at mainis dahil sa mga nangyayari at mga rebelasyon.
-aV0}p��
YOU ARE READING
I Found You
Teen FictionDo you still remember me? the memories we had? I miss you, please come back. I miss you, badly.