Chapter Ten: The Elimination
***
Natasha's PoV:***
Nagising ako bandang alas singko na sa loob ng hospital wing...Sabi nina Sam, nawalan daw ako ng contol at naglabas daw ako ng maraming lakas galing sa mga mata ko kaya nagdulot ito ng pag be brake down ng katawan ko dahil di ko nakaya.
Panay naman ang pagsosorry ko sa kanila kanina lalo na kay Louise dahil sa nagawa ko.
Agad naman akong nadischarge kanina lang alas sais...
At ngayon lahat sila ay nasa loob ng dorn ko, sa sala gusto daw nilang dito maghapunan at pumayag naman ako bilang kabayaran sa nagawa ko.
Kaya eto ako ngayon nasa kusina at nagluluto ng adobo, at sila...nasa sala naglalaro ng scrable. Tuwang tuwa nga sila eh, at ngayon lang daw sila nakakapaglaro non.
Matapos akong magluto ay iniayos ko ang pinaglutuan ko at itinapon ang mga basura.
Tinuruan kasi ako ni lola na dapat laging maayos ang pinaglutuan, at lagi dapat nakaorganize ang lahat.
Naghain ako para sa aming anim at pumunta sa sala para tawagin sila.
Nadatnan ko silang pinagtatawanan si Spade.
"Tama na yan...iligpit nyo na yan at kumain na tayo,"sabi ko at agad silang nagligpit ng mga kalat at pumunta sa dining table.
Umupo kami at nagsimula na kumain.
Unang kumuha si Spade na halatang gutom dahil umaapaw ang plato nya.
Grabe..."Wow! Ang sarap mo magluto Asha!,"sabi nya at sumubo ng sumubo.
"Oonga!,"pagsangayon nina Louise at Sam.
Samatalang sina Calibre at Rage...walang reaksyon.
Unang natapos kumain si Calibre at inilagay sa sink ang pinagkainan nya.
"Your food is great,"sabi ni Calibre at ngumiti sa akin sabay punta sa sala.
Sunod naman si Rage at agad na tumayo at naghugas ng kamay.
"Not delicious,"sabi nya at umalis.
Nabitawan ko ang kutsara at tinidor ko at kumalansing ito sa pagpatak sa sahig.
Agad ko itong pinulot at inilagay sa lababo ang plato ko na wala pang bawas.
Nagapaalam sila sa akin na magpapalit sa dprm nila at dederetso dito para sabay sabay kami. Tumango ako at inayos ang pinagkainan namin.
Naghuhugas ako ng plato, ng maramdaman kong may umaagos sa mga mata ko.
Kinapa ko ito at parang luha...
Paulit ulit na nagrerecall sa utak ko ang sinabi ni Rgae, dahil sa tanang buhay ko, sya palang ang nagsalita ng ganon sa akin.
Dali dali akong naghugas ng plato at pumunta sa kwarto para magbihis.
Sinigurado kong nakalock ang pinto at nagpalit ako ng gagamitin kong damit sa elimination.
Nagsuot ako ng jeans at t-shirt at simpleng rubber shoes. At saka ko inilabas ang cape na ibinigay sa akin ni lola.
Isinuot ko ang bracelet at ang locket.
Tumungo ako para makita ang lalagyan ng espada galing sa Intel Dept. ang espada at sinukbit ito.Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sila na nakaupo na naguusap.
"Let's go,"sabi ko at lumabas na ng dorm. Sumunod naman sila sa akin palabas patungo sa Underground kung saan gaganapin ang Elimination ng Neight.
Malapit na kami sa pinto pababa ng makita ko si Eros, ang nagiikot tuwing gabi at hinuhuli ang mga nakikita nyang estudyanteng pakalat kalat at bibigyan ng detention. At ang mas matindi ay, magkakaroon ng deduction sa house points.
YOU ARE READING
Monstrum Institute (School For Specials)
FantasíaCreatures are not created equal. That's why this school is formed. To shape the specials. And you? Wanna come here too?