Hostess - Chapter 5

705 41 6
                                    

..........

A/N: Fast forward tayo guys..

..........

Weeks later...

"Uuy! Balita ko tuluyan ka na raw aalis dito ah? Big time siguro yung bumahay sa'yo no?" Natutuwa ngunit may halong inggit na sabi nung isang kapwa-GRO ni Crystal.

Natutuwa sya dahil sa wakas ay mawawala na si Crystal sa buhay nila. Kapag kasi nangyari iyon ay mapapansin na rin sila at kikita na rin sila ng maayos. Syempre wala na silang kaagaw pa sa mga customer nila.

Pero naiinggit naman sya dahil mukhang maginhawa na talaga ang buhay ni Crystal. Hindi katulad nilang mga maiiwan sa club, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang lalaking syang mag-aahon sa putikang kinasasadlakan.

"Sino ba kasi yung mystery guy mo? Politician siguro ano kaya ayaw mong sabihin sa amin?" Sabi naman nung isa.

Hindi pa rin sumagot si Crystal. Nginisian lang nya ang mga kasama.

Sa totoo lang ay wala naman talagang lalaking bumahay kay Crystal. Pinalabas nya lang iyon upang hindi maging kahina-hinala ang bilis ng pag-asenso nya.

Mula nung madiskubre nya ang hiwagang bumabalot sa pitakang napulot ni Patrick ay kung anu-ano ang pinagbibili nya. Mga mamahaling damit, sapatos, make up, cellphone, alahas. At kung anu-ano pa.

Pinakitaan nya ng mga bago at mamahaling gamit ang mga kapwa nya hostess. Sinabi nyang galing ang lahat ng iyon sa isang secret admirer nyang ubod ng yaman.

Bumili rin sya ng condo unit, bahay at lupa, pagkatapos ay kotse. Kumuha rin sya ng driver at mga bodyguards.

Ngayon--- pati si Madam Olga ay bibilhin na rin nya.

.....

"Hindi ka pwedeng umalis dito Crystal. May pinirmahan kang kontrata. Pwede kitang idemanda." Pagbabanta ni Madam Olga nung sabihin nyang sya ay titigil na sa pagta-trabaho bilang hostess sa club nito.

Malaki kasi ang ipinapasok na pera ni Crystal sa club. Kung mawawala nga naman sya ay malulugi at babagsak ang negosyo ni Madam Olga.

"Hoy tanda! Wag mo nga akong gaguhin. Anong kontrata ang pinagsasasabi mo dyan? Baka gusto mong ikaw ang idemanda ko? Hah! Tang*na! Baka nakakalimutan mo, menor de edad pa lang ako pinagkakakitaan mo na ako." Panunupalpal ni Crystal sa matanda.

Hindi na sya menor de edad ngayon kaya alam nyang niloloko lang sya nito tungkol sa kontrata. At alam na alam din nya kung ano ang habol nito sa kanya---

Pera.

Agad nyang inilabas ang pitaka. At pagkatapos...

"O--- okay na ba yan sa'yo tanda? O kulang pa? Sabihin mo lang.." Maangas na sabi ni Crystal matapos nyang hagisan ng maraming pera ang matanda.

Nagliparan iyon sa ere at parang confetti na kung saan-saan bumagsak.

Bagama't nainsulto ay namilog naman ang mga mata ni Madam Olga sa mga perang nagkalat ngayon sa kanyang munting opisina.

Agad syang tumayo mula sa kinauupuan upang damputin ang mga pera sa lapag.

"Kulang pa 'to. Kulang pa!" Halos mabaliw na sigaw nya habang isa-isang pinupulot ang mga perang papel sa sahig.

"Tang*na! At talagang humirit ka pa ha? Ang kapal mu rin talaga eh 'no! Pero sige pagbibigyan kita tanda. Eto na ang request mo... Uhm! Isama mo yan sa impyernong pupuntahan mo!" Pang-iinsulto pa ni Crystal sa matanda. Lahat ng laman ng pitaka nya ay itinapon nyang lahat sa mukha nito.

Mahiwagang PitakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon